Part V

12 0 0
                                    

Araw araw ay bumabalik ako sa parke. Hinihintay ko ang pagbabalik ni Jake. Gusto kong malaman kung bakit umalis siya ng hindi ko alam ang dahilan. Gusto kong malaman ang dahilan ng pag-iwas niya sa akin. Gusto kong malaman kung may nagawa ba o may nasabi akong mali. Dahil sa paghihintay ko kay Jake halos mawala na si isip ko si Nate. Naalala ko na lang siya pag napapagod akong mag-isip ng kung ano ano tungkol kay Jake. Hindi ko alam kung bakit nawawalan na ako ng ganang isipin si Nate ang lalaking mahal, minahal at mamahalin ko hanggang kamatayan. Mali. Hindi tama. Mamahalin hanggang kamatayan? Mahal? Hindi ko alam. Maging ako ay hindi ko alam kung mahal ko pa ba si Nate. Hindi ko alam kung pagmamahal pa ba ang nararamdaman ko sakanya o sadyang nasanay lang akong isipin na mahal ko siya. Basta ngayon, gusto kong bumalik na si Jake. Gusto kong malaman kung bakit niya ako iniwan.

Lumipas ang mga buwan, hindi pa rin bumabalik si Jake. Hindi na nga siguro siya babalik. Siguro kailangan ko ng tanggapin na iniwan na niya ako. Siguro may mga tao talagang darating sa buhay natin para pasayahin tayo saglit. May mga taong sadyang nakatadhanang dumating at iwan ulit tayo. Nagsawa na rin ako. Ayoko ng maghintay. Pagod na pagod na akong hintayin ang mga taong hindi ko alam kung babalik pa ba. Mabilis na tumakbo ang panahon, kasabay nito ang pagtanggap ko sa katotohanang di na babalik pa si Jake. Tinanggap ko na rin na kailangan kong maging masaya kahit wala sila. Itinatak ko na sa isip at puso ko na napakadaya ng tadhana pagdating sa pagmamahal at pagkakaibigan. Unti unti ko na ring kinalimutan si Nate. Sumuko na ako. Hindi ko na kaya pang maghintay.

Rein. Isang tinig ang narinig ko. Nate? Hindi pa man ako lumilingon ay alam ko ng siya yun. Matagal ko rin hindi narinig ang boses na yun na tawagin ang pangalan ko kaya medyo nanibago ako. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko siyang umiiyak. Sakit ang naramdaman ko ng makita ko siyang ganun. Hindi ko maintindihan kung bakit siya umiiyak, hindi ba masaya na siya? Akala ko hindi na ako maapektuhan ng mga sandaling yun. Akala ko kaya ko ng hindi siya pansin at hayaan na lang siyang mag-isa. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang mahal ko. Tanga ba ka'mo? Sige na, tanga na pero sa pagkakataong yun narealize ko na hindi pa rin pala nawawala ang pagmamahal ko sakanya. "Anong problema?" Tanong ko sakanya. Nag-aalala ako sakanya, hindi ko kayang makitang nahihirapan siya.
"Wala na kami" Para akong sinaksak ng libo libong patalim. Bakit ako ang nasasaktan? Parang gusto kong pumatay ng tao ng mga pagkakataong iyon. Gusto kong patayin ang babaeng dahilan kung bakit siya nasasaktan. Hindi ko alam ang gagawin ko, patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Niyaya ko siyang pumunta sa parke, naging tambayan ko na kasi ang lugar na yun at nasanay akong nandun ako. Hindi siya nagsasalita at nakatungo lang.

Mahirap ba akong mahalin? Tanong niya. Hindi ka mahirap mahalin Jake, sadyang tanga lang ang babaeng minahal mo kaya ka nasasaktan. Paano ko ba sasabihin? Ayokong isipin niyang nagte-take advantage ako dahil naghiwalay na sila. Ayokong isipin niya na dakilang abangers ako. Tumingin lang ako sakanya at ngumiti.

Hindi ka mahirap mahalin siguro hindi lang kayo para sa isa't-isa parang tayo diba? Hindi tayo para sa isa't-isa. May mga tao talaga na akala natin sila na yung makakasama natin habang buhay pero dumadaan lang pala sila sa buhay natin para turuan tayo ng leksyon.  Hindi ko alam  kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin yan sakanya basta ang alam ko ayokong isipin niya na mahirap siyang mahalin. Gusto kong maramdaman niyang mahalaga siya.

May naituro ba akong leksyon sayo? Tanong niya na sadyang kinagulat ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang gusto nitong lumabas sa loob ng katawan ko. Ano ba ang isasagot ko? Bakit mo ba ako tinatanong ng mga bagay na yan? Bahala na basta ang mahalaga malaman niya.

Leksyon lang ba? Nagpapatawa ka ba? Oo naman. Tinuruan mo'ko na di lahat ng gusto ko pwede kong makuha. Tinuruan mo ako na maging matapang at matatag para sa sarili ko. Tinuruan mo akong magmahal at maghintay. Tinuruan mo akong umasa at masaktan. At higit sa lahat, tinuruan mo akong tanggapin ang mga bagay na di para sakin at maging masaya para sa sarili ko.

Ngumiti siya sakin. Yung ngiti na matagal ko ng hinihintay. Siya na ulit ang Patrick Nathaniel na nakilala ko noon. Siya na ulit ang Nathaniel na minahal ko. Nagbalik na siya. Nagbalik na ang kaibigan ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ng mga oras na yun. Halong sakit dahil nakita kong nasasaktan siya at saya dahil alam kong bumalik na siya.

Matagal pinagkait sa akin ng tadhana ang kaligayahan. Matagal akong umiyak at nangulila. Matagal na panahon akong nasaktan at umasa. Matagal akong naghintay sa pagmamahal ng isang taong may mahal ng iba. Pinaramdam sakin ng tadhana kung gaano kasakit ang magmahal at maiwan ng mga taong akala kong mananatili sa tabi ko. Matagal akong nagalit sa tadhana dahil para bang ang hirap sakanya ang makitang masaya ako. Pero ngayon, nagpapasalamat ako sakanya. Inaamin kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako, nasasaktan ako dahil may mga tao akong nasaktan dahil sa pagmamahal ko. Alam kong hindi rin naging worth it yung paghihintay ko dahil alam kong iba pa rin ang laman ng puso niya. Hindi man ako yung babaeng mahal niya, hindi man kami bumalik sa dating kami ang mahalaga, bumalik na siya sa dating siya. Siya na ulit yung lalaking minahal ko. Siya na ulit yung lalaking gugustuhin kong ipaglaban. Siya na ulit yung lalaking minahal, mahal at mamahalin ko hanggang kamatayan.

Sabi nila ang tanga tanga ko daw. Desperada na daw ako. Di na daw ako naawa sa sarili ko. Oo, siguro nga. Nagmahal lang kasi ako. Lahat ng mali, nagiging tama pag dating sa pagmamahal. All is fair in love and in war. Kung mahal mo ang isang tao, kahit nagmumukha ka ng tanga, mamahalin mo pa rin siya. At kung sa huli, di pa rin talaga kayo ang para sa isa't-isa? Asahan mong alam ng Diyos ang lahat ng sakripisyo mo para sa taong mahal mo, at mamahalin mo hanggang dulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The End Where I BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon