Chapter 4

7 1 0
                                    


4: Rebellious


Habang naglalakad ito papalapit sa table namin, nahagip niya ako. Nag second look pa siya sa akin at medyo kumunot bahagya yung noo niya at agad bumaling kay Tyler. 


"Bro! Kumusta!?" Nagsitayuan ang mga lalaki para makipag-handshake at makipag-apir siya nina Tyler.

They know each other?

Siniko ako ni Cheska at pinandilatan ako ng mata. Nagtataka rin siguro siya. Umirap ako sa kawalan at pinanood sila.

"It's been a couple of years, bro! Ngayon pa nagpakita yung budhi mo!" Nagtatawan ang mga boys sa sinabi ni James.


What? They really knew each other?

Umupo siya sa harapan ko. Sumubo ako ng kanin at habang ngumunguya-nguya ako, I glanced at him at nakatingin siya sakin. I choked my food at napa-inom sa coke. Tinaasan ko siya ng kilay pero tinitigan niya parin ako.

"Jairrus. My youngest sister, Megan." Really? Pakilala ni kuya Mark sakin kay Jairrus.


Well, I know him already. Tumitig siya at parang sinusuri niya ang mukha ko. Kalaunan tumango siya at nagpaalam para kumuha ng pagkain. Siniko ulit ako ni Cheska at tinapakan ko naman siya sa paa kaya napa aray ito.

Muli ako nagpatuloy sa pagkain at nag-kwentuhan na ulit sila. Tumatawa narin sila sa mga corny jokes ni Skye. Maya-maya, dumating na si Jairrus na may dala-dalang pagkain para sa kanya.

Ino-offeran ako ng isang shot ni Tyler at agad ko namang tinanggap. Nahagip pa ni kuya ang pagkuha ko ng baso kaya agad itong umaksyon.


"Don't ever drink that, Meg." Napalingon si Adrian sa sinabi ni kuya Mark. Kaya napatingin ako sa kanya.


Wala lang siyang reaksyon at ibinalik ulit ang atensyon sa phone niya.

I laughed and I glanced at Jairrus side. I caught him staring at me!


"Kuya, I'm a big girl. Stop for being overprotective." Inirapan ko siya at agad na nilagok ko iyong tequila at napapikit sa tapang ng lasa.

"Cool!" cheer ni Skye sakin. Humalakhak ako sa inasta niya.

"Bahala ka nga sa buhay mo." Umiling si kuya at agad ko siyang inirapan. 


Binigyan pa ako ng pangalawang shot ni Skye. Nang tinanggap ko, napatingin ako kay Jairrus na ang talim kung makatitig. Kinunot ko yung noo ko sabay irap sa kanya at nilagok yung shot. What's with that sharp look? 

Sumulyap ulit ako kay Adrian at naabotan ko siyang nakikipag usap na kay Jairrus at Tyler.

Bigla akong tinawag ni daddy. Agad naman akong pumanhik doon habang kausap niya ang Tita ko.


"Hey! How are you my dear?" nagbeso-beso kami ni Tita Mina habang may hinawakan siyang white wine. She's the sister of my mom.

"I'm good, Tita. How 'bout you po? How's the Amerika?" pangumusta ko sa lugar kung saan nag-aaral doon si Ate Melissa ngayon.

"Well, it's perfectly good. And Melissa is doing great there and few months from now, She will be taking the board exam for Law." Pormal niyang sabi habang dinidiin niya ang tingin niya sa akin.

I smiled at her. " Are you sure you're taking HRM?"

"Ofcourse, Tita." Nilingon ko si Dad na umiwas ng tingin.


I heaved a sigh. Now, let's face this.

"I know your Mom, wants you to be an Engineer. Besides, you like to draw. Why not taking them?"


Napatingin ako sa glasswine na hawak-hawak niya. At na realize na ganoon nga yung gustong ipakuha ni Mommy. My mom wants us to be professional and successful. I was the only one who disobeyed her.


"Uhm, I just think I don't like them, Tita. My passion is cooking." Hindi parin siya na kontento at pinaulanan niya pa ako ng mga salita.


Gusto ko nang umalis sa harapan niya but I'm pretty sure that would be rude. Pero masyado na niya akong pinakealaman pa. I decided to still respect her.


She took a sip from her glass and talk, "Look. Your ate Melissa takes Law and even your Kuya Mark is ruling the Mango plantatio—" hindi niya natuloy dahil sumapaw si Dad.

" Jamina, Megan is happy right now with her course. Just don't mind her." Ngumiti ako ng pilit kay Tita Mina at binigyan niya lang ako ng disapproving smile.

