Chapter 2

372 27 5
                                    

Storme's POV

Mabilis kong inasikaso ang ticket ko pati na din ang pag sstayan kong hotel dun sa korea. Sana marunong sila makaintindi ng english dahil di ako marunong mag korean hindi ako prepared ah!

Few days later...

Atlast! Andito na ako sa korea iba na ang hangin sa kaysa sa pinas. Ngayon aasa ako kay google map kung asan yun hotel ko.

Mabilis ko din naman nahanap yung hotel ko dahil meron akong isang napagtanungan na korean na marunong mag english at nakakaintindi ng english. Thank you lord ginagabayan mo ko.

Pagpasok ko ng hotel room ko at pagkababang mga luggages ko ay agad ako umalis at kumain sa pinakamalapit na resto. Nakapag exchange na din ako ng pera kanina. Sa pag hahanap na to kailangan kong maging busog. BUSOG ANG TYAN AT ISIP!

Pagkatapos ko kumain inumpisahan ko na ang paghahanap sa gago na yun. Kung kani-kanino ako nagtanong using a english words kaso konti lang ang sumagot sakin dahil karamihan sakanila ay tinititigan at tinatakbuhan lang ako. Mukha ba kong halimaw? Huehuehue.

"DEFUNGAL?! MAY NAKAKAKILALA BA SAINYO KAYA WU YIFAN?! JUSKO NAMERN!!! NAGMAMAKAAWA AKO KAILANGAN KO SI WU YIFAN!!" Pagmamaktol ko sa gitna ng maraming tao kaso ay tinignan lang nila ako ng may halong pagtataka at pinagpatuloy ang paglalakad nila. Ilang oras ang nakalipas mula nung nagumpisa akong nagtanong at puro "NONE" lang ang sagot nila.

Hanggang sa nakaramdam ako ng pagod kaya umupo ako sa tapat ng isang bahay wala namang masama makiupo diba.

"Hey. I'm Kris. kanina pa kita nakikita dito na paikot ikot.. may hinahanap ka ba?" Napalingon ako sa lalaking nag salita sa likod ko. napatayo din ako bigla kasi baka tadyakan ako mahirap na.

Di ko alam pero di mapaliwanag na pakiramdam ang meron ako ngayon.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa tapos balik sa ulo, labi, mata--- habang nagdday dream ako ay biglang lumitaw ang mukha ng bestfriend ko kaya napailing ako.. nandito ako sa korea para hanapin ang ex-boyfriend nya hindi para humanap ng magiging boyfriend ko. Hihi, next time nalang.

"Ehem.. Miss? Akala ko Pilipino ka di mo ba ko naiintindihan?"

"Ahhh.. ehhh.. Oo may hinahanap akong tao."

"Pwede ko bang malaman kong sino? Nakakairita kasi kanina ko pa nakikita yang mukha mo dito sa tapat ng bahay ko."

Napasinghot ako sa sinabi nya. Tangina pala nitong lalaking to, gwapo nga sama naman ng ugali.

"OO MAY HINAHANAP AKONG LALAKI!! WALANG KWENTANG LALAKI NA SINAKTAN ANG BESTFRIEND KO! NANDITO AKO PARA PATAYIN SYA!"

Halata sa mukha nya ang pagkagulat. Maski ako ay nagulat sa pagsigaw kong yun. Ugh! Wrong move. Kaya para hindi ako mapahiya ng sobra ay tinaasan ko sya ng kilay at muling nagsalita.

"I'm searching for Wu Yifan.. do you know him Mr. Kris?"

Nanlaki ang singkit nyang mata at namutla.

"W--hat?" Pagtatanong nya ulit. Bingi ba to?

"Im searching... Wu Yifan do you know him Mr. Kris?" Parang na istatwa naman tong lalaking to makaalis na nga lang. "Ah sige okay lang aalis na ako para mag hanap ulit. Pasensya na sa istorbo." maglalakad na ako ng muli siyang mag salita.

"Kung gusto mo tutulungan kitang hanapin yung Wu Yifan na yun." dahil sa sinabi niya nabuhayan ako ng dugo. Maganda yun may kasama akong nitizen.

"Sure gustong gusto ko." sabi ko.

"Pero lilibre mo ko ng pagkain hindi libre ang serbisyo ko." aba mautak to akala ko naman good samaritan.

"You know food is more importante. Imbes na pera hingiin ko food naman mas partical." ay ewan ko sayo

"Defungal, sa baba mo ata napupunta lahat ng kinakain mo eh." Pabulong kong sabi

Searching Wu YifanWhere stories live. Discover now