Chapter 5

18 1 0
                                    

Peyton Moore

Nagising ako makalipas ang isang oras. Nakita kong nakatingin lang si Ziggine sa akin. Andito siya buong oras?

"Good thing gising ka na. We still have classes. You okay, already?" Dire-diretso niyang sabi. Tumango ba lang ako at tumayo para ayusin ang uniform ko.

Students, please proceed to the gymnasium for some announcement.

Students, please proceed to the gymnasium for some announcement.

Boses yun ni Professor Henryk. Tumingin ako kay Ziggine.

"Ah, tara na?" Pagtatanong ko. He just nodded and went ahead. Tch. Ang gentleman ha! Take note of the sarcasm. Sumunod na lang ako sa kanya papuntang gymnasium.

**

Nakarating kami at kitang-kita namin ang mga estudyante.

Ano kaya ang announcement?

Sana party.

Oh my gosh, sana good news.

Panira ng tulog.

Nags-study pa ako eh.

Nabitin tuloy kami ni Dale.

Marami pa akong boses na naririnig. Pinikit ko ng panandalian ang aking mga mata para matahimik man lang. Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko. Pagbukas ko ng mga mata, nakita ko si Ziggine na nakatingin sakin. And he dragged me to where the others are.

"Good evening, odds." Masayang bati ni Professor Henryk. Sumagot naman kami bilang paggalang sa kanya.

"So I would like to announce that we will be having our first Solidarity Party. We have prepared this one for two weeks already. Mark your calendars, students. It will be on Friday evening, at 7pm. Wear your elegant gowns and dresses, girls. And boys, of course, suit and tie. Tuxedos and such. I want everyone to enjoy the said party." Pag-aanunsyo ni Professor. Party? Pero hindi ko naman hilig ang ganun. Friday? Wednesday na ngayon eh.

"Also, let me remind you students thay the quaterly ranking quest will happen next week. So aside from the party, you need to prepare yourselves for the quest." Pagdagdag ni Professor. Quest? Ranking? Ano na naman to?

Pagkatapos nun, dinismiss na kami at pinabalik na sa mga dorms namin. Nakakapit si Threa sa akin.

"Ate Pey, excited na ako sa party! Bibili tayo bukas ng gowns ah?" Masiglang pagsabi ni Threa sa akin. Dagdag niya pa, kasama daw si Rue at Ria. Tumango naman ako.

Nakarating kami sa dorm ay diretso na sila sa mga kwarto nila. Dumaan muna ako sa kusina upang magtimpla ng gatas.

I can levitate things. I could use that to attack and defend. It's beneficial.

Pagkatapos kong magtimpla ay pumasok na din ako sa kwarto ko. Umiinom ako ng gatas ng makita ko ang isang itim na kahon sa closet ko. Kinuha ko ito at binuksan. Isang bloody red cloak.

Para saan naman itong cloak na to? Nagtataka man, ibinalik ko na ito sa kahon at nilagay sa closet ko.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

**

Kinabukasan, maaga akong nagising. 5:30AM. Basa ko sa wall clock. Bumangon na ako at nag-inat bago lumabas. Bumaba na ako sa kusina para magluto. Sinuot ko na agad ang apron at naghanda ng fried rice at sunny side-up eggs para sa pito. Nagluto na din ako ng sausages para sa kanila. Scratch it, sa amin. Dahil paniguradong pipilitin lang ako ni Ziggine.

"Uwaaaaaa! Ang bangooo!" Pasigaw na bungad ni Spencer at tumakbo papasok dito sa kusina.

"Good morning, Spence." Nakangiti kong sabi habang hinahain ang almusal.

"Ang aga mong nagising, Pey. Sarap ng agahan ah!" Natatawa niyang sabi.

"Mabuti pa, gisingin na natin sila para makakain na tayo." Pagsasabi ko, hinubad ko na ang apron at pumanhik sa kwarto ni Rue at kumatok. Lumabas na siya.

Good morning, Pey!

Masayang bati na.

