Hindi kita mahal. Para bang gusto ko ng mamatay ng narinig ko ang mga salitang yan. Gusto ko sanang lamunin na lang ako ng lupa sa kinatatayuan ko. Nabibingi ako, nabubulag ako, gusto kong matumba, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Akala ko dati masakit na nung nalaman kong may mahal siyang iba pero ngayon, mas masakit pala yung marinig na sabihin niyang hindi niya ako mahal. Oo, aaminin ko at alam kong simula pa lang ay wala na akong pag-asa sakanya. Alam ko ng hindi ako ang mahal niya pero umasa pa rin ako. Umasa ako na mamahalin niya rin ako pero ngayon? Sa mga pagkakataong ito? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung aasa pa rin ba ako. Hindi ko alam kung makakapaghintay pa rin ba ako sa lalaking mahal na mahal ko.
Sana maintindihan mo, Salamat na lang sa pagmamahal mo. maintindihan? Paano ko maiintindihan ang mga sinasabi niya. Dalawang taon, dalawang taon akong naghintay at umasa. Hindi pa ba sapat yun? Hindi pa ba sapat ang dalawang taon para matutunan niyang mahalin ako. Ganun ba talaga kahirap mahalin ang isang tulad ko? Mahirap bang mahalin ang isang Rein Ashley Clemente?
Na-appreciate kong seryoso ka pero di talaga kita mahal. Oo na. Kailangan bang ipaulit ulit sakin na di niya ako mahal? Hindi ako bingi. Hindi ako bulag. Hindi ako tanga. Hindi ako bingi para hindi marinig ang mga salitang sinabi niya. Hindi ako bulag para di makitang di ako ang babaeng mahal niya. At hindi ako tanga para umasa pa. Tanga? Mali. Siguro nga, tanga nga talaga ako.
Okay lang. Naiintindihan ko. Bahagya akong ngumiti sakanya habang sinasabi ang mga salitang yan. Okay nga lang ba talaga ako? Naiintindihan ko ba talaga? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, kung saan siya masaya dun na rin ako. Nakita kong ngumiti siya sakin, hindi ko alam kung bakit sobrang nasasaktan ako. Tatalikod na sana ako ng nagsalita siya.
Sorry. Sorry. Sorry sa lahat. Alam ko kung gaano mo ako kamahal. Sinubukan ko naman pero sadyang... tumigil siya sa pagsasalita, tumingin ako sa kanya at nakita kong nag-uunahang pumatak ang mga luhang namumuo sa mata niya. Naglakas na ako ng loob para pangunahan siya sa pagsasalita.
Pero sadyang hindi mo ako mahal? Pero sadyang hindi ako madaling mahalin? O sadyang mahal na mahal mo lang talaga siya? Sagot ko sakanya. Para akong tinutusok ng maraming tinik na nakatago sa isang rosas. Nakatago man ang tinik nito, tinutusok nito ang buong pagkatao at pinipira-piraso nito ang bawat organs ng katawan ko.
Mahal ko siya. agad naman niyang sagot. Pinapahid na niya ang mga luha sakanyang mata habang sinusubukang tumingin na naman sakin. Sinusubukan ko rin na pigilin ang pagpatak ng mga luha ko. Ayaw kong makita niyang mahina ako. Ayaw kong makita niya na hindi ko kayang mawala siya. Gusto kong makita niyang matapang ako at kaya kong maging masaya kahit nasasaktan ako.
Masaya ako para sayo. Sana dumating yung araw na mahalin ka rin niya. Sana hindi ka matulad sakin. Sana maging worth it yung paghihintay mo. Sana mahalin ka niya ng pagmamahal na deserve mo. Nginitian ko lang siya at dahan dahang tinalikuran siya. Gusto ko ng tumakbo palayo sakanya pero may nagsasabi sakin na manatili lang ako sa lugar na yun. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko at parang may magnetic forces na humihila sakin para muling humarap sakanya.
Sana mahalin niya ako tulad ng pagmamahal mo. Dahan dahang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan. Masyado na akong nasasaktan. Masyado na siyang nagiging madaya pagdating sa akin. Iyak lang ako ng iyak at sa wakas nagawa ko rin lumakad palayo sakanya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang mabuhay. Hindi ko alam. Dinala ako ng mga paa ko sa isang parke. Walang tao at tahimik lang ang lugar kaya pinili kong maupo sa isang duyan sa may gilid. Ilang sandali pa ay naramdaman kong may pumapatak na tubig sa ulunan ko. Tumingin ako sa langit at unti unting bumagsak ang ambon sa makulimlim na kalangitan. Gabi na pala. Ayaw ko pang umuwi. Ayaw kong umalis. Nasasaktan ako. Muli na namang pumatak ang mga luha ko. Bakit ganun? Dapat masaya ako. Dapat masaya ako na masaya siya. Dapat hindi ako umiiyak. Dapat maging matapang ako. Dapat masanay akong wala na siya sa buhay ko. Dapat. Dapat lang. Paano? Paano ba?
Okay ka lang ba? Isang boses ng lalaki ang narinig ko sa gitna ng katahimikan. Dahan dahan akong tumingin sa isa pang duyan katabi ng duyan na kinauupuan ko. Sino ba ang lalaking ito? Nakakainis lang isipin na hindi pa pala tapos ang kamalasan ko ngayong araw na ito. Tiningnan ko lang siya ng sandali at pinahid ko ang mgs luha sa mata ko.
Hindi mo naman kailangang pahidan ang mga luha mo. Muli niyang sinabi at ngumiti pa siya. Yung nakakaasar na ngiti ba? Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sakanya. Siguro ayaw ko muna ng kausap sa mga pagkakataong malungkot ako.
Sino ka ba? Umiiyak? Hindi ako umiiyak. Sagot ko sakanya. Dahan dahan ulit akong tumingin sakanya at nginitian na naman niya ako ng nakakaasar na ngiti. Gusto ko na sanang umalis na lamang sa lugar na yun pero di ko alam kung saan ako pupunta kaya nanatili na lamang ako.
Ewan ko sainyong mga babae. Ang dadrama niyo. Hindi ko alam kung bakit mga simpleng bagay ay iniiyakan niyo na. Ganun ba kahirap maging masaya? Sagot niya sa akin. Nagpintig ang buo kong kaluluwa noong narinig ko ang mga salitang yun. Naiinis ako. Sino ba sa akala niya ang lalaking ito? Wala naman siyang alam tapos umiiyak lang ako, sasabihan niyang madrama ako? Hindi na ako sumagot pa at mas pinili ko na lang tumayo sa kinauupuan ko ng bigla na naman siyang nagsalita.
Kakamatay lang ng tatay ko. Yung nanay ko, iniwan kaming magkakapatid. 2 kaming magkapatid. Wala na kaming mapupuntahan. Yung isa kong kapatid may sakit sa puso ako naman may taning na ang buhay ko. Gaano ba kalaki ang problema mo at iniiyakan mo? Mas malaki ba sa problema ko? Ang babaw mo naman. Sumbat sa akin ng lalaki. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bakit ba ang yabang yabang niya? Sandaling napaisip ako, bakit nga ba ang babaw ko? Napaka walang kwenta ng problema ko kumpara sa kaniya. Ilang sandali pa ay patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan at lumalakas pa ito. Muli ko na namang naalala ang lalaking mahal ko. Umiyak na naman ako. Gusto kong sumigaw. Gusto kong malaman ng lalaking ito at ng buong mundo na nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil walang nakakaintindi sa nararamdaman ko. Nasasaktan ako dahil nagmahal ako.
Lumipas ang mga oras umalis na rin yung lalaki sa tabi ko. Hindi man lang siya nagpaalam. Hindi man lang din siya nagsabi ng pangalan niya. Ano bang pakialam ko sa lalaking yun? Dumating lang siya para lalong iparamdam sa akin kung gaano kadaya ang tadhana. Ipinaalala lang sa akin ng lalaking yun na walang nakakaintindi sa akin.
Habang bumubuhos ang ulan ay iniisip ko ang mga sinabi ng lalaki yun sa akin. Tama siya, napaka-simple ng problema ko para iyakan. Siguro kailangan kong maging matatag para sa mga taong mahal ko. Siguro kailangan kong lumaban, ayokong matalo ako ng lungkot.
BINABASA MO ANG
The End Where I Begin
RandomDarating talaga yung araw na mapapagod ka. Mapapagod kang intindihin siya. Mapapagod kang ipaglaban siya. Mapapagod kang iparamdam sakanya na mahalaga siya. Mapapagod kang mahalin siya. Pero minsan kahit pagod na pagod ka na, itatanong mo pa rin sa...