Distance

40 0 0
                                    

"Meg! Sinagot na ako ni Jean! Whoo!"

"Ah? Congrats. Hehe"

Nakikita ko na parang masayang-masaya si Arben dahil sinagot na siya ni Jean. Nung nalaman ko yun, nagulat ako kasi hindi pa nga natagalan yung panliligaw ni Arben sa kanya pero sinagot niya na to agad. Hindi ko siya kilala at  wala akong alaman tungkol sa kanya kaya hindi ako sigurado kung magiging masaya nga ba talaga si Arben sa kanya.

Matapos ang ilang weeks ay feeling ko ang layo na ni Arben sakin. Hindi na kami masyadong nagsasama, hindi na kaming magkasabay kumain ng lunch at hindi na niya ako naihahatid pauwi. Minsan na isip ko, nakalimutan niya bang may bestfriend pa siyang natitira na naghihintay sa kanya na mapansin? Hay. Ewan ko. Dahil sa mga pangyayari nagkaroon ako ng kaclose na babae sa room, siya ay si Che. Si Che nalang yung kasama ko sa lahat2 hanggang naging close na din ako sa iba pang classmate ko.

Habang tumatagal, parang na dedepressed ako kase feeling ko sobrang layo na talaga ni Arben sakin. Feeling ko wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa yung closeness namin. Feeling ko kinalimutan na niya ako, kinalimutan na niya ang lahat sa aming dalawa.

There was one time na kinakausap ako ni Che tapos parang wala lang sakin. Parati nalang daw akong malungkot, natutulala at parang wala sa sarili.

"Uy, Okay kalang ba?"

"Ha? Umm, ou naman. Ba't mo natanong?"

"Parati ka nalang kasi tulala at parang wala sa sarili? May problema ba?"

"Uhh?..."

"Lam ko na, namimiss mo siya no?" 

"Sino?"

"Edi si Arben? Dati kasi parati kayong magkasama pero ngayon parang hindi na nga kayong magkakilala."

"Ou, miss na miss ko na siya. Miss ko na yung mga moment na parati kaming magkasama. (Sad Face)"

"Hay, mahal mo na ba siya?"

"Ha? Hindi no!"

"Sure ka? Mahal ko siya bilang bestfriend. Yun lang."

"Hmm? Di nga?"

Biglang dumaan sina Arben at Jean, pero hindi kami nila napansin.

"Oops?" sabi ni Che

"Bakit?(napayuko ako at pinunasan yung luha ko sa aking mga mata na parang wala lang)"

"Uy! Umiyak ka?"

"Hindi!"

"Sure ka? Mahal mo siya no?"

"Hindi! Siguro...."

Pumunta kaming dalawa sa CR. Inayos ko ang aking sarili. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagseselos ako, siguro dahil bestfriend ko si Arben at parati kaming magkasama dati.

After nun,  tinary ko na wag na ng masyadong umasa na magiging close pa kami ni Arben. Hindi naman na kakalimutan ko nang Bestfriend ko si Arben, pero pinapractice ko na masanay na wala na si Arben sa aking tabi at masanay na makisama sa iba. Pero kahit ganun, hindi ko parin maiwasan na wag mag-alala kay Arben.

*Uwian na nila!*

"Kayla, punta tayo SM?' sabi ni Che sa kanya

"Anung gagawin natin dun?"

"Edi syempre mamasyal."

"Next time nalang. Parang tinatamad ako eh." 

"Hay, cge na nga. Teka nga pala, kamusta na kayo?"

"Nino?"

"Edi ni Arben!"

"Ugh, Ok naman. Siguro. Nagtext nga siya sakin kagabi, kinakamusta nya ko."

"Ayiie! Sweet naman."

"Loka-loka!"

"Haha. Sige. Ingat! Uwi nako." 

BESTFRIENDS :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon