Vice, Karylle, and Anne as themselves.
------------------------
K's POV
M.U. Dalawang letra na ang daming kahulugan. Mutual Understanding; Malanding Ugnayan; Magulong Usapan; Friends with Benifits. Dalawang letra na ang daming sumasaya at nasasaktan. Dalawang letra na nagpapangiti at nagpapaiyak. Dalawang letra kung saan kami nagsimula... at kung saan natapos din ang lahat.
Magkaibigan na kami ni Vice since elementary pa lang kami. Nakita naming umiyak ang isa't-isa; madungisan, masugatan at mapagalitan ng mga Mama namin kapag naglalaro kung saan-saan; lagi kaming sabay magdiwang ng birthday; nag-aasaran, nagkukulitan. We see each other grow, we were always there for each other. Yes, were. Simula kasi ng pumasok na kami sa highschool, nagbago na ang lahat.
Ganon pa din naman, magkasama kami, nag-aasaran, nagkukulitan. Pero, hindi na kaibigan ang tingin ko sa kanya, nararamdaman ko, higit pa doon.
Pero nung second year, hindi ko na siya tuluyang nakasama. Nagkaroon na kasi siya ng girlfriend , si Anne. Transferee si Anne, maganda, mabait, pero napaka-selosa.Dumating yung puntong nagkasagutan kami dahil pinagselosan nya ako sa sobra naming closeness ni Vice, pinapili pa nga nya si Vice eh, siya ba raw o ako, kaso, si Vice, si Anne ang pinili. Ang saklap lang. Kaya napagdesisyunan ko ng lumayo kay Vice simula matapos mangyari ang eksenang iyon.
Akala ko magiging ok na at mawawala na ang espesyal na nararamdaman ko kay Vice, pero hindi pala. Sa totoo lang, lalo itong lumala...lalo ko syang nami-miss, at, lalo lang akong nasaktan. Dahil nga magkakaklase kami ni Vice at Anne, bawat hawak-kamay, beso, yakap, lahat, nakikita ng malinaw ng dalawa kong mata. Wala naman akong magagawa, eh sino ba naman ako, ex-bestfriend lang ako ni Vice.
Tandang-tanda ko pa noon, unang araw ng Pebrero, dumating si Anne sa silid-aralan natin, nakapustura. Sabi nya magma-migrate daw sila ng pamilya niya sa Amerika, nagalak ako bigla dahil maari na kitang makausap muli Vice, pero napalitan din ang galak ko ng lungkot ng makita ko ang mukha mong parang kinuha ng mundo lahat ng meron ka.
Nilapitan kita kina-tanghalian ng araw ding iyon. Niyakap mo akong bigla at iyak ka lang ng iyak. Sabi mo, hindi mo alam na pupunta ng ibang bansa si Anne, na wala syang nasabing anuman patungkol sa bagay na iyon. Naiyak na din ako, nasasaktan ako na makita kitang ganito, hindi ikaw ang tipong umiiyak sa babae, kadalasan ikaw ang iniiyakan. Ang tanging bagay lang na alam kong maari kong maitulong sa iyo ngayon ay ang manatili lagi sa tabi mo at malaman mong andito lang ako. Lagi naman akong nandito kasi Vice, bakit kasi hindi na lang ako?
Lumipas ang mga araw at kahit papano ay naibabalik ko na ang ngiti sa iyong labi. Araw ng mga puso iyon, tandang-tanda ko pa, nung araw na iyon, binibiro mo ako na umamin na akong gusto kita. Nadala ako ng pikon at inis kaya nadulas ako at napaamin. Nung narinig mo, kita sa mukha mo ang pagka-bigla, alam ko naman na eh. Tatalikod na sana ako ng bigla mo akong yakapin ng napakahigpit at tumawa, sabay sabi mong "Edi umamin ka din Kurba, M.U. na tayo ah! I love you"
'M.U. na tayo...I love you....M.U. na tayo....I love you' Paulit-ulit iyon nag-echo sa utak ko, hindi ako makapaniwala, mahal mo din ako?
Natapos ang 2nd and 3rd year ay mag-M.U. pa din tayo. Mga malalapit na kaibigan at pamilya lang natin ang tanging nakakaalam ng tunay na estado natin. Mas pinili kasi natin na hindi masyadong ipagkalat sa lahat dahil paniguradong madaming makikisawsaw. Tuwing magtatampo o magagalit ako sa'yo, isang lambing, isang yakap mo lang sa akin, ok na ulit tayo. Hindi din naman kasi kita matiis. Masaya naman ako sa kung anung meron tayo, pero hanggang dito nalang ba, Vice? Hindi kita tuluyang matawag na akin, dahil hindi naman tayo offcially 'in a relationship'. Forever M.U. nalang ba talaga?
BINABASA MO ANG
ViceRylle Rhythm Of Love: One-Shot Stories
Fiksi PenggemarExperience the different Faces of Love with ViceRylle. ViceRylle One-Shot Stories. Original Stories; Remake of some one-shots (ViceRylle version); Inspired by short films