Labis ang pasasalamat ko sa Diyos nang tinawag ako ni Cheska para makipicture. Buti nalang nakaalis ako sa harapan ni Tita. I really don't like the way she treated me. Para bang pinamukha niya sakin na hindi ko sinusunod si Mom at naging rebelde ako.

"Meg. Smile." Sabi nung babaeng nakahawak sa DSLR.


Batid ko, she's one of my cousin pero hindi ko pa nakilala dahil pangalawang bakasyon ko pa dito. Hindi ko kasi nakilala lahat ng pinsan ko dahil simula nung naghiwalay si dad at mom, sa Manila na kami tumira ni Dad. Sina kuya at ate, nag-aaral sa Baguio kasama si Mommy.

The Family Separation happened noong magkalabuan sina Daddy at Mommy. Grade five ako nun, Si ate Melissa ay grade seven at si kuya Mark naman ay grade ten. Simula noon, napalayo na ako kay Mommy at napalayo narin ang loob ko sa kanya. She didn't even dare to visit me anytime. Yes, she visited, but only once or twice a year.


Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Eversince, hindi ko nakasama si Mommy. Pero nung nagkasakit siya, agad na umuwi kami sa Baguio to visit her. Five days, at sa loob ng araw na iyon, doon ko lang naramdaman na may ina. Kahit mahina na siya, ginawa niya ang lahat para sa'kin.

Pagkatapos noon, she died. I was down. Really really down. It wasn't enough for me ang five days na nakasama siya. Kulang na kulang. Gayunpaman, I felt loved and relieved.

Tumatawa yung babaeng may hawak ng DSLR na pinicturan kami.


"Hey, Sali kami Nadine. " sabi ni Tyler.

"Wacky naman!" sigaw ng nasa gilid ko. Hinawakan niya yung pisngi ko at in-stretch niya.


Sinapak ko yung kamay ni Tyler dahil nairita ako. Tumawa lang siya at inakbayan ako. Pagkatapos magflash ng camera, nahagip ko si Jairrus at Skye na nakatingin sa banda namin.

Sabay silang nagmartsa papalapit sa may hawak na DSLR para makita ang mga mukha namin. Umupo agad ako at kumuha ng isang shot. Umupo sa tabi ko iyong may hawak ng camera.


"Hi Meg, Nadine here." Naglahad siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman agad ito.

"Hey, I'm Klaris, we're second degree cousins." Ngiti niya sa akin at nakipagbeso.

"Buti naman, nakilala ka na namin. We were looking forward to meet you kasi." Explain ni Klaris.

"Oo nga! Buti nalang you decided to have vacation here." Ani Nadine.

Mahaba-haba na yung usapan namin nina Nadine nang may biglang may bumagsak. May napasigaw pa kaya naman napatayo kami. Sumalampak ang lalaki sa sahig habang hawak-hawak ng isang kamay niya yung labi niyang dumudugo.

Umangat yung tingin ko at nakita kong mabilis ang hininga ni Jairrus habang nakatingin sa lalaking nasa sahig. Nakita sa gilid ng mata ko na tumakbo papalapit si Nadine sa banda nina Kuya Mark.


"Pikon ka pala, Jairrus eh! Kaya ka sigurong hin—" sumugod ulit si Jairrus sa lalaki.

Pumapa-ibabaw si Jairrus sa kanya habang sumusuntok. Hinatak nina Tyler at Kuya Mark yung balikat ni Jairrus para pigilan. May lakas pa atang tumayo yung lalaki at susugod sana kay Jairrus pero pinigilan narin siya ng mga kabarkada niya.

"YOU HAVE NO IDEA, RICO! SO, SHUT IT!" Sigaw ni Jairrus.

Lumabas yung mga tao galing sa Mansion. Nakita ko pa si Dad na naglakad papalapit sa banda nina Kuya Mark.

"Jairrus! What's happening here?" pumagitna yung babaeng naka green dress na nasa mid 40's yung edad. Batid kong, siya yung Mommy ni Jairrus.

"Rico! My Gosh, your face!" hinawakan ng babaeng naka blue dress na parang nasa mid 40's rin ang mukha ng lalaking sinuntok ni Jairrus. Dudumudugo ang gilid ng labi nito at may pasa sa pisngi.

"I'm so sorry about your son's face, Matilda." Paumanhin nung Mom ni Jairrus.

" What's wrong with your son, Bella?" kunot-noo ang Mom nung Rico.

"Your son, started. That's what he gets." Jairrus clenched his fist at hinawakan yung bagang niya.

"Pati ba naman dito, Jairrus? Dadalhin mo yung ugali mo?" umiling yung Mom ni Jairrus.


 Umigting lang ang bagang ni Jairrus at nag-walk out. Hindi na ako magugulat sa ugali niya dahil sa mga kilos palang niya alam mo na agad. He's rebellious.

Almost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon