Save me

4 0 0
                                    

Makalipas ang ilang buwan ay naging sobrang close kami ni Kyne, unexpected talaga, sobra. Dahil sa closeness namin, maraming mga usap-usapan na kami na daw at kung ano-ano pa. Na notice ko na parang may something sakin si Kyne, pero binalewala ko lang. Hanggang kaibigan lang naman kasi ang tingin ko sa kanya e. Di nagtagal, na realize ko na na-fall na pala ako dati pa kay Arben pero dini-deny ko lang sa self ko.

Isang araw, wala silang class pero may event sa main hall nila.

"Kayla, okay lang ba kung sumama ako sa iba nating mga ka-klase? Mag do-dota lang kmi." Sabi ni Kyne sakin.

"Ha? Oo naman, haha wala namang problema yun eh. Ba't naman kita pipigilan? Di mo naman ako girlfriend e. Haha"

"Haha, e ano naman ngayon? Sige, text moko kung tapos na ha? Sunduin kita tapos sabay tayong umuwi, okay?"

"Sige po, ingat."

Umalis na si Kyne at umupo na ako kasama si Che, feeling ko na parang may nagbabantay sa amin. Nakita ko si Queen, yung ex ni Kyne. Nakatitig sa akin na parang galit na galit at gusto akong sabunutan. At nag taka naman ako kung bakit ganon yun. Maya-maya ay may narinig ko na parang may nag mention sa aking pangalan na para bang pinag-uusapan ako. Hinanap ko kung sino ang nag-uusap tungkol sakin mula sa aking inuupuan na bench. Lingon ng lingon ako hanggang sa nakita ko si Jean. yung kapatid ni Queen na girlfriend ni Arben.

"Uy, okay kalang?" Sabi ni Che sakin. "Wag mo nang pansinin."

"Ah, Oo. Hehe." Nag-aalalang sagot ko kay Che.

Tinext ko si Kyne kasi di ako mapakali. Feeling ko may mangyayari na di ko gusto. 

"Kyne! Yung girlfriend mo dito oh, parang binabantayan yung lahat ng kilos ko. Tapos isa pa 'tong kapatid niya."

"Ha? Wag mo silang pansinin, mga sira ulo niyan. Correction, ex-girlfriend po :) "

After ilang minutes ay nakita ko si Queen na pa balik-balik sa harap namin ni Che, una parang nag dadabog na naglalakat sa aming harapan. Tapos, bigla nalang ito nag eksena! Sigaw ng sigaw na parang baliw, tapos nag lalakad na kinakaladkad yung jacket ni Kyne sa daan, binabasa, inaapakan. Tapos kung ano-ano pang gamit ni Kyne (binigay ata sa kanya nung sila pa).

"Halika Kayla, umalis na tayo. Mag line na tayo papunta sa loob ng Main hall." Nag-aalalang sinabi ni Che sakin.

Habang nag lalakad kami papunta ng main hall, parang gusto ko na itext si Arben tungkol sa kanyang nobya. Kaso parang may pumipigil sakin. Kaya si Kyne nalang tinext ko.

"Kyne, di ko na kaya to. Yung ex mo dito at yung kapatid niya parang pinapalabas nila sa mga tao na parang may ginawa akong mali. Ano ba ginawa ko? Nag eksena pa si Queen. Baka di ko mapigilan yung sarili ko, papatulan ko nato."

"Wag, wag mo silang pansinin. Okay? Hayaan mo na sila."

So ayun, hinayaan ko nalang silang dalawa. Di ko pinansin yung mga pa eksena-eksena nila sa harap ko kahit sobrang badtrip na ako. Kinakausap ko nalang si Che para mawala yung attensyon ko sa kanila.

Nakapasok na kami ng Main hall, nag hanap ng pwesto at nanood ng palabas. Pero nung nasa loob na kmi, tinext ko si Kyne na di na nag eeksena yung magkapatid. Naging okay na ang lahat, pero akala ko pala lang yun. Akala ko okay na, pero di pa pala. Direct na akong inaway ni Queen, lumapit siya sakin at bigla nalang umiyak na para bang may inagaw ako sa kanya. Tapos sabi niya

"Humanda ka paglabas natin dito sa school! Yung mga tropa ko nag-aantay na sa labas! Di ako aawat! Lalabanan kita! Inagaw mo sakin yung boyfriend ko!" 

