Chapter 1

21 2 0
                                    


1: It's him


Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Fck! Binuksan na naman ba ni Manang yung kurtina? Sinabihan ko siyang wag pakikielaman yung kwarto ko kapag natutulog ako. Bwesit! Mabigat parin yung ulo. Ang dami ko atang nainom kagabi. Agad akong nagdial sa telepono at para tawagan si Manang sa kusina at sumagot naman agad ito .

"Manang! Diba sabi ko wag mong buksan yung kurtina kapag tulog ako!" bungad ko sa kanya sa telepono habang nakahawak ako sa ulo at iniinda ang sakit nito. Damn hang-over!


" Goodmorning, Miss Megan. Sorry po, hindi po ako ang nagbukas niyan. Ang iyong ama po."


Kumunot yung noo ko at umirap.


"Where's dad?" 


"Maaga pong umalis."


"Alright, then pakidalhan ako ng coffee at breakfast dito. " agad kong hinang-up yung telepono.


Agang-aga nabubwesit ako. Hinihilot-hilot ko yung noo ko at napasandal sa likod ng kama. Napatulala ako sa bedsheet at naalala ko na naman yung nangyare last last week.

"Im sorry. Ayoko na, Megan. Im tired. " 

"Megan. Can we just be friends? Friends nalang talaga yung maibibigay ko sa'yo." 


Tumulo yung luha ko sa mga naalala kong salita niya. Damn! That was a week ago. Bumibigat na naman yung dibdib ko. Fuck! Please man lang, kahit ngayon lang sana mag manhid ito. Ang sakit. Ang sakit sakit. Masyado paring fresh yung nangyari sa amin. It's like, the break up happened yesterday kahit na ilang months na ang lumipas. Naghiwalay kami dahil sa isang pagkakamali na hindi ko intention gawin.

I was drunk when his friend, Clark sit beside me and talked to me. Nag away kami ni Adrian nun kaya ako naglasing. Pinagaan ni Clark yung loob ko kaya naging comportable kami sa isa't-isa. We both drunk that night and he kissed me! Hindi ako nagpadala nun kaya nasampal ko si Clark. 

Hindi ko rin alam na may kumuha ng pictures sa amin ni Clark. At ipinakita kay Adrian. I really still don't know kung sino yung kumuha ng mga pictures. Kung malaman ko kung sino, mapapatay ko talaga iyon! Bwesit! Hina-hunt parin naman iyon ng mga barkada kong sina Ian, Joyce at pinsan kong si Cheska kung sino yung mga kumuha ng pictures.

Napatingin ako sa phone ko at inabotko iyon. Grabe, pati ang katawan ko ang bigat parin. In-unlock yung screen at agad bumungad yung 13 messages at 5 missed calls. Sino 'tong nag missed call? Binuksan ko iyon at nabasa yung pangalan ng pinsan kong si Cheska. Tayming naman tumawag ulit si Cheska, sinagot ko agad ito.


"Hello? Meg! Where are you!?"bungad niya agad sa akin.


"I just woke up. Nasaan ka ngayon?"


"What!? Its already 1 P.M.! Kanina pa kita tinatawagan, hindi ka sumasagot. Ano, papa-enroll ba tayo ngayon o hindi? Ikaw ang nag yaya sa'min, tapos ikaw pa yung late? What are you still doing? Kanina pa kami dito. And where were you last night? We were all looking for you, pati si Adrian hinanap ka kagabi—"

"Wait what? Hinanap ako ni Adrian?" I smiled sa narinig ko. He still care for me.

"Yeah, Bilisan mo nga! Naghihintay na kami dito sa Starbucks!"

"Alright, sige." I ended the call at chineck yung mga messages ko.


Puros Goodmorning messages from my friends at wala man lang akong natanggap kahit isang text galing kay Adrian. Bumuntong hininga ako at pinilit ko ang sarili kong tumayo at dumiretso agad sa banyo para makaligo kahit ang bigat pa ng ulo't katawan ko. Ilang minutes lang ako sa CR at agad na lumabas. Mabuti naman naibsan ng kaunti yung hang-over ko.


Pagkalabas ko, nakita kong naglalapag ng pagkain si Manang sa mesa. 


"Miss Megan, Ito na po yung pagkain niyo."

"Manang, di na ako kakain. I got to go. Salamat nalang nagmamadali ako." Kinuha ko yung kape at sumimsim ng kaunti doon.

Tumango lang si Manang at agad narin ako lumabas.


Pagkadating ko sa Starbucks, naabutan ko sila Joyce at pinsan kong si Cheska sa labas at naghalakhakan. Nagdadaldalan ito at nagtitinginan sa phone ni Joyce.


Lumapit ako sa kanila. "Tapos naba kayong nag-enroll?"

Tumingin si Cheska sa akin at umirap.

"You're always late talaga, Couz." Inirapan ko rin Cheska.

"Yup, sinama ka na rin namin. Tagal mong dumating eh. Saan kaba galing kagabi, ha!?"

Nagkibit balikat ako at hinawi ko yung buhok ko.

"Its none of your business, Joyce. So where are we?" Umiling si Joyce sakin at ipinakita yung phone nya saakin.

Almost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon