1.[Pain]

1.7K 33 0
                                    

Naranasan mo na ba ang malunod? Malunod sa isang sitwasyon... Malunod sa matinding emosyon.

Sobrang tahimik nang paligid. Tanging mga huni lang nang ibon sa katabing puno sa gilid nang bintana ko ang naririnig ko. Sana ganito lage. Sana ang mga huni na yon lang talaga ang maririnig ko sa buong buhay ko.

Napangiti ako at napatingin sa labas nang bintana. Ang inang ibon ay pinapakaen ang kanyang mga inakay. Ang simple lang nang buhay nila hindi ganun kalaki ang pugad pero sapat na para mainitan sila. Sapat na para maramdaman nila ang mainit na pagmamahal nang kanilang ina.

Nakaramdam ako nang konteng kirot sa puso ko. Ngumiti ako nang mapait.

Biglang nagdilim ang kalangitan. Nanlaki ang mga mata ko at dumungaw sa bintana. Mukang uulan. Kawawa naman sila malalamigan at maaring mabasa. Inulusot ko ang ulo sa bintana at pilit inaabot ang pugad. Nang hindi ko ito maabot ay lumabas pa ako lalo at ikinawit ang kalahating katawan ko sa bintana.

Ngunit bigo ako hindi ko parin abot ito. Unti unting pumatak ang malalaking butil nang ulan sa bubong hudyat na babagsak na ang ulan. Makalipas ang ilang pag pipilit na maabot ito ay wala padin. Kahit anong paraan ginawa ko na pero sadyang napakalayo talaga nang pugad sa bintana ko. Nalungkot ako sa reyalidad noon.

Kalahati na nang katawan ko ang nababasa nang ulan pero hindi ko padin naabot ang pugad.

"Wala nang pagasa." Malungkot kong usal.

Sumuko na ako at ipinasok sa loob ang buong katawan ko. Isinarado ko ang bintana dahil lumalakas ang hangin na may dalang ulan. Nagkasya nalang ako sa pagtingin sa kanila mula sa bintana.

Ang inang ibon ay sinisingit sa loob nang balahibo 'nya ang mga inakay. Kahit matindi ang ulan hindi 'nya alintana ang mabasa basta maprotektahan lang ang mga inakay. Kahit paano ay nawala ang pag aalala ko para sa kanila.

Kumuha ako nang pamalit na damit at twalya saka pumasok sa loob nang banyo. Pag labas ko nang banyo ay napabuntong hininga ako. May mga kalabog mula sa baba nang bahay at mga sigaw.

"Heto nanaman sila."

Dumertso ako sa kama at kinuha ang earphones ko. Inilagay agad ito sa tenga ko.

Pero ang weird sa pakiramdam kase nag-kukunwari akong ayaw marinig lahat nang sigawan at sumbatan nila.

Pero ang totoo walang ipod o cellphone na nakakonekta sa earphones na suot ko. Naririnig ko padin bawat sigawan, bawat masasakit na palitan nang salita, bawat detalye nang lahat kung saan nagsimula ang lahat.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Kahit na nagagalit ang langit at maingay ang pagbuhos nang ulan malinaw ko pa rinnaririnig ang mga boses nila.

Unti-unti nanamang tumulo ang luha ko at pinunasan ko agad ito gamit ang manggas nang jacket ko. Nagsimula akong kumanta para kahit paano gumaan ang pakiramdam ko.

I let it fall, my heart . . .

And as it fell you rose to claim it. . .

"Kasama mo nanaman ang kabit mo! Hindi na talaga nadala ang babaeng yun ang kapal nang muka."

"Nasa trabaho lang ako Agatha, sumosobra kana! Pinauwi mo ako dito sa bahay nasa gitna ako nang meeting."

It was dark and I was over.

Until you kissed my lips and you saved me. . .

"Meeting? That's bullshit James. Wala ka sa opisina mo kanina saang meeting ba yan, sa Hotel ba? Ikinakama mo ang kabit mo habang ako nandito sa bahay nagmumukmok."

"Will you please shut up Agatha! Sawang sawa na ako sa mga pag-hihinala mo. Sa mga akusasyon mong walang basehan."

My hands, they're strong. . .

"Kitang kita nang dalawang mata ko James. Nakapatong ka sa babaeng yun 2 years ago! Wag mong sabihing tapos kana sa kanya! Ngayon mo sa akin sabihin James. Bakit hindi ba ako naging sapat."

Nakarinig ako nang yabag na dumaan sa pintuan nang kwarto ko. At isang malakas na kalabog nang pinto.

May nakatakas na mga hikbi mula sa bibig ko. Lumunok ako at huminga nang malalim.

"Putangina! Dont turn your back on me. Nagsasalita pa ako."

"Shut it Agatha! Lasing kana naman. Babalik ako sa opisina may mga naiwan pa akong trabaho."

But my knees were far too weak,

Muli ay narinig ko ang pinto at dumaan nanaman ang mga yabag sa harapan nang kwarto ko pababa nang hagdan.

To stand in your arms

Without falling to your feet. . .

Unti-unting himina ang sigawan at tanging tunog nalang nang papaalis na sasakyan ang narinig ko.

But I set fire to the rain,

Watched it pour as I touched your face,

Well, it burned while I cried

'Cause I heard it screaming out

your name, your name!

Nang masigurado kong wala nang ingay sa labas, tinanggal ko ang earphones at umupo nang maayos sa kama ko. Halos araw araw sa loob nang dalawang taon ganun na lage ang eksena nila. Wala na bang bago hindi ba talaga sila nag sasawa.

Nakarinig nanaman ako nang mga yabag mula sa labas nang pinto. Huminto mga yabag sa mismong tapat nang pintuan ko. Isang malakas na katok sa pinto ang nagpabalik sa diwa ko.

"Gerphile Adeline hindi kaba pupunta sa practice mo! Bumango kana jan!"

Hindi ako sumagot at patuloy 'nyang kinalabog ang pintuan ko.

"Walang kwenta! Pare-parehas kayong walang kwenta!" Sigaw 'nya at umalis na. Isang malakas na pag sara nang pinto ang narinig ko at tahimik nanaman ang lahat.

My name is Gerphile Adeline Waters. And this is my story.

GERPHILE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon