Hindi na kita mahal. Halos mahulog na ako sa higaan ko ng marinig ko ang nakakabinging salitang yun. Panaginip lang pala akala ko totoo na? Totoo? Hindi. Mali. Panaginip nga lang dahil hindi naman niya talaga ako mahal. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako sakanya. Hanggang panaginip na lang ang lahat. Imposible! Napakalabong mahalin niya ako dahil may mahal na siyang iba.
Bakit ka ba nagpapaka-tanga sa lalaking yan? Ano bang meron siya? Nakakabinging mga katanungan ang paulit ulit ko na lang naririnig mula sakanila. Pero minsan, di ko maiwasang itanong sa sarili ko kung... Bakit nga ba? Bakit nga ba nagpapakatanga ako sa lalaking di naman ako kayang mahalin. Ano nga ba ang meron sa lalaking yun at bakit ba tangang tanga ako sakanya. Hindi ko alam. Ayaw ko ding malaman. Basta ang alam ko? Mahal ko siya. Mahal ko siya at di yun magbabago. Mahal ko siya kahit di niya ako mahal. Mahal ko siya hanggang kamatayan.
Pakisabi kay Athena mahal ko siya. Hindi ko alam kung bakit parang nagdilim ang paningin ko ng mabasa ko ang chat sakin ni Nate. (Patrick Nathaniel Alcantara is the name. Nate for short, ang lalaking lihim o bunyagan ko na yatang minamahal) Ano ka ba naman Rein! Magpapanggap ka na naman ba? Oo. Siguro nga ito na lang ang choice ko, ang magkunyari na okay lang. Okay lang na maging tulay na naman ako ng mala-Romeo at Juliet na love story nilang dalawa. May magagawa pa ba ako? Makaka-hindi ba naman ako sa lalaking mahal ko? Hindi. Mahal ko nga e at kahit masakit sa puso gagawin ko dahil gusto ko siyang maging masaya.
Sige sasabihin ko. Oh diba? Dakilang tanga na nga, uto-uto pa! Kaibigan talaga kita. Oo, tama, kaibigan nga pala niya ako. Kaibigan lang. Okay na rin yun, diba lahat naman ng love story nagsisimula sa friendships.
Oo na. Heto na naman ako diba? Nangangarap! Nangangarap na meron din kaming sariling love story. Love story na walang kontrabida. Love story na mahal ko siya at ako naman ang mahal niya. Ang taas kong mangarap diba?! Desperada ba ka'mo? Wala e. Ganun talaga pag mahal mo ang isang taong hindi ka kayang mahalin, hanggang pangarap ka lang talaga.
Natatawa akong isipin na yung lalaking mahal ko ay parang si Aiza Siguerra lang? "Pakisabi na lang na mahal ko siya di na baleng may mahal siyang iba" Ganun yun e. Mahal niya yung taong di naman siya mahal tapos ako na nagmamahal sakanya di niya mapansin pansin. Mahirap nga sigurong mahalin ang isang katulad ko. Wala nga siguro akong karapatang maging masaya at hanggang imahinasyon na lang siguro ang love story na pinapangarap ko.
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Subalit hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong umaasa at tahimik na naghihintay sakanya. Nangangarap pa rin ako na bumalik kami sa dating kami. Kahit kaibigan lang. Kahit hanggang dun lang. Kahit hindi na niya ako mahalin tulad ng pagmamahal ko sakanya tatanggapin ko bumalik lang kami sa dati.
Sorry pero hindi na pwede, marami ng nagbago satin. Para akong tinutusok ng libo libong karayom. Ang sakit sakit. Ang daya daya. Ang gulo gulo. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Gusto kong itanong sakanya kung bakit? Saan ba ako nagkulang? Dahil lang ba sa rasong hindi ako ang pinapantasya niyang babae? Dahil lang ba sa rasong wala sakin ang mga katangian na pinapangarap ng isang prinsipe? dahil ba isa lang akong walang kwentang prinsesa o dahil isa lang akong hamak na alipin? Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hindi ko alam kung magagalit ako. Nasasaktan ako. Yun lang ang alam ko, masakit.
Minahal ko siya. Minahal ko siya kahit di niya ako mahal. Ginawa ko lahat kahit kapalit man nun ang sarili kong kaligayahan. Minahal ko siya kahit ni katiting na pagmamahal ay di niya pinaramdam sakin. Ano nga ba ang pagmamahal na dapat iparamdam niya sakin diba? Nakakatawa lang isipin pero hindi naman niya ako mahal at kahit kailan ay hindi niya ako mamahalin.
Kelan ka ba maawa sa sarili mo? Kailan nga ba? Kailan nga ba ako maawa sa sarili ko sa pagiging tanga ko. Kailan nga ba ako mapapagod? Yung totoo? Pagod na ako! Pagod na pagod na akong ipaliwanag ang sarili ko sa mga tao. Pagod na akong paulit ulit ipaintindi sakanila na mahal ko yung taong mahal ko. Mahal ko siya at hindi magbabago yun. Tao lang ako, napapagod pero hindi ako sumusuko. Napapagod ako? Oo. Napapagod akong mahalin siya. Napapagod akong intindihin siya pero kailan man hindi ako susuko. Hindi ko susukuan yung taong mahal ko. Pagod ako kaya magpapahinga lang muna ako sandali. Pero babalik din ako pag malakas na ako. Mag-iipon muna ako ng lakas para sa susunod na lalaban na ulit ako, hindi ako basta basta matutumba. Ipaglalaban ko yung taong mahal ko kahit mahirap at masakit.
Desperada ka na nga. Desperada? Oo. Siguro nga. Mali ba? Nagmahal lang naman ako. Umaasa lang naman ako na balang araw mamahalin niya rin ako. Maghihintay pa rin ako. At sa tamang panahon at pagkakataon kung kailan pwede ko na siyang ipaglaban? Ipaglalaban ko siya hanggang kamatayan.
BINABASA MO ANG
The End Where I Begin
RandomDarating talaga yung araw na mapapagod ka. Mapapagod kang intindihin siya. Mapapagod kang ipaglaban siya. Mapapagod kang iparamdam sakanya na mahalaga siya. Mapapagod kang mahalin siya. Pero minsan kahit pagod na pagod ka na, itatanong mo pa rin sa...