Part IV

10 0 0
                                    

Tulad ng sinabi ko hindi pa natatapos doon ang buhay ko. Sinubukan kong ipagpatuloy ang ikot ng mundo ko. Oo, masakit pa rin pero inisip ko na lang na para sa taong mahal ko, kakayanin ko. Kakayanin kong maging masaya. Nalulungkot pa rin ako lalo na pag sumasagi siya sa isip ko. Umiiyak pa rin ako sa gabi pag naaalala ko ang mga salitang sinabi niya. Hinahanap ko pa rin siya tuwing umaga at kung minsan ay napapatulala na lang ako. Pero hanggang maari pag kaharap ako ng ibang tao, sinusubukan kong hindi na lang magpa-apekto.

Naglakad lakad lang ako sa gilid ng kalsada, bahala na ang mga paa ko kung saan ako nito dadalhin basta ang alam ko, gusto kong mag-isa. Ilang sandali pa, nakarating na ako sa pinagdalhan sa akin ng tadhana. Sa isang parke, naaalala ko pa ang parkeng ito. Dito ako napadpad noong huli naming pag-uusap ni Nate . Bigla kong naalala yung lalaking nakausap ko rin sa mismong lugar na ito ng mga panahong halos pagbagsakan na ako ng langit. Kamusta na kaya ang mayabang na lalaking yun? Buhay pa kaya siya? Nakakatawang isipin na naaalala ko pa ang taong yon. Umupo ako sa mismong duyan na inupuan ko noon, ilang sandali pa ay may narinig akong mga bakas ng paa na papalapit sa likuran ko.

Sa wakas bumalik ka rin. Mga salitang nagpatindig ng balahibo ko, yung boses na yun. Kilalang kilala ko ang mga boses na yun, kahit na minsan ko lang narinig yun, mumarka na ang tinig na yun sa isip ko. Dahan dahan akong tumingin sakanya at tama ako. Siya yung lalaking kumausap sa akin nung umiiyak ako. Pero, sabi niya may taning na daw ang buhay niya. Pinaglololoko ba ako ng lalaking ito? Ilang taon na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay buhay pa rin siya. Hindi naman sa gusto ko na siyang mamatay pero bakit ang tagal naman? Despite the fact na may taning na yung buhay niya.

Ikaw. Tama ikaw nga ang lalaking yun. Buhay ka pa pala? Sagot ko sakanya. Ngumiti lang ako ng bahagya sakanya at nginitian din niya ako pero sa pagkakataong ito, di ako naasar sa ngiti niya. Yung mga ngiting yun, parehong-pareho ang ngiti nila ni Nate. Hindi ko maipaliwanag pero hindi ko mapigilan ang sarili kong tingnan at matulala sa mga ngiti niya. "Okay ka lang?" Natatawang tanong niya sa akin buti na lang at nahimasmasan agad ako. "Oo" sagot ko, medyo nahihiya pa nga ako e. Hindi ko inaakalang ganun ang magiging reaksyon ko. Siguro namiss ko lang talaga ang mga ngiting yun kaya nagulantang ang buo kong pagkatao.

Oo buhay pa ako. Hindi ba halata? Sabi niya. May iba talaga akong nararamdaman sakanya, muli ko siyang pinagmasdan at napagtanto ko na pareho sila ni Nate. Yung paraan ng pag-ngiti, yung mata, yung ilong, halos lahat, kumbaga para silang pinag-biyak na bunga. Hindi ko pinahalata sakanya na tinitingnan ko siya pero mukhang wala kang maitatago sa lalaking ito. "May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya. Ngitian ko lang siya at sinagot ko siya ng wala.

Lumipas ang mga oras na magkasama kami sa lugar na yun. Sa eksaktong lugar ng una naming pagkikita. Nagpakilala na rin siya sa akin. Peter Jake Bustamante ang pangalan niya. Napag-usapan din namin ang tungkol sa buhay niya, namatay na rin daw ang kapatid niya tatlong buwan ang nakakalipas, mapalad na nga lang daw siya at nadagdagan pa ang buhay niya kahit tinaningan na ito ng mga Doktor. Tinanong ko naman sakanya kung bakit may taning na ang buhay niya pero ang nakuha ko lamang sagot mula sakanya ay isang matamis na ngiti.

