"Morning Trix!"nakangiting bati sa akin ng best friend ko na si Anne pag pasok ko pa lang sa classroom namin.
Since elementary hanggang ngayon nasa fourth year high school na kami kaya nga kami naging Best of Friends.Daig pa nga namin ang magkapatid kung mag turingan.
"Morning din,Mommy Anne"nakangiti ko namang sabi.
"MOMMY" ang tawag ko sa kanya kasi kahit mag kasing age lang kami eh, mature na mature na siya.Habang ako eh,may pagka "immature" pa rin.Magkaibang magkaiba ang ugali namin pero kahit ganun lagi naman kaming nagkakasundo.Never pa yata kame nag-away o nagkatampuhan man lang.
As sual dahil sa wala pa naman ang teacher namin sa first subject at maaga pa naman ay nagkwentuhan na lang kami.Kung anu-ano ang pinag kwentuhan namin para ngang ang tagal na naming di nag kita kung makapagusap kami .Haha.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkukuwentuhan ng may bigla na lang nagsalita sa kung saan."Oh!andyan na pala si pangit oh!"nakangising sabi ni Kai,My enemy since first year.....Hindi ko na lang siya pinansin..
Baka masira lang ang araw ko....Isang malaking asar pa naman sa buhay ko ang lalaking ito.
"Best,ba't biglang lumakas ang hangin?Nilalamig tuloy ako"sabi ko naman habang nakatingin pa rin sa best friend ko....
Inilagay ko pa yung kanay ko sa braso ko."Nagpaparinig si pangit ah...."nakangisi pa ring sabi ni Kai pero wala talaga akong balak pansinin ang loko.Bahala siya.Hmfp.!!
"Ang lamig talaga best....grrr..."sabi ko pa rin.
Kitang kita ko naman ang palipat lipat na tingin ng best friend ko sa aming dalawa ni Kai."Sus,gusto mo lang yata akong yakapin eh!..."sabat naman ni Kai na nakangisi pa rin.
Nainis na ako kaya nilingon ko na siya.
"Ako ba ang kausap mo?"pagtataray ko.
"Eh,sino lang ba ang pangit dito?"balik na tanong naman sa akin ng antipatiko.
Asar!Tawagin ba naman akong pangit.
"Bahala ka nga sa buhay mo Kai,wala akong oras para makipag asaran sayo dun ka na nga sa kaibigan mo"pagtataboy ko.
"Ayoko nga,gusto kitang asarin eh,wala ka namang magagawa"sabi pa rin ni Kai.
Inirapan ko na lang siya."Best!ano na nga yung pinaguusapan natin kanina?"tanong ko na lang sa best friend ko at di ba pinansin ang asungot na nasa harapan ko.
Sira na naman yung araw ko for sure kapag pinansin ko pa!"Ah,tungkol yun sa------"
"Aminin mo Trix,gusto mo kong yakapin ano?"sabat uli ni Kai.
Inis na nilingon ko naman siya.
"Ba't ka ba sabat ng sabat?Di naman ikaw ang kinakausap ko ah!Alis na nga!"sabi ko at itinulak siya papalayo.
"Sus,kung di ko lang alam,matagal mo na akong pinagpapantasyahan....sa gwapo ko ba namang ito....di ba girls?"pagmamayabang nito.
Kinilig naman yung mga classmates ko na babae.Uminit na naman ang ulo ko.Ang yabang talaga!Tiningnan ko yung best friend ko at nakitang panay lang ang ngiti na oara bang kinikilig din habang yung iba naman naming kaklase na nakikinig din eh,kinikilig na rin sa "away" namin.
Early in the Morning ay Center of Attraction na naman kami.Asar!"Kung yan ang definition mo ng gwapo...buti pa sa pangit na lang ako papatol"sabi ko naman.
"Para namang sa itsura mong yan may papatol pa sayo"nang aasar na sabi naman ni Kai at pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Narinig ko naman ang tawanan ng iba naming kaklase dahil sa sinabi ng mokong.Namula naman ako.Ang yabang talaga!Napatayo na ako sa sobrang inis.
"Ikaw!Punung puno na talaga ako sayo!"galit na sabi ko kay Kai.
Tila nagulat naman ito sa ginawa ko.Pati rin ang iba naming kaklase na kanina lang ay kinikilig at nakangiti ay nagulat din sa ginawa k
.
Susugurin ko na sana siya ng maramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko....."Best wag....."awat ni Anne.
Tiningnan ko muna siya at nakuha ang gusto nyang ipahiwatig sa akin.
Hindi ko nga pala pwedeng saktan ang asungot na ito dahil sa may leukemia ito.Asar!.Pabagsak na umupo na lang uli ako sa upuan ko habang si Kai naman eh,nakatayo pa rin sa harap ko.Parang estatwa na ewan.Nakatingin lang sa akin.Yung iba naman naming kaklase ay tila gulat pa rin.Pero bahala sila.Asar na talaga ako.Maya-maya ay umalis na rin si Kai at pumunta sa upuan niya...dahil dumaying na ang teacher namin....Buti naman...