Chapter 4

312 24 1
                                    

Kris POV

Pagbaba ko ng taxi ay dali dali akong pumasok ng bahay. Kaagad kong hinubad yung shades at beanie ko at umupo sa sofa.

Buti nalang talaga hindi nakakaintindi ng korean yung bansot na yun dahil kung nakakaintindi lang yun matagal na akong kalbo at bugbog sarado.

Oo nag sinungaling ako sakanya. Malamang ako ang hinahanap niya eh ayoko pa mamatay, Im too fab to be a dead meat.

Napahinga nalang ako ng malalim. Hearing a news about Sommer makes my heart hurt. I didn't mean to hurt her like that.

At hindi ko alam paano ako magpapakilala dun sa bestfriend niya anong ibubungad ko? Ako nga pala yung Ex ng bestfriend mo yung hinahanap mo yung dahilan bakit naging ganun bestfriend mo? Oh ha, tapos ano? Bubugbugin at munurahin nya ko.

Sigurado nasa headline agad ako ng dyaryo nun at nasa obituary pa ako double kill bish.

Napasandal ako sa sofa habang hawak ulo ko. "Aish! Asar!"

Bukas hindi ko siya masasamahan may kailangan akong asikasuhin at saka habang malapit siya saakin mas lalong malalaman niya yung totoo at mas lalo kong dinadala sarili ko sa panganib?

Kris! Think! Nagulat naman ako ng mukha nya ang nakita ko..

"I find her cute.." out of nowhere kong sabi sabay ngiti

End of Kris POV

Storme's POV

Kinamusta ko si Sommer at wala pa din daw pinagbago mas lumala pa nga daw dahil ngayon hindi na talaga siya natutulog at hindi niya man lang daw pinapakialaman pagkain niya.

Saglit nalang to Sommer lalo na't may tumutulong saking maghanap. Dadalhin ko talaga sya sayo agad pagnakita ko sya. kahit anong mangyari Sommer.

Few days past..

Isang linggo na din ang nakakalipas at walang nag papakitang baba sakin. Wala siya sa bahay niya pagpumupunta ako dun, pinagtataguan niya ba ako?

Pwede naman niyang sabihin na. Im out! Then cut communication para hindi na ako umaasa at isang linggo na akong nandito wala paring progress at hint, Nakakapunta na ako ng mga ibang lugar pero nganga dagdag mo pa ang di ko pagkakaintindi or pagsasalita ng korean.

Asar naman yang Wu Yifan na yan ang galing mag tago ang lahing jaquar siguro yun? Ang bilis eh. Hindi na makita.

Sinabi ko din kay tita na pilitin niyang mag salita si Sommer at baka may makuha pa akong clue daig ko pang nasa amazing race o kaya Extra Challenge nag hahanap ako ng isang tao na tangin pangalan lang ako alam ko. Tanga tanga ko talaga.

Kating kati pa naman na akong bangasan mukha nun. Dahil sa Kris na yan umasa akong mapapadali ang lahat pero mas lalo akong nahihirapan mag hanap eh. Una nagpunta ako dito para hanapin si Wu Yifan tapos nakakilala ako ng isang lalaki na pwedeng makatulong sakin pero ngayon sya naman tong hinahanap ko. leshe talaga yung mga lalaki eh nangiiwan sa ere.

Pag ako yumaman bibili ako ng eroplano tapos susunduin ko lahat ng taong baiwan sa ere tulad ko.Pinapaasa ako ang putik. Hinayupak eh. Madapa sana sya at mauna baba nya.

Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng bahay nila umaasang lalabas sya upang kahit papano ay mapadali ang paghahanap ko.

"BABA!!! ILABAS MO YANG BABA MO UY!!!" pero wala parin

Kinalabog ko ang gate nya. "LUMABAS KA JAN!! HARAPIN MO TONG KUTSILYONG HAWAK KO NA KASING TULIS NG BABA MO!!" dahil sa ginawa kong 'yon ay nagtinginan na sakin ang mga tao sa paligid kaya nag bow ako bilang paghingi ng paumanhin.

Napaupo nalang ako. Di naman libre ang pagtulong nya sakin eh. Ililibre ko naman sya ng meals eh, kailangan ko lang talaga ng isang tao na marunong magtagalog at marunong ding magkorean. Shemszxcv!

Since walang lumabas ay nakapagdisesyon nalang ako ng mag iwan ng note.

Woy kinginamers ng baba mo! Ano?! Pagkatapos ng nangyari bigla ka nalang mawawala? Kinginamers ulit. Pinagbabantaan ko buhay mo, pagdi ka pa magpakita bukas uubusin ko lahi nyo at itong bahay mo abo nalang matitira.

Magandang maganda,
Storm

Parang mababaliw din ako kapag naiisip ko yung bestfriend ko. Punyeta naman yang Wu Yifan na yan! Destroyer siya!

BAKA AKO NA ANG SUSUNOD NA MABABALIW EH.

Searching Wu YifanWhere stories live. Discover now