Tinanong niya rin ako ng mga bagay bagay. Kung bakit daw ako umiiyak sa parke nung una naming pagkikita. Kung bakit daw matipid akong magsalita nung kinakausap niya ako. Sinabi ko sakanya ang dahilan, halos ikwento ko na sakanya ang buo kong buhay. Nandun lang siya at nakikinig habang pinaglalaruan ang hawak niyang panyo. Gusto kong wag umiyak habang ikwinekwento ko sakanya ang mga nangyari noon pero di ko na rin napigilan ang unti unting pagtulo ng mga luha ko. Natapos kong sabihin ang lahat sakanya kahit hindi ko pa siya ganun kakilala. Yun kasi ang problema sakin, madali akong magtiwala sa mga tao.

Akala ko huhusgahan niya ako. Akala ko sasabihin at ipapamukha niya sa akin kung gaano ako katanga pero ngumiti siya sakin at sinabing "Okay ka na ba ngayon? Mahalin mo rin dapat ang sarili mo, Nandito lang ako" Nang mga oras na yun, naramdaman kong may karamay ako. Naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Naging masaya ako sa maikling sandali na nakausap ko si Jake, ang bago kong kaibigan.

Lumipas ang mga araw at buwan, lalo kaming naging malapit ni Jake sa isa't-isa. Lagi akong masaya pag kasama ko siya. Lagi niyang pinapalakas ang loob ko kapag naduduwag ako, hindi niya ako iniwan. Handa siyang makinig ng mga kwento ko tungkol kay Nate at handa rin naman akong makinig tungkol sa buhay niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sakanya basta ang alam ko masaya ako. Masaya akong nakilala ko siya. Masaya akong dumating siya sa buhay ko.

Isang araw, naramdaman ko ang unti-unting pagbabago niya. Hindi na siya nagte-text, Hindi nagcha-chat, Hindi na siya pumupunta sa bahay o kaya sa parke, minsan naman pag nakikita ko siya may kasama siyang iba niyang mga kaibigan kaya di na lang ako lumalapit. Sinubukan kong itanong ko sakanya kung bakit nagbago siya. Sinusubukan ko siyang tawagan pero binababaan lang niya ako ng phone. Di siya nagrereply sa mga text ko. Laging seen sakanya ang mga chat ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung may masama ba akong nagawa kaya niya ako iniiwasan. Ilang buwan din na ganoon kaming dalawa. Hindi kami nag-uusap, hindi kami nagpapansinan. Minsan nga naisip ko, malas siguro ako pagdating sa mga kaibigan kasi lahat na lang ng nagiging kaibigan ko iniiwan at iniiwasan ako. Minsan itinatanong ko sa sarili ko, hindi ba ako naging mabuting kaibigan? Hindi ko alam. Nalilito ako. Naguguluhan.

Habang naglalakad ako pauwi sa bahay may nakita akong isang batang lalaki sa may parke. Nilapitan ko siya at tinanong kung anong ginagawa niya sa lugar na yun. Inabot lang niya sakin ang isang silyadong papel at agad naman siyang tumakbo palayo sa akin. Binuksan ko ang papel at doon nakasilid ang isang kulay asul na papel, binasa ko ang mga pangungusap na nakasulat doon.

"Paalam"
-jake.

Paalam? Bakit siya nagpapaalam? Tumakbo ako papunta sa bahay na tinutuluyan niya pero sarado ang pintuan at mukhang walang tao. Asan ka na ba Jake? Bakit ka ba nagpapaalam? Litong lito ako ng mga oras na yun. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kirot. Kirot ng pag-alis niya ng hindi ko alam ang dahilan. Bumalik ako sa parke, wala akong pakialam kung umagahin ako sa lugar na yun basta maghihintay ako, hihintayin kong bumalik si Jake. Lumipas ang mga oras pero walang Jake na nagpakita. Ang sakit sakit. Iniwan na naman ako ng taong mahalaga sa akin. Wala na naman akong kasama ngayon.  

The End Where I BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon