Comeback.

4 0 0
                                    

1st day of class na ng third year life ko, ang saya ko kasi isa sa mga classmates ko ay si Che! Classmates parin kami! Yehey! Magkasabay na kaming pumasok at hinanap yung classroom namin.

Nakita na namin yung room, nang pumasok kami, tinignan ko kung sino mga kaclase namin. Baka may kakilala kami. 

"Hinahanap mo siya no?" Sabi ni Che.

"Ha? Hindi ah! Ba't ko naman siya hahanapin?"

"Wala akong sinabi na pangalan ha. Uy, hinahanap talaga siya. Hahaha!"

"Tumigil ka nga Che, sira ka talaga."

Pero totoo naman talaga sinabi ni Che, isa lang talaga hinahanap ko sa room, at siya lang. Siya lang at wala nang iba, si Arben. Umupo na kami ni Che sa mga vacant na upuan. Maya-maya ay pumasok na yung teacher namin, ayun the usual thing. Introduce yourself nanaman. Patingin-tingin lang ako sa pintuan. Tinitignan na baka pumasok siya, pero wala. Inisip ko na baka iba yung section niya, gusto ko sana siyang itext pero di ko magawa kasi nahihiya ako. After naming magkita at magkausap nung releasing of grades, di na kami ulit nagkita pa.

After 30 mins....

"Sorry I'm late, Sir!"

Familiar yung boses na yon ah? Sabi ko sa isip ko, di ko tinignan kung sino kasi may sinusulat ako. Feeling ko si Arben na yon, pero di ko parin tinignan. Bigla nalang may umupo sa katabi kong silya, tinignan ko si Che kasi nahihiya akong tignan kung sino. Baka indi ko kilala at awkward. Nang makita ko yung mukha ni Che, parang kinikilig siya at sobrang nag sma-smile. Parang nabaliw na ata. Tinanong ko sa kanya kung sino ba, sabi niya lang ewan at pa smile-smile lang siya. 

Lumingon ako sa katabi ko, laking gulat ko si Arben pala! Naka titig sakin na naka smile.

"Hello." Sabi niya with a smile.

"Hi."

"Magkatabi naman tayooo! Hahaha."

"Di kaya destiny yan?"  Sabi ni Che.

"Sira! Anong destiny, may girlfriend na yan no."

Napatawa nalang si Arben. 

"Okay lang, gagawa ako ng seatplan para di na ako mahirapan. Tatawagin ko yung last nyo, sabay sa number nyo. Tapos umupo na kayo sa corresponding seat nyo, Okay?" Sabi ng teacher namin.

Nako, sana hindi na kami pareho ng number. Last year kasi same kami ng number kaya magkatabi kami parati, pero di ko siya kinakausap or nagtatransfer ako ng seat para lang maiwasan ko yung pakikipag-usap sa kanya. 

"Kayla at arben, number 15."  

"Ha?!" Sigaw ko.

"May problema ba, Miss Kayla?" Sabi ng teacher ko.

"Wala po, Sir."

"Che, ano bato. Naman kase." Sabi ko kay Che.

"Hahahahaha, kinikilig ka no?"

"Uy indi ha!."

"Parang destiny na ata to ah?" Sabi ni Arben sakin.

"Destiny pwet mo, susumbong kita sa Girlfriend mo!"

"May sasabihin ako sayo..." Medyo seryuso siya nung sinabi nya to.

"Ano yun?"

"Nag break na kami, na realize ko na hindi pala talaga siya. Na iba pala yung nasa puso ko."

"Ha? Bakit naman, sino? Sayang."

"Ikaw...."

Natahimik ako, di ko alam kung ano isasagot ko. 

"Okay kalang? Hahaha. Speechless ka?" Sabi niya.

"Hindi magandang biro yon ha? Baka maniwala ako at ma fall sa'yo."

"Hindi naman joke yun e, totoo yon. Okay lang kung ma fall ka, ready to catch naman ako e. Sana mabalik pa natin kung ano tayo dati."

Natahimik ako. Hanggang matapos na ang class. Kinausap ko kaagad si Che, sinabi ko sa kanya lahat-lahat. Ayon, kinilig siya hahaha. Sira talaga, akala mo naman mababalik pa yung nakaraan.

Ilang linggong nakalipas, nagpaparamdam sakin si Arben. Eh, ako naman kinikilig. Hay ewan ko. Bakita ba ganito kasi e.

Many months later, may isang event sa isang university malapit samin, ayun nagyayaan. Gusto kong pumunta kami ni Che, pero ayaw niya kasi may pupuntahan sila ng boyfriend niya. Kawawa naman ako. Nakita ako ng ibang classmate ko, niyaya nila ako pero ayaw ko kasi baka ma OP lang ako sa kanila. Nang bigla nalang dumating si Arben at pinilit niya ako. Inexplain ko sa kanya na baka ma OP ako kasi baka isama yung mga girlfriends nila, wala akong makausap. Sabi niya don't worry daw kasi if ever dalhin nila yung mga girlfriend nila, siya daw yung magiging partner ko. Bigla akong na excite, haha. Parang sira no? 

Pumayag ako, naglakad kami papunta sa University. Nakita ko na hindi sumama yung mga nobya ng mga kasama ko.

"Asan na mga nobya nyo?" Sabi ko sa kanila.

"Anong nobya? Boys night out to. Hahaha" Sabi ng isa.

"E ba't andito ako? Hahaha."

"Bros tayo e. Lalaki kanaman e."

Nag continue nalang kami sa paglalakad, pinuntahan lahat ng pwde naming mapuntahan. Sobrang nag enjoy talaga kami. Kumain at kung ano-ano pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIENDS :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon