Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Subalit hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Kamusta na kaya siya? Masaya na kaya siya? Mahal na kaya siya ng babaeng mahal niya? Hindi ko alam. Nawalan na ako ng ganang alamin pa ang lahat ng ginagawa niya. Hindi sa hindi ako interesado pero sadyang napagod na nga siguro ako. Lagi pa rin naman kaming nagkikita pag nagkakasalubong kami sa daanan pero umiiwas na lang kami ng tingin sa isa't-isa. Siguro masaya na siya. At ako? Masaya na rin ako. Magiging masaya? Mali. Dapat maging masaya ako.
Isang araw ay nagkaroon ng Get Together ang tropa. Hindi ko alam kung bakit hindi ako excited, alam ko kasing nanduon din siya. Nandoon ang lalaking mahal, minahal at mamahalin ko hanggang kamatayan. Ayaw ko sanang pumunta pero pinilit ako ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit kahit na halos araw araw naman ay nagkikita kami, palagi pa rin akong apektado tuwing magkikita na naman kami. Kahit nga labag sa kalooban ko ay sumama pa rin ako.
Malayo pa lang ay nakita ko na si Nate kasama si Leo at David. Masaya silang nag-uusap usap at nagtatawanan. Nakita ko rin si Athena at may kausap na kung sino sino. Nakita kong papalapit sa kinatatayuan ko sina Nate at Athena? Magkasama silang dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nginitian ko lang sila habang naglalakad palapit. Bakit hindi ako makaalis? Bakit hindi ako makagalaw? Ilang sandali pa ay nakalapit na sila sa akin.
Rein, si Nate nga pala, boyfriend ko. Para akong binuhusan ng isang galong asido na sumusunog sa buo kong katawan. Masakit. Yun lang ang alam ko. Kahit may kirot ay pinilit kong ngitian sila at sabihing "congrats" nginitian lang din nila ako dalawa at nagpaalam na aalis daw muna sila. Hindi na ako nakasagot at tuluyan na silang naglaho sa paningin ko. Hindi ko na naman mapigilan, pumapatak na naman ang mga luha ko. Napakahina ko talaga pagdating sa mga ganitong bagay. Hindi na ako nagpaalam sa mga kasama ko at nagkusa na akong umalis. Gusto ko ng magpahinga. Nasasaktan na ako. Sobrang nasasaktan. Hindi ko na kaya. Pinilit kong ikalma ang sarili ko. Pinilit kong pigilan ang mga luha pero kusa itong tumutulo. Hindi ko alam ang gagawin.
Pagod na ako. Pagod na pagod. Hindi ko na alam. Masaya na siya pero ako? Nasasaktan pa rin hanggang ngayon. Kailan ba? Kailan ba kita susukuan? Tama ba ang ginagawa ko? Tama ba na minamahal ko ang taong di ako kayang mahalin? Hindi. Alam kong hindi. Pero mahal ko siya. Mahal na mahal. Pero siguro tama rin sila, hindi talaga kami para sa isa't-isa. Ano pa bang laban ko? Talo na ako. Talunan na naman ako. Kahit na lumaban ako, kahit na sugatan at duguan na ako. Talo pa rin ako. Hindi na ako mananalo.
Tama na nga siguro. Pagod na pagod na ako. Ipapasa-Diyos ko na lang siguro ang lahat. Kung kami ang para sa isa't-isa, Diyos na ang gagawa ng paraan. Siguro, hindi pa ito yung tamang panahon para sa amin. Sinong nakakaalam? Ang Diyos, siya lang. Simula pa lang noong una ang gusto ko lang maging masaya siya at ngayon, masaya na siya. Nagawa ko na lahat ng kaya ko. Siguro oras na para ako naman. Ako naman yung maging masaya. Panahon na siguro para maging matatag at matapang ako hindi para sa ibang tao kundi para naman sa sarili ko. Darating ang araw, makakalimutan ko rin siya. Darating ang araw, magsasawa din ako. At pagdating ng araw na yun, ako na ang mismong susuko. Mahal ko siya, Oo. Hindi na magbabago yun. Makakalimutan siya ng isip ko pero lagi siyang mananatili sa puso ko ngayon, bukas at hanggang kamatayan.
Paalam mahal. Paalam. Salamat sa lahat. Sa sakit. Sa hirap. Sa pait at pighati na naramdaman ko. Patawad kung hindi ako naging madaling mahalin. Patawad kung hindi ako sapat. Magkikita at magkakasama pa tayo pagdating ng panahon. Hindi pa ito ang wakas.

BINABASA MO ANG
The End Where I Begin
DiversosDarating talaga yung araw na mapapagod ka. Mapapagod kang intindihin siya. Mapapagod kang ipaglaban siya. Mapapagod kang iparamdam sakanya na mahalaga siya. Mapapagod kang mahalin siya. Pero minsan kahit pagod na pagod ka na, itatanong mo pa rin sa...