Chapter 1

637 28 0
                                    

Storme's POV

*Phone Rings*

Dahil sa sunod sunod na pag tawag sa phone ko wala na akong ibang nagawa kundi sagutin ito. Kinapa ko ito sa itaas ng side table ko ng nakapikit pa at sinagot ito ng nakapikit parin.

kapag ito di importante mumurahin ko talaga to, Gabing gabi na nangiistorbo pa.

"Hello?!" Bungad ko.

"Storme Iha, pwede bang pumunta ka ngayon dito sa bahay. Sige na please." sabi sa kabilang linya ni tita. Dahil sa narinig kong boses niyang mangiyak iyak mukhang importante talaga.

Hindi na ako nag abala pang mag bihis. Kinuha ko nalang yung panali ng buhok ko at mabilis kung tinali ang buhok ng isang messy bun at agad kong kinuha ang susi nang sasakyan ko at patakbong pumunta sa garahe.

Mga ilang oras din ang nakalipas bago ako nakarating sakanila dahil kahit papaano ay malayo ang bahay nila. Yung nakausap ko pala kanina ay ang nanay ng bestfriend ko.

Tinuturing ko na din siyang parang pangalawang ina. Nag door bell na ako at agad naman akong pinagbuksan ng pintua. nagulat ako ng bigla nalamang akong yakapin ni tita, sunod sunod na hikbi ang narini ko.

Niyakap ko nalang din siya. "Kailangan mo makita si Sommer." Sabi niya sa gitna ng pagiyak niya.

Agad naman ako pumunta kung asan ang bestfriend kong si Sommer at ang bumungad saakin ay isang babae na sobrang putla at nakatulala.

Malayo sa dating masiglang Sommer. Hindi katulad dati maamoy niya lang ang pabango ko yayakapin niya na ako, clingy siya saakin pero ngayon hindi siya gumagalaw.

Dahan dahan akong lumapit sakanya at tinignan siya malaki na nga pinagbago niya. Hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod sa harap niya para maabot siya at mayakap.

Napaluha na din ako sa sitwasyon niya ngayon at napatingin ako kay tita. Inalis ko ang pagkakayap ko sakanya at tinignan siya sa mga mata niya.

"Anong nangyare? Ang laki ng pinayat mo." pag-aalala ko sakanya.

"Asan si Wu Yifan? Kailangan ko siya." sabi niya saakin.

"Huh?" Malaking question mark sa ulo ko. Napatingin ako kay tita.

"Gusto ko siya. ibalik niyo siya saakin. Ibalik mo siya, gusto ko siya makita si Wu Yifan si Yifan yung lalaking mahal na mahal ko." sabay iyak niya.

"Sshh, tama na sige dadalhin ko siya sayo basta kumain ka ah? Ibabalik ko siya promise." Pagkasabi ko nun ay tanging iling lang ang sagot nya sakin. Sign na ayaw nyang kumain.

"Kakain lang ako pag nasa harap ko na mismo si Wu Yifan." walang emosyon nyang sabi kaya napayoko nalamang ako.

"Stomer, tara sa baba." Pagaaya sakin ni tita. Muli kong hinawakan si mukha ang bestfriend ko bago tuluyang lumabas ng kwarto nya

Pag baba namin ng sala ay agad kong tinanong si tita.

"Ano po bang nangyare kay sommer? halos 4 weeks na po kasi nung huli ko syang nakausap at sa cellphone lamang iyon." Napailing si tita bago nya ko sinagot.

"Iniwan lang naman siya ng Ex boyfriend niya kaya nag karoon siya ng mental breakdown." Napanganga naman ako sa sinabing iyon ni Tita. Totoo pala na kapag natamaan ka ng pag ibig? Nakakabaliw?

"Matagal na po ba yan?" Tanong ko.

"3 weeks na. Lagi siyang nasa kwarto at hindi kumakain. Hindi din kami kinakausap tapos nakatulala lang. Kaya nga nagulat ako kanina na nag salita siya sa harapan mo. At ikaw din ang naisip kong paraan para makausap ang anak ko maraming salamat." sabi ni tita.

"Tumawag kami ng Doctor at ang sabi ng Doctor ay di daw nila makausap si Sommer kaya nahirapan silang malaman kung anong problema nito. Ang tanging sabi lamang daw ni Sommer ay WU YIFAN kaya sa tingin ng Doctor tanging si Wu Yifan lang ang makakapagaling kay Sommer." dagdag pa nya

"Katulad nga po ng pinangako ko sakanya dadalhin ko sakanya yung Wu Yi fan na yun, Ano po bang itsura nun at nasaan ba yun?"

"Ang alam ko bumalik na ang lalaking yun sa korea, about sa itsura niya hindi ko alam? Walang pinakilalang boyfriend saakin si Sommer at wala man lang silang picture." Paliwanag ni tita

Dahil sa sinabi ni tita napalunok nalang ako ng laway ko at napapamewang nalang, napasubo ako sa pinasok ko ah!

Paano ko hahanapin yung Wu Yi Fan na yun kung wala akong litrato! Ang lawak ng korea, saang lupalop ba yung lungga nun at babangasan ko muna bago ko siya iharap sa bestfriend ko, gago siya!

Searching Wu YifanWhere stories live. Discover now