Goodbye

4 0 0
                                    

Malapit na kaming mag tapos ng second year life namin sa highschool, malapit narin yung inaabangan ng lahat, Summer. Matapos yung incident na nangyari samin ay indi na kami masyadong nag-uusap at nagsasama ni Kyne, gusto niya raw na tigilan na ako nila Queen. 

Unintentionally, magkasama kami ni Kyne na lumabas sa gate ng school. Hindi sila magkasama ni Queen, kasi may pupuntahan daw.

"Hi. Kamusta?" Sabi niya sakin.

"Ha? Ah, okay lang. Ikaw? Kayo?"

"Ako okay lang tungkol naman samin di ko alam. Hehe, di naman kaming nagkabalikan eh. Nag decide lang naman ako na sumama sa kanya para tigilan kana niya."

"Ahh, okay. Thank you."

"Matagal-tagal narin no? Mga ilang buwan narin." Malungkot na sinabi ni Kyne sa akin, tumingin ako sa kanya at nakita kong parang iiyak na ito.

"Ang ano? Uy, okay kalang? Ba't parang iiyak ka? Anong nangyari?"

"Yung ganito, yung nasa tabi kita, nag-uusap tayo, yung feeling na kasama kita. Matagal ko narin di na feel to, sobrang miss ko na yung ganitong feeling at siguro mas lalo ko na 'tong ma mimiss sa susunod."

"Ahh, hehe. Pwde mo naman akong kausa....Ay  joke, nevermind. Pwde mo naman akong itext kung may problema ka, ready akong makinig at tumulong kung may maiitulong ako. At wag ka ngang magsalita ng ganyan, ba't naman parang pupunta ka sa malayong lugar? At kahit magbakasyon ka naman sa ibang lugar, magkikita parin naman tayo sa school magpasukan."

"Siguro, hehe. Basta. Kahit anong mangyari 'wag mokong kalimutan ha? Ma mimiss mo din kaya ako pag indi na tayo magkasama?"

"Syempre naman, magkaibigan tayo e. Sino bang taong  hindi mamimiss yung kaibigan niya, wala namang ganun siguro diba?"

Natahimik si Kyne at napasmile nalang sa akin.

Araw na yung lumipas, hanggang sa naging linggo tapos narin yung 2nd year life namin. Summer na! Bakasyon! Pumunta ako sa school ara i-check ang grade ko. Di ko na tinext sina Che kasi para sakin mabalis lang ako dun, di na ako magtatagal. Naka board shorts lang ako, t-shirt, jacket na sinusuot pa yung hood. Para akong kidnapper haha! Pero okay lang naman, feeling ko kasi parang lalaki ako na nababakla lang pag kasama ko siya. 

Pumasok ako nang school at dumiretso na sa aming room. Laking gulat ko wala pa pala yung teacher namin, nako naman! Mag hihintay pa ako kung kailan dadating yung teacher ko.

"Psst! Psst!"

"Sino yan?" Sabi ko.

"Hello!" Nagulat ako nang makita ko na si Arben pala.

"Oh, hi." 

"Oh, bakit ganyan reaction mo? Di kaba masaya dahil andito ako? Parang di ka masaya na makita ako ah."

"Uy, indi naman sa ganon. Di ko lang inexpect na pupunta ka dito."

"Syempre, titignan ko grades ko e. Hahaha"

"Ah, oo nga. Hehe."

"Kamusta kana? Matagal narin tayong wala communication. Miss na kita."

Nang marining ko yung mga salita na yon, biglang lumakas yung tibok ng aking puso. Di ko maintidihan kung bakit. 

"Okay lang, oo nga. Spend time tayo sometime soon." 

Biglang nagring phone ni Arben at parang ayaw niya itong sagutin.

"Sagutin mo na nga yan, ang ingay. Sino ba yan? Haha"

"Si Jean, hehe. Sige, wait lang ha?"

"Hello, napatawag ka?" Sabi ni Arben.

Nag-uusap lang sila tapos ako nakikinig lang sa sinasabi ni Arben at sa kanta ng mga ibon. 

"Sige, tatapusin ko lang to."

"Puntahan mo na." Sinabi ko with a pilit na smile.

"Pano ka naman? Mag isa kalang dito, indi ko namang gusto na iwan ka. Samahan nalang muna kita hanggang sa dumating na si Miss."

"Wag na, okay lang. Hehe, hinahanap ka naman ng girlfriend mo. Baka awayin niya pa ako ulit."

"Anong awayin? Ulit? Inaway kaba niya dati?"

"Ha? Hindi, ano wala. Basta puntahan mo na. Okay lang ako dito."

"Sige, update moko ha?"

"Sige, update kita kapag dumating na si Miss."

"Hindi, update mo rin ako kung aalis ka or may pupuntahan ka. Basta update, okay?"

"Okay po."

Umalis na si Arben, nung nakita kong nakatalikod nasiya sakin. Parang sasabog yung puso ko, parang aagos na yung luha ko sa aking mga mata. Sobrang lungkot ako nung umalis siya. Gusto ko dito lang siya sa tabi ko, gusto ko wag niya na akong iwan pa, gusto ko ako lang kausapin niya.......Gusto ko......siya...

Natapos na ang summer at bukas may class na, chinat ko si Kyne kung anong section niya kasi baka classmates kami ulit. 

"Uy kyne! Kamusta na! Tagal narin tayong di nag-usap ah. Anong section mo?"

"Hi Kayla, di na tayo classmates. Di na tayo magiging classmates."

"Ha? Bakit naman?"

"Nagtransfer na ako ng school, di na ako dyan. Sorry kung di ko nasabi sa'yo, para to sa ikaka-ayos ng lahat. Kung gusto mo ng kausap, i-text mo lang ako. Makikinig ako."

Nagulat ako sa sinabi ni Kyne at di na ako naka sagot pa. Di ko inexpect na iiwan niya yung school niya at mga kaibigan niya dito para lang di na ako awayin ni Queen.

BESTFRIENDS :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon