Chapter 2

15 2 0
                                    


2:   Playboy


Natapos na yung event. I'm hungry and I want to eat pero sina Joyce at Cheska ay ayaw paring umalis. They're waiting for someone. Damn!

"Where are you?" sabi ni Joyce sa kausap niya sa phone.

Pareho sila ni Cheska na nag aabang sa labas ng backstage. Ako naman ay nag kibit-balikat at inip na inip na. Kanina pa kaya ako nagugutom! Iyong mga fans ay nasa kabilang door ng backstage nagwawala. Minabuti nila na dito daw sa sa backdoor na ito sila lalabas para di sila makita ng fans nila. Tss!

"Ano bayan! I'm hungry as fuck, Joyce!" mura ko kahit hindi naman nila ako pinapansin.


"Oh, He's here!" Napatingin ako sa bukana ng backdoor at may lumabas na dalawang lalaki.


Naka plain blue t-shirt iyong Jairrus habang iyong kasama niya ay naka grey shirt. Naka aviators sila pareho.

Diretso lang ang lakad nila papunta sa'min. Tinanggal ni Jairrus iyong aviators niya at nagtama ang mga mata namin. Tagos sa kaluluwa siya kung makatitig at nanliliit ang kanyang mga mata.

Umiwas ako ng tingin at bumaling ako kay Joyce. Naabutan ko sila ni Cheska na nagngingitian. Parehong kinikilig ang mga bruha!

Sumulyap ako kay Jairrus. Bumaling iyong tingin ni Jairrus kay Joyce. "Hey, kanina pa kayo dito?"


"Kanina pa and I'm pissed." agarang sagot ko habang nakadungaw sa phone ko.


Inip na inip kaya ako! Sinaway ako ni Joyce dahil sa sinabi ko. Ngumuso lang ako at umirap.


"I'm sorry about my friend. She's just hungry." Ngumisi ng hilaw si Joyce at kinurot ako sa tagiliran.


"Well, let's go and eat somewhere?" Tumaas pa yung kilay ng Jairrus. 

Tumango lang si Joyce at agad na sumunod.

Ang bagal bagal nilang maglalakad dahil nag-uusap at nag-papakilala pa sila sa isa't-isa. At ako naman ay gutom na gutom na kaya inunahan ko sila sa paglalakad.


"I'm so sorry about her. She's a brat.... That's Megan, by the way." Rinig ko sa malayong likod ko.

I dont give a fuck anyways.

Pumasok ako sa Spanish Restaurant at naunang umupo at nag-order. Mas nauna pa atang na serve iyong order ko kesa sa pagdating nila.

Naabotan nalang nila akong nilalantakan na iyong beef steak. Umupo sa tabi ko sina Joyce at Cheska habang iyong Jairrus naman ay nakaupo sa harapan ko at nasa tabi siya ni Joyce. Sa kanang tabi ko naman ay iyong lalaking kasama ni Jairrus.

Pagkatapos nilang mag-order, nagpatuloy parin sila sa pag uusap. Natapos nalang ako sa pagkain hindi parin sila natapos sa pag-uusap.

Damn life! Im bored.

Nakatunganga lang ako sa phone ko at nag facebook. Mabuti naman may wifi itong restaurant.


"Any places na magandang bakasyonan?" rinig kong tanong ni Jairrus.


"Uhmm.. Boracay, Baguio, Palawan, Batangas, Tagaytay.. Pero mas maganda sa Baguio, right Meg? " masiglang tanong ni Joyce sa akin.

Sumulyap ako kay Joyce at bumaling kay Jairrus. Naabotan ko siyang nakatitig sa akin habang nilalaro iyong lower lip niya.

Umirap ako at bumaling kay Joyce.


"Uhmm, yeah, ofcourse. That's where my province is." maikli kong sagot.

Nahagilap ng gilid ng mga mata ko na nag-uusap din si Cheska at iyong lalaking kaibigan ni Jairrus. Klaro sa mukha ng pinsan ko na kinikilig siya dahil namumula pa siya habang nagsasalita.

Tinanong pa ulit ako ni Joyce pero hindi ko na pinansin. Maya-maya ginala ko ang paningin ko sa paligid at nahagip pa ng mata ko na tiningnan ako ni Jairrus kahit kinakausap siya ni Joyce. Seryoso lang siyang tumitig sakin. Para bang may mali sa mukha ko.


Umiwas ako ng tingin at bahagyang tumingin ng salamin sa phone ko. Wala naman dumi ah? Sumulyap ulit ako sa kanya at naabotan ko parin siyang nakatitig sakin. What's wrong with this guy!? He's really weird. Baka manyakis ito.

Umirap ako sa kawalan at umiling. Nagpaalam ako kay Joyce at sa pinsan kong si Cheska na uuwi na ako. Nakauwi na ako sa bahay nang biglang nag text si Adrian.


From: Adrian
Hindi ako makakasama sa Baguio.


Parang kinurot iyong dibdib ko. Shit, I'm disappointed. Gusto ko kasing makasama siya sa Batangas and doon ko gawin ang plano ko. A plan to win him back.

Me:
Why?


Ilang oras rin akong naghintay pero wala akong natanggap na reply galing sa kanya. Hanggang sa nakatulog na ako. Naalimpungatan ako nang may kumatok . Tumingin ako sa orasan and its late 10am na.

Pinagbuksan ko iyong kumatok at bumungad sa akin si Manang.


" Nandito po si Ma'am Cheska at isa niyo pong kaibigan." Umirap ako at agad na nagpasalamat.


Nagbihis muna ako bago bumaba. Naabutan ko si Joyce na umiiyak habang si Cheska naman ay may mga sinasabi para tumahan si Joyce.


"Okay lang iyan. Tsk, You deserve someone better!" ani ng pinsan ko habang hinihimas himas ang likod ni Joyce.


Nagkibit- balikat ako, " Oh, Ano 'yan? What happened?"

Nakadungaw lang ako kay Joyce. Sapo niya ang kanyang mukha habang umiiyak. Dumating si Manang at inabotan ako ng tissue. Kinuha ko yung tissue at binigay kay Joyce.


"It hurts so much. He said, He doesnt like me daw." at humikbi ulit.


Nagtaka ako kung sinong tinutukoy niya.


Umirap ako, " Sino ba'yan ha?"


Napatingin ako kay Cheska dahil siya na ang sumagot.


" Yung Jairrus? Yung na meet natin the other day?" Umiling siya at inabot yung tubig na binigay ni Manang.


"Seriously? And he really said that?" Gigil kong tanong.

" I dont understand. We were getting along last night pero pagkauwi ko, nagtext siya." Sumingot siya at kumuha ng tissue.


Bumuntong-hininga ako, " Sabi ko naman sa'yo e. Dont trust him. He's a playboy, Joyce. Model iyon at marami siya makikilalang mga babae.Weeks lang naman kayong nagkakakilala. I'm sure makalimutan mo din siya."


Humagulgol si Joyce at kumuha ulit ng tissue.


"Damn it!" Umiling nalang ako sa mura niya.


I feel sad for her. Si Joyce kasi iyong babaeng madaling ma inlove. She doesnt have trust issues. Kahit ilang beses na siyang nasaktan ng paulit-ulit. Ang pinsan ko namang si Cheska, malandi iyan at marami ang lalaki pero matagal mo makuha iyong loob niya at matagal din siyang mainlove.


Tumawag si Ian at agad ko itong sinagot.

" Yes?"


"What happened? Papunta na ako diyan." He's Joyce's bestfriend.


"Dalian mo nalang." Binaba ko agad.


Tumahan na si Joyce nang dumating na si Ian. Iniwan na namin silang dalawa para makapag-usap. Alalang-ala si Ian kay Joyce. Ofcourse matagal nang may gusto iyan kay Joyce. Si Joyce naman, iyon manhid. Ay, ewan ko nalang sa kanila.


Nang gumaan na iyong loob ni Joyce, agad na din silang umuwi. I reminded them about the trip next Monday at bigla naman silang na excite. Wala nga akong gana sa trip eh, hindi nalang ako umimik at bumalik sa kwarto.

Dumaan ang ilang araw, hindi parin nagpaparamdam si Adrian. What is he up to? Is he on a vacation? Wala akong narinig na news tungkol sa kanya. Kahit si Ian, wala ring sinasabi sa akin. Where is he right now? Nasa kanila kaya?

I texted him last night pero hindi nagrereply. I called him kanina pero busy siya. Damn. I miss him so much. I miss us. I really hope na sasama siya sa amin sa Baguio.

Almost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon