Chapter 9

261 23 0
                                    

Kris POV

Napalingon ako sa pwestong sinenyasan nya at naglabasan naman ang EXO mula dun. Haha, kaya mahal ko tong mga to kahit baliw sila.

Pinalibutan nila si Ejay na may seryosong mukha.

"Salamat." sabi ko at binuhat ko na si Storme.

"Hoy wag kang umalis akin na yan si Storme!"

Bahala ka sa buhay mo basta ako nakuha ko na tong baliw na babaeng to, Binuhat ko siya ng bridal style.

Habang nag lalakad kami dito sa may dalampasigan. Dinilat nya ang mata nya at nakatulala lang. Itong babaeng to kakaiba din eh, Matapang akala mo kaya na sarili niya pero hindi pala kailangan niya pa din ng protector.

"Paano kung nakita mo na hinahanap mo?" Tanung ko sakanya. Hindi siya sumagot tinignan niya lang ako hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi.

Hindi ko alam kung anong naisip ko at pinatulan ko din ang halik niya hanggang sa maging torrid ito.

Pero bigla pumasok sa ulo ko yung epekto nga pala ito ng drug kaya agad ako lumusong sa dagat at magkasama kaming lumubog ng matagal pagkaahon ko di sumama sa pag ahon ko si Storme.

Shet naman! Nawalan pa ng malay. Kaya agad ko siyang dinala sa dalampasigan at CniPR baka nakainom ng tubig eh.

Naubo sya ng ilang beses. Tama nga ako. Gusto kong matawa sa mga nangyayare pero hindi ko magawa kasi grabe naman talaga ang nangyare.

Hinawi ko yung buhok na tumakip sa mukha niya. Pero ngayon kailangan mo muna magpahinga. Napatingin ako ulit sa labi niya ngunit umiling nalamang ako.

End of Kris POV

Storme's POV

Pag gising ko nasa kwarto na ako? Anong nangyare at saka? Wait lang may naalala ako ako kagabi!

Napahawak ako sa labi ko. Hinalik ko ba talaga siya? For real?! Taena kasing Ejay na yan eh! Nakamaganak ni binay! Ano kayang ginawa saakin nun? Sakit pa din ng ulo ko ah, Parang puro hangin ulo ko.

Pagtingin ko ng side table na may breakfast at note na good morning nakalagay.

Sakto gutom na ako wag tanggihan yung grasya, may news paper din doon kaya kinuha ko iyon dahil hindi na ako updated sa balita.

Pagbuklat ko ng dyaryo walang pinagbago, ganon pa din naman problema sa bansa natin nilipat ko pa ang pahina nung makita ko mukha ni Kris sa Dyaryo at nanglaki mata ko.

"Wanted siya?! Chos lang di pa kasi ako nag babasa. Wait nga lang? Wu Empire? Kris Wu or Wu Yifan is a heir of their family bussiness is now on the philippines?" Dahil dun napatingin ulit ako sa dyaryo na may mukha ni kris si kris na kasama ko.

Kris Wu? Or Wu Yifan? Teka nga lang, Ibig sabihin?!

T-A-N-G-I-N-A!

Searching Wu YifanWhere stories live. Discover now