"Good morning, Rue. Kakain na tayo." Sabi ko at pumunta na sa kwarto ni Zion para kumatok.

"Zi, gising na, mag-aalmusal na!" Sigaw ko habang kumakatok. Binuksan niya naman ang pinto. He's rubbing his eyes cutely. Bagong gising.

"Good morning, Zi." Natatawang sabi ko at dumiretso na sa kwarto ni Ziggine. I knocked.

"Zig? Kakain na tayo." Pag-gising ko. I am still knocking. Maya-mayang binuksan niya ito at tinignan ako. Lazy sleepy eyes welcomed me. Matatawa na sana ako ng hilain niya ako papasok at nilock ang door.

"O-Oy! Teka! Kakain na tayo!" I panicked. He was holding my wrist tightly. Humiga siya at dahil hila-hila niya ako, napahiga ako sa tabi niya.

"Later. Let's sleep first." Tamad na sagot niya. Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at inipit ang ulo niya sa leeg ko.

Lub. Dub. Lub. Dub.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Oh my gosh, this guy is freaking me out. Naramdaman ko na lang na naging stable yung paghinga niya sign na natutulog siya. I stared at him and I just felt like sleep is pulling. Pumikit ako at di ko namalayang nakatulog na pala ako. Beside him.

Nagising ako sa paghigpit ng yakap ni Ziggine sa akin. Wait what?! I stood up and looked at him. Nagising din ata siya. Nakatulog ako. Beside him. We slept together. Oh my gosh.

"Kumain na nga tayo!" I scowled and rushes out of his room. Nakita kong napatingin ang anim sa akin na ngumingiti ng nakakaloko maliban kay Zion.

"What?!" I exclaimed and ran to my room. Nakakahiya. Walanghiyang Ziggine. Di tuloy ako nakapag-agahan. Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako. I simply wore maong shorts and baseball tee.

"PEYTON! BILISAN MO! AALIS NA TAYO!" Sigaw ni Rue. Nagmamadali sila kahit na walang pasok. Bibili kasi kami ng susuotin bukas sa party. At gusto nila makuha namin ang best among the best.

Hinablot ko na ang sling bag ko at lumabas na.

"Tara na. Makasigaw naman tong babaeng to." Saad ko at hinila na si Threa. Natawa na lang si Aria sa amin ni Rogue.

Narating na namin ang mall at pumaso kami sa isang boutique na puro gown. Ang gaganda naman ng gowns dito.

Pumili na sila ng susuotin. Naghanap na din ako ng masusuot.

**

Pagkatapos ang ilang oras, nakabili na kami ng kani-kaniyang gowns at heels. Naisipan naming kumain kaya andito kami ngayon sa isang pizza house.

"Ako mag-aayos sa atin bukas ok?" Pag-vovolunteer ni Rue. Sumang-ayon naman kami.

"Ah, dapag maganda tayo ah?" Paninigurado ni Ria.

"Oo naman! Ako pa!" Pagmamayabang ni Rue. Natawa na lang kami.

"Oo nga pala, Ate Pey. Nakita mo yung gowns namin pero yung sayo di namin nakita. Ano ba binili mo?" Tanong ni Threa.

Oo, hindi nila ako nakita kanina kasi sa ibang shop ako pumasok. Ewan ko ba, parang nagkusa ang katawan ko para pumunta sa shop na yun at bilhin ang gown na yun.

"Makikita niyo din naman bukas." Pagsagot ko na lang. Kumain na kami at di kalaunan ay umuwi na din.

**

Nakahiga na ako sa kama pero di ko pa rin magawang matulog. Ugh. Hindi maalis-alis sa isip ko ang ginawa ni Ziggine kanina. Seriously, we slept together.

Bigla na lang akong nakakita ng vision.

Party. Blood. Dead bodies. Black cloaks.

Matapos ang vision na yun, bigla akong kinabahan. Party? Pwede kayang.. Yung Solidarity Party yun? No.. I don't think so..

I shrugged the thought until I fall asleep.

--

Journey Of The Odds | ONHOLDWhere stories live. Discover now