Prologue

17 2 0
                                    



(A  week ago)



"Adrian, please. Im so sorry, I didn't mean it. Lasing ako nun." Hinawakaan ko siya sa kamay at agad niyang hinawi iyon.


Nagulat ako sa ginawa niyang paghawi sa akin. Parang pinipiga yung mga internal organs ko at sumisikip ang dibdib ko sa bawat galaw niya. Nagawa na niyang mag-reject sa akin ngayon. Hindi ko nalang pinansin iyon at patuloy na nagmamakaawa sa kanya.


"Let's get back together. Can't live a day without you." Mangingiyak kong sabi sa harapan niya.


I still love him the way I loved h­im before. Hindi naibsan yung feelings ko sa kanya. Infact, I never unloved him since the day he left me. Its almost 2 months since we broke up.


"Im sorry. Ayoko na, Megan. Im tired. " Umiwas siya ng tingin sa akin at ako naman ay hinawakan yung mukha niya para ibalik yung tingin niya sa akin.


"Adrian, I love you. Don't you love me anymore?" Tumulo yung luha ko sa tanong na iyon.


I'm expecting for a good answer. Pero iniwas lang niya ang tingin sa akin.


"Megan. Can we just be friends? Friends nalang talaga yung maibibigay ko sa'yo." Bumagsak yung balikat ko at nawalan na ata ng pag asa.


Ilang weeks ko na siyang sinusuyo since naghiwalay kami. I want him back. Kahit friends nalang yung ibibigay niya sa akin, I won't give up. Still, I will do everything to win him back.


"Okay.. Hmm Yeah, its okay for me. We can be friends.." ngumiti ako ng pilit at siya naman ay napangiti narin.


" Meg, I have to go." Tumayo na siya pero pinigilan ko siya.


"Wait, you're still going with us in Baguio, right?" Ngumiti siya sakin at tumango.


" Ofcourse, I'll see you, then." At tumalikod na siya para umalis.


Hindi ko inalis yung tingin ko sa kanya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Doon na bumuhos lahat ng luha ko at napasubsob sa kahoy na mesa. Nasa park kasi kami naguusap. And now, he left me alone.

 Noon, siya yung iniiwan ko dito mag-isa tuwing mag-aaway kami. Noon, ako yung parating nang-rereject sa kanya. Ngayon siya na yung nang-rereject sa akin. Noon, ayaw niyang aabutan ng ilang araw yung away namin kaya kahit ako ang may kasalanan siya yung unang mag-sosorry sa aming dalawa, Ngayon, he's the first one who ended our relationship.


Damn, I miss him. I miss the old him. I miss the old us. I miss us. Napaiyak ako lalo sa mga iniisip ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko. I want to get drunk by now. Gusto kong malasing para makalimutan ko 'to kahit saglit lang. Tumayo ako at umalis sa lugar na iyon na puno ng mga memorya.



Almost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon