Chapter 3

6 3 0
                                    


3:  Dimples


Kinabukasan maaga akong nagising at agad nag ayos ng sarili. Ngayon ang biyahe namin papuntang Baguio.

Pagkababa ko, sinalubong agad ako ni Manang. 


"Miss. Ang bagahe niyo nasa sala na." Mabuti naman at naalala niya na ngayon ang alis ko papuntang Baguio.

"Sige, Manang. Ikaw na po bahala dito sa bahay ha? Tell dad na sumunod lang siya sa Baguio." Tumango lang si Manang at inayos yung hinigaan ko.

Agad akong bumaba at narinig yung busina ng kotse sa labas. They're here! Kinuha ko yung trolly ko at lumabas na ng bahay.

Lumapit si Ian sa akin at kinuha yung trolly ko at inilagay sa likod ng van. Naaninag ko agad si Cheska na nasa loob ng van at nag-ayos sa sarili niya. Papunta ako sa kotse at agad naman lumabas si Adrian sa driverseat para pagbuksan ako ng pinto. Nagulat ako. I thought hindi siya sasama?

"You're coming." umaliwalas iyong mukha ko nang nakita siya.


He just smiled. Tumingin siya sa upuan at pati ako napatingin rin.

Oh yes! I almost forgot uupo nga pala ako. Shit. That was shameful.


"Thanks." Tipid kong sabi kay Adrian at pagkatapos ay sinara na niya yung pinto.


Sa harap ako nakaupo ngayon at si Adrian ang driver. Damn, now, this is awkward.

Umupo ako ng maayos ng biglang hinatak ni Cheska yung strand ng buhok ko. "Aray!" inirapan ko siya sa ginawa nya.

Kung hindi ko lang ito pinsan, kanina ko pa ito sinabunutan.

"Bruha! Ba't hindi ka nagrereply sa text ko ha?" Sabi niya habang umuupo ng maayos. 


Actually anim kaming magbarkada. Ako, Si Tyler, Ian, Adrian, Joyce, at pinsan kong si Cheska. Hindi namin kasabay sa pag-uwi si Tyler ngayon, nauna na siya kahapon pa. Taga Baguio rin kasi iyon.

"I was busy okay?" Sagot ko at agad hinanap sa bag yung foundation ko para makapag ayos. 


Tinitigan ko yung bahay habang umandar kami papaalis. Nahagip ko pa si Adrian na sumulyap sa akin. Umiwas ako ng tingin at ibinalik sa salamin ang foundation ko.

"Busy? For what? Hindi ka pa sumipot sa tambayan natin? Naku!" Umirap ako. 

Kanina pa to daldal ng daldal si Cheska. Hindi ko nalang pinansin at naglagay ako ng lipbalm. Napansin kong wala si Joyce. Kaming apat lang ata?

"Where's Joyce?" Tanong ko habang inilagay sa bag iyong lipbalm.

"She's not coming. Umuwi sila ng Cebu with her fam." Tumango lang ako at nagkibit balikat.

"Guys, Dumaan muna tayo sa Mcdo. Hindi pa ako kumain." Simple kong paalam sa kanila at inayos yung buhok ko.


Napatingin si Adrian sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumingin ulit ako sa dinadaanan namin. Nag drive-thru lang kami at ilang minutong paghihintay, binigay na sakin yung order ko.

Agad kong nilalantakan yung Fries dahil gutom na gutom ako.


"Hungry?" Napalingon ako kay Adrian at sumulyap lang siya sakin at agad ibinalik yung tingin sa daan.

Gusto ko siyang tanungin tungkol sa missed calls niya pero ayokong makatanggap na masasakit na salita.

"Yeah.." sumimsim ako sa coffee. 


Tumingin ako sa rearview mirror at nakita kong tulog na si Cheska habang nakahilig kay Ian, Si Ian naman ay nakatingin sa labas habang nakasaksak yung earphones.

Almost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon