Ang akala ko masasanay na ako. Ang akala ko wala na akong pakelam pero nangyari ang hindi ko inaasahan.
Dahil sa grumaduate na ako ng High School ay ipinasok 'nya ako sa isang kolehiyo para sa musika. Lahat halos nang magagaling sa larangan ko ay galing doon.
Doon ako nagsimulang malunod. Iba na ang estado ko sa paaralan na yun. Kelangan ko nang sumabak sa mas malaking dagat dahil mas maraming magagaling ang kelangan kong malampasan.
Nang minsang tumugtog ako ako sa bahay. Narinig yun Mama. Pumikit 'sya at pinakinggan ang musika ko. Akala ko ay magugustuhan 'nya. Maya maya ay kumunot ang noo 'nya.
"Ang sakit sa tenga! Kaninong pyesa yang tinutugtog mo parang hindi ko kilala."
May kirot na dumaplis sa dibdib ko.
"Sa akin po Ma. Composition ko po."
"Gerphile naman ayusin mo. Hindi ka sisikat kung pipitsugin lang ang mga gawa mo. Aba ako ngang hindi nag aral nang musika, alam ang pag kakaiba sa maganda at hindi! Paano tayo babalikan nang Papa mo kung ganyan ka walang kwenta ang ipapakita mo."
Sa bandang huli negatibo pa din ang nakuha ko mula sa kanya. Hindi ba talaga ako magaling para sa kanya o 'sya lang ang talaga ang may problema.
Kelangan ba talaga ako ang umayos para hindi na mambabae si Papa. Ginawa ko naman lahat nang kaya ko pero kulang pa ba.
Halos araw araw sinikap kong maging mas magaling pa. Sinubsob ko ang sarili ko sa pag aaral at pag pa-practice.
Naisip kong baka kung sakaling sumikat ako at nanguna sa lahat ay mapansin na din ako ni papa. Mahalin na din ako ni mama.
Dahil sa inaabot na ako nang oras sa music room nakilala ko si Sir Brile. Tumutugtog ako non at nang matapos nakarinig ako nang palakpak.
Pag angat ko nang tingin nakita ko 'syang nakangiti sa akin.
"Wow! That piece was heartfelt. Sinong gumawa 'nyan?"
"Ako lang po Sir."
"Amazing for a young age, tinalo mo pa ang unang piece ni mozart." Napatawa ako sa sinabi 'nya.
"That's too much sir. Imposible yun."
Lumapit 'sya sa upuan ko at inilahad ang kamay.
"Kidding aside, that was wonderful. Im Brile Folks by the way from the faculty."
Tinanggap ko yun at yumuko.
"Gerphile Adeline Waters po. Nice to meet you sir."
"I think hindi kita student kase ngayon lang kita nakita dito."
"Yes im from Class A1 sir."
"Ohh gifted. Magagaling ang nakakapasok sa class na yun at pili."
Ngiti nalang ang isinagot ko. Tama 'sya katakot-takot na hirap ang inabot ko makapasok lang sa klase na yun. Pero hindi yun malaking bagay para sa magulang ko. Ni hindi nila naapriciate man lang yun.
Sir Brile was nice He was 28 and may girlfriend daw 'sya na kasalukuyang nasa Paris. Masarap 'sya kausap at nakakatuwa. Tinuturuan 'nya din ako paminsan pag may mga hindi pa ako alam. We became friends para akong nakatagpo nang big brother sa katauhan 'nya.
"Mag paused ka sa second stanza tapos bilisan mo yung susunod na tipa."
"Like this Sir." Ginawa ko ang turo 'nya at nakuha ko naman agad.
"Yeah! Nakakatuwa kang turuan ang bilis mong matuto. Nakailang ulit pa kameng practice bago makuha nang mga students ko."
Ngumiti lang ako. Siguro kase sanay na ako sa puri 'nya. I earned that from other people too except from my parents.
Napahinto ako nang tumitig sa akin si Sir Brile. Kami nalang noon ang tao sa muaic room at halos naguwian na din ang mga studyante dahil 7pm na.
"You're beautiful Gerphile." At inilagay 'nya ang mga takas na buhok ko sa aking tenga.
"Sir..."
Napaatras ako sa gulat. Pero hindi 'sya natinag nakangiti at nakatitig pa rin 'sya sa akin.
"I know you're sad. I can see it in your eyes. Do you want me to take it away?"
Nalito ako sa sinabi 'nya halos hindi yun nag process sa utak ko. Nagulat nalang ako nang ipatong 'nya ang kanyang kamay sa kamay ko. Mabilis ko yung binawi at tumayo.
"S-sir late na po, uuwi na ako."
"Don't go home yet Gerphile. Ayaw mo bang tulungan kita?"
Pinigilan 'nya ako nang makarating ako sa pinto. Dahil sa mas malaki 'sya sa akin saglit lang 'nya akong natangay palayo sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang ilock 'nya ito.
"C'mon Im just here to help. Ill take that sadness away."
Nagiba ang aura ni Sir Brile at ngumisi ito habang lumalapit sa akin. Kaya umatras naman ako.
"S-sir please... please let me go home."
Napalunok ako nang wala na akong maatrasan dahil piano na ang nasa likod ko.
That moment naramdaman ko nanaman ang pagkalunod. Yung alam kong helpless ako at walang sasagip sa akin. Napaluha nalang ako nang lumapit 'sya at halikan ang pisngi ko.
Nanginginig ako sa takot wala akong laban sa kanya. Im not that skinny pero kung ihahambing sa kanya wala akong laban. At hindi ako marunong nang kahit anong self-defense. Puro pag tugtog lang ang alam ko dahil hindi ako napasok sa kahit anong sports.
"Don't try to shout Gerphile. Sasabihin ko sa lahat na inakit mo ako if they find out. Im just a man with needs."
Doon biglang pumasok sa utak ko ang magulang ko. If i shout at lumabas na nilandi ko si Sir Brile, kahit na magsabi pa ako nang totoo iisipin pa din nila na ginawa ko yun. Because Mama only see the negatives. She will despise me more.
BINABASA MO ANG
GERPHILE [Completed]
Non-FictionAll her life Gerphile tried to be the best be the the smart, beautiful top of the class and an obedient daughter for her parents and for the sake of their name. But even he strive so hard her worth still not enough. She was alone, got wrecked and to...