"Hay, matagal narin ang panahon na hindi na kaming masyado nag-uusap ni Arben." sabi ko sa sarili ko.
"Uy, Kayla. Sabay tayo uwi?"
"Oh? Ikaw pala Kyne. Cge, basta libre mo ko? Haha."
"Hmm, Cge :D"
"Joke lang yun."
"Okay lang. Paminsan-minsan lang din naman to eh."
Magkasama kami ni Kyne umuwi. Masaya kami sa aming conversation kahit hindi pa kami masyadong close. Nakakatawa siya at nakakarelate ako sa buhay nya. HAY! naalala ko tuloy si Arben, kamusta kaya siya ngayon? Okay lang naman siya cguro kase kasama nya naman yung girlfriend nya. Ay, oo nga pala, si Kyne pala ay boyfriend ni Queen na kapatid ni Jean. Nako naman oh.
Naging magkaclose kami ni Kyne. Nalink pa nga kami sa isa't isa kase parati kaming magkasama at lumalabas kami na kami lang dalawa. Hay, hirap talaga pagmay nakapalibot sayo na makakati yung dila, lahat-lahat nalang. Parang si Kyne na yung pumalit kay Arben sa buhay ko, PARANG lang. Miss ko na talaga si Arben eh, pero wala akong magagawa. Marami narin kaming pinagsamahan ni Kyne at kapag magkasama kami, nawawala sa isip ko yung mga worries ko at tsaka si Arben.
Isang gabi nagtext sakin si Arben.
"Kayla, kamusta kana?"
"Okay lang naman ako. ikaw?"
"Okay lang din. Umm, so close na pala kayo ni Kyne? at sabay rin kayong umuuwi?"
"Ou, wala naman akong kasamang umuwi eh. So kami nalang yung magkasama."
"Ah, Okay."
"Eh, kayo ni Jean? kamusta na?"
"Okay lang din. Teka, nagbreak na pala sina Kyne at Queen?"
"Ha? Kailan lang? Wala akong idea."
"Nung last week pa daw"
"Wala naman siya sinasabi sakin."
Napatuloy yung conversation namin ni Arben ng biglang nagtext si Kyne, sabi niya lalabas daw kami ulit, manonood ng sine. Pumayag naman ako dahil wala naman ako ibang pupuntahan. Tinanong ko siya tungkol sa sinabi sakin ni Arben na hiniwalayan niya si Queen pero ayaw niyang pag-usapan namin yun.
*Next Day...
"Kayla, asan kna? Dito nako."
"Sige, wait lang malapit na ako. Ang bagal kase ng jeep ho."
"Okay lang, kaya ko namang mag-antay ah. Basta ikaw. =)"
"Thank you!"
"Mag-ingat ka dyan ha?"
"Opo. Hehe. Ikaw din."
Nakarating narin ako sa Mall at nagkita na kami ni Kyne, pumasok na kami at nanood. Ay saya naming dalawa ng nanood kami. Nakakainis lang kase may mga times na nagugulat ako sa mga pangyayari, yan tuloy tinatawanan niya ko. Hay, pero okay lang. Haha, ang importante masaya kaming dalawa. After namin manood, nagdinner narin kami at treat parin niya. Parang nga nagdadate kami. Pero para sakin wala yung malisiya, magkaibigan naman kami eh.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS :)
RandomTrue na parang hindi, pero true talaga :D This is a story about two strangers, who became bestfriends and fell inlove with each other.