CHAPTER 43: SWEET

452 25 6
                                    

(ANDREA P.O.V)

"Pag hindi ka uminom ng gamot! Sasagutin ko si xive! At hindi ikaw!"pagbabanta ko. Ewan ko ba?! Sa dinami dami ng pwedeng banta yan pa ang naisip ko. Tumayo sa sa pagka kahiga nya at tinignan ako ng..SERYOSO!

"Sasagutin mo sya? Edi sagutin mo! Tutal masaya naman kayong magkayakap kanina, right? Tapos ng ice cream pa kayo! Ang astig nga eh! Ang sweet nio!" Sabi niya bigla. At ngumisi nalang. Hala! Nagbibiro lang naman ako eh! Naniwala agad sya. At? WHAT?! nakita nya kami? Sinasabi ko na nga ba eh!

"U—"pinutol nya yung sasabihin ko.

"Oo na! Alam kong joke mo lang yun! Kasi ako naman talaga sasagutin mo! Akin na yung gamot! Iinumin ko na!"sabi niya. At kinuha sakin yung gamot at baso. At ininom nya na yun. Bipolar talaga!

"Bipolar ka nga!"sabi ko. Nilapag nya naman yung baso. At tumingin sakin.

"Sasagutin mo na ba sya?"tanong nya."Ayy! Oo! Sasagutin mo sya! Kasi nag maka awa sya kanina sayo nung nasa garden kayo!"sabi niya. At umiwas ng tingin. Alam kong selos lang yan! Di ako assuming! Sadyang RAMDAM ko na!

"Ani bang iniisip mo! Hindi sya nagmaka awa!"sabi ko sa kanya. Nakakainis sya. Kung ano ano iniisip niya.

"Eh ano? Trip ka nyang yakapin ng ganun ganun lang?!"naiinis nya ring sabi sakin.

"Hindi! May dahilan sya!"sigaw ko at napatayo. Syempre di niya kaya tumayo.

"Ugh!"sabi niya at pilit tumayo. Nakaharap lang ako sa kanya. "Woah.."sabay naming sabi at napahiga kami sa kama. Na out of balance kasi sya. Pilit nyang tumayo kaso di niya kinaya.

Nakapatong lang ako sa kanya. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Nakikita ko na naman yung mga labi niyang mapupula. Tapos.. yung matangos nyang ilong. Sobrang lapit ng mukha namin.

Sobra. Halos magkadikit na yung ilong namin. Ayy hindi! Magkadikit na pala yung ilong namin.

"Yan kasi pinipilit pang tumayo!"bulong ko sa kanya. Habang ganun parin yung pwesto namin.

Nagulat ako kasi bigla nya akong pinahiga at sya naman ngayon yung nasa ibabaw. Yung mga paa ko nasa sahig lang tapos yung kanya nasa taas ng kama. Nakatingin lang sya ng diretcho sakin.

"Sorry! Nagseselos na naman ako. Di ko mapigilan eh! Akin ka lang ok?"bulong nya sakin. Nakikiliti ako sa mga bulong nya. Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko? Dapat siguro masanay na ako.

"Hmm.. ayaw ko eh.. gusto ko kay xive!"pang asar ko pa sa kanya. Nilayo nya sakin yung mukha nya kaya umupo kaming dalawa. Bigla naman kumunot yung noo nya.

"Ahh ganun? Ok! Sakanya ka na! Kanyang kanya ka na! Aalis na ako! Baka MAGSELOS pa sya eh!"sugaw niya at tatayo sana sya. Kaso pinigilan ko. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko sya pinigilan.

"Ano nanaman?! Sige na! Pipilitin kong umalis!"sigaw nya sakin. Nagtatampo na naman sya! Hinayaan ko syang tumayo. Bahala sya dyan! Pabebe sya eh! Try niya kung kaya nyang maka uwi.

Bumaba ako para sundan sya. At nakita kong palabas na sya ng pinto at papunta na sa garden

O.O totoohanin niya nga! Loko sya. Pinigilan ko sya agad umalis.

"Hoy! Ano bang nasa isip mo?! Kita mong ang lakas lakas ng ulan tapos aalis ka ng ganyan! May sakit ka pa man din!"sigaw ko sa kanya. Nakakainis naman kasi sya.

"Anong nasa isip ko? Ikaw! Oo aalis na ako!"sabi niya. Ano bayan? Paano ba mang suyo?

"Wag!" Pigil ko sa kanya pero di niya ako pinansin. PUTEK! PABEBE NGA TONG SI NIKKO! PAIMPORTANTE EH!

Walang Forever!(bitter Ako Eh!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon