Chapter 2

19 1 0
                                    

Peyton Moore

"Peyton, gising na. Andito na tayo." Minulat ko ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang gwapong pagmumukha ni Zion.

"A-Ah!" Napaupo ako ng maayos sa pagkagulat. Tinignan ko ang labas at nakita ko ang ubod ng laking siyudad.

"Welcome to Henryk's Academy of the Odds" nakangiting sabi ni Zion at lumabas na upang kunin ang maleta ko. Sinuot ko ang back pack ko at lumabas na din.

"Ito ang academy? Bakit parang siyudad? Ang ganda." Naa-amaze na sabi ko. Inikot ko ang tingin ko ng nakangiti.

Tumingin ako kay Zion. Nakatingin din siya sa akin ng nakangiti.

Crush ko na ata tong babaeng to..

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Namumula ba ako? Bakit ang init dito?

"A-Ah, tara na? Sabi mo naghihintay na si P-Professor Henryk." Hinawakan ko nang mahigpit ang bag ko.

Narinig kong tumawa si Zion kaya mas lalo akong nahiya. Nauna na siyang maglakad dala ang maleta ko. Gusto ko mang kunin ito ay hindi siya pumapayag. Kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Pinagtitinginan kami ng nga estudyante. Nakayuko ako pero naririnig ko sila.

Bagong kaagaw ko na naman kay Zi.

Lakas ng loob ipadala kay Zion ang maleta niya.

Mukhang siyang bitch.

Oh my gosh, another crazy freak.

Napakapit ako sa manggas ng shirt na Zion, nahihilo ako sa lahat ng mga boses na naririnig ko..

"Okay ka lang, Pey?" nag-aalalang tanong nito sakin.

Napabitaw ako dahil alam kong maraming nakatingin sa amin.

"O-Oo. Tara na." sabi ko. Nag-aalangan man ay tumango na siya at naglakad ulit hanggang sa makarating kami sa harap ng Head Master's Office. Kumatok si Zion bago pumasok. Sumunod naman ako.

"Good morning, Professor. Andito na si Peyton Moore." Pagsisimula ni Zion. Nakatalikod ito at parang may ginagawa.

"G-Good morning, sir-- este Professor Henryk." Sabi ko.

Humarap ito at ngumiti. Bigla na namang may nagflash na mga imahe.

Isang bata at isang lalake, naglalaro sa tabing-dagat. Masaya sila. Mag-amang naglalaro sa tabing-dagat at nakatanaw sa kanila ay isang babae na nakangiti.

Biglang nagbago ang mga imahe.

Magulo. May nagpapaulan ng mga bala. May putukan. Ang bata ay nakatago sa cabinet. Ang lalake ay nakikipaglaban pati na rin ang babae. Duguan na sila, mahina na.

Natigil lahat. Napaupo ako sa malamig na semento, habol hininga ko siyang tinignan. Bakas sa mukha ni Professor at Zion ang pag-aalala. Pinagpapawisan na naman ako, hindi ako makapagsalita.. Para akong natuyuan ng laway.. Tinitigan ko si Professor Henryk upang basahin ang nasa isip niya pero di ko magawa..

Journey Of The Odds | ONHOLDWhere stories live. Discover now