"Anong pinagsasabi mong inagaw? Sino? Si Kyne? Mag kaibigan lang kmi! Wag ka ngang gumawa ng eksena dito! Nakakahiya ka!" 

"Ako? Nakakahiya? So di kana nahiya sa ginawa mong pag agaw mo sa boyfriend ko?! Humanda ka talaga pag labas natin dito sa school!"

Umalis si Queen, tapos walang nagawa si Che kundi i comfort lang ako. Di ko kaya. Grabe, di ko kaya may gumanon sakin. Parang tutulo na yung luha ko sa 'king mga mata. Gusto ko nang umuwi. Habang umupo kami ni Che, tinawagan niya si Kyne at inexplain sa kanya yung pangyayari. Ayon, kahit nasa gitna sila ng laro ni Kyne, bigla nalang siyang umalis at dali-dali na pabalik sa school. 

Nauna kaming lumabas ni Che, di na namin pinatapos yung palabas. Nung papalabas na kami ng hall, nakita namin na sumunod si Jean at lumapit ito sa amin. 

"Matapos mong landiin yung boyfriend ko, sa kay Kyne kanaman! Ba't ba sa kanila pang dalawa?! Galit kaba samin ng kapatid ko? Mahiya ka!" Sabi ni Jean sakin.

"Anong sinasabi mong nilandi niya yung boyfriend mo? Hoy! Para sabihin ko sayo, matagal na silang close ni Kayla before pa kayo magkakilala ni Arben!" Sigaw ni Che kay Jean.

Matapos yung ay nag walk out din si Jean. 

"Okay kalang ba? Hay nako. Nabulag sa pag-ibig yung magkapatid. Di nila ma notice na para silang tanga sa ginagawa nila. Na babadtrip na ako sa kanila ha! Pero chill, wag mo silang patulan. Mga tanga yon e." Sabi ni Che sakin.

"Okay lang. Hayaan nalang natin sila. Hehe"

"Pero alam mo, bilib ako sayo. Hahahaha pano mo na-control temper mo?"

"Pray? Hehe, kanina kasi habang nasa line pa tayo nag pray nalang ako na sana wag ko nang patulan yung mga mokong na yon. Hahaha."

"Mabuti narin yun. Haha"

*Phone ko nag riring. Si Kyne pala tumatawag.

"Hello?! Asan ka?! Papasok na ako ng gate, okay kalang ba?!" 

"Ang ingay mo! Na ririnig kita, wag kangang sumigaw! Hahaha. Malapit na kami sa gate, kasama ko si Che uuwi na kami."

Ayon, nasa harap ko na pala siya. Hahaha. Chineck niya kung nasaktan ako physically or something, natatawa nga kami ni Che sa kanya e, kasi sobrang nag papanic siya haha. 

Lumabas na kami ng gate, nakita namin na andaming tao. At sa gitna ng mga tao, nakita namin si Jean at Queen na nakatitig sa amin na galit na galit.Habang nag lalakad kami, pinalibutan kami ng lahat ng tao na nasa labas ng gate at humarap samin sina Queen at Jean. Kinausap ni Kyne si Queen na huwag sila gumawa ng eksena kasi ang daming tao at nakakahiya. After na sinabi yun ni Kyne, nag continue kami sa paglakad namin. Pero kahit sinabihan na sila ni Kyne, sunod ng sunod parin sila sa likod namin. Para bang naging buntot na sila namin. Habang nag-aantay kami ng jeep, nakatayo parin sila sa likod namin. Para bang isang grupo ng gangster na kahit anong oras susugurin kami at papatayin. 

May dumaan na jeep na puno na sa likod, ang available na seat nalang ay yung sa frontseat. Biglang hinawakan ni Kyne yung kamay ko at sabay hila nito at tumakbo kami papunta sa jeep at dali-dali na sumakay. Nakakatawa nga kasi para kaming magnanakaw na tumatakbo palayo sa mga ninakawan namin. Di na nakasunod pa saamin yung mag kapatid at mga kasama nila.

Habang nasa jeep kami, biglang nag sorry si Kyne sa akin. Sinisisi niya yung sarili niya sa lahat ng nangyayari. Syempre, sinabi ko naman na di niya yung kasalanan. At naging okay na kami...






BESTFRIENDS :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon