Nasa may pintuan na ako ng salubungin ako ng bedfriend ko.Napansin ko lang na nagkakatipon-tipon yung mga classmates ko na parang may something na nagaganap.
"Anong meron dito at nagkakagulo kayo?"nagtatakang tanong ko naman.
"Best si Kai,bumalik na!"masayang ssbi ni Anne.
Ako naman di makapaniwala sa narinig."Ha!Anong sabi mo?"paniniguro ko.
"Sabi ko si Kai,nandito na!"pag uulit ni Anne sabay turo sa kinaroroonan ni Kai.
Lumingon ako at ayun nga nakita ko si Kai....naramdaman ko na lang na bumilis yung tibok ng puso ko.....
I look around and saw Kai staring at me too...
Nakita ko yung psgkagulat niya habang ako naman naestatwa na ewan.Di ko alam kung ano yung nararamdaman ko ng mga oras na yun,basta ang alam ko lang masaya ako na makita siyang muli.Medyo pumayat siya at parang namumutla pero okay na yun basta okay na siya.Ilang saglit din kaming nagkatitigan pero siya na rin yung unang bumawi at ipinagpatuloy na ang pakikipag-usap sa iba naming classmates.Napayuko naman ako.Niyaya ako ni Anne na lapitan siya pero tumanggi ako.Hindi ko naman kasi alam kung ano yung gagawin o sasabihin ko sa kanya pag nilapitan ko siya kaya mabuti pa wag na lang.Maya-maya dumating na rin yung adviser namin.Sabi ni Kai okay lang daw siya at ang loko nagawa pang mag biro.Ang lakas talaga ng topak.Habang ako naman tahimik lang sa upuan ko habang pinagmamasdan siya.
Minsan nga nahuhuli ko rin siyang nakatingin sa akin at kapag nangyayari naman yun ay biglang bumibilis yung heart beat ko na di ko naman maintindihan.Hindi naman ako ganun dati sa kanya eh.Deadma na nga lang.....hmmmm......
Ilang araw din yung lumipas na hindi kami nagpapansinan at never pa kami nagusap.Nagkaka ilangan pa kasi kami eh.After ba naman ng mga nangyari sa amin before siya ma-hospital talagang magkakaganun.
Until one day sa Physics namin nagkaroon kami ng activity by pair at sa kinamalas-malasan....."Mr.Montero and Ms.Montez kayo ang partner...."sabi ni Mrs.Sebastian,ang Physics Teacher namin.
Dahil dun ay nagsimula na namang mag tuksuhan yung mga classmates namin.Kung dati eh umaangal agad ako pag ganun pero ngayon hindi ko na magawa.Yumuko lang ako,napansin ko rin na tahimik lang si Kai.
Lumapit siya sa akin para gawin yung Activity namin na yun.Medyo nagkaka ilangan kami.Hindi ko nga siya matingnan eh,feeling ko namumula na yung mukha ko dahil dun pero no choice.Maya-maya lumapit yung teacher namin para ibigay yung Activity Sheet and OMG! Sabay pa kaming kumuha nun.Nagkahawak tuloy yung kamay namin pero agad naman naming binawi yun.Napayuko na naman tuloy ako,buti na lang walang naka pansin kasi busy na rin sa kanya-kanyang task yung mga classmate namin.
Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong nag-blush siya.Gosh! Now ko lang narealize ang cute pala niya pag nagba blush!Mukha siyang bata na ang sarap kurutin ng cheecks.Teka teka,kung anu-ano ng iniisip ko.Hay naku!
Mabilis na lumipas yung one hour and nasagutan naman namin yung activity na yun.Pero mostly ang pinag-uusapan namin ay about lang sa activity na yun.Natapos yung araw na yun at uwian na naman.Hayss...Hindi ko kasabay si Anne kasi may pinuntahan pa daw ito at ang mommy niya kaya mag-isa lang akong uuwi.Okay lang,kering keri ko naman eh..pero ang hindi ko makeri ay nung naglalakad na ako sa hallway ay nakita ko si Kai na nakasandal sa ding-ding at parang may hinihintay.
Bumilis na naman yung heartbeat ko dahil dun at naasar na naman ako.Bakit ba ako nagkaka ganito pag nakikita ko si Kai?
Para akong ewan.Kinakabahan din ako,para naman akong timang.Nung papalapit na ako sa kanya ay yumuko agad ako,nahihiya ako eh.Patuloy lang ako sa paglakad ng biglang......
"Trix.....wait!"narinig kong tawag sa akin ni Kai.
Napalingon naman ako sa kanya.Unti-unti siyang lumapit sa akin habang nakayuko na para bang nahihiya.
"Ah eh ba-kit?"nabubulol na sabi ko.
Obvious na obvious naman noh na kinakabahan ako.Tugs....tugs....ang lakas na lakas ng heartbeat ko."Ahm....ah...eh.."napansin ko pa na napalunok si Kai.
Hinihintay ko lang yung sasabihin niya,maski ako kinakabahan din.
"Ah.....I-I j-ust w-ant t-o give thi-s t-o you"sabi niya sabay abot sa akin ng red rose.
Tiningnan ko siya pero nakayuko na siya pero kahit ganun pansin ko pa rin na nagblush siya.
"Ah.....thank you.....b-akit pala?"sabi ko matapos anutin yung flower.
Naalala ko tuloy yung rose na Peace Offering niya sa akin pero tinapon ko naman."Ah......I just want to say sorry sa lahat ng nagawa ko sayo noon,I'm really sorry Trix.Sorry kung lagi kitang inaasar....please for-forgive me."I can feel his sincerity at naguilty na rin ako.
I think its time for me to forgive him na and say sorry too."Kalimutan na natin yun,past is past na eh.Dapat nga ako ang magsorry sayo"nakangiti kong sabi.
"Trix...."
Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko.Di niya siguro expected na yung dating tigre eh bigla na lang naging maamo at nagso-sorry na ngayon.Time ko na para mag blush at yumuko.
"Sorry ha?Kung lagi kitang sinusungitan noon.Ang kulit kulit mo rin kasi eh.Sorry talaga."sabi ko.
Napansin ko na napangiti siya parang kumislap pa yung mga mata niya."Trix...."parang hindi siya makapaniwala na okay na kami at paulit-ulit pa ring sinasabi yung name ko.
Medyo nainis naman ako."Wala ka bang ibang alam sabihin kundi ang pangalan ko?"nakangiti kong sabi.
"Trix...."
"Ayan na naman,pang-isang daan mo na yata yan"
"Ah....I-I j-ust d-on't know w-hat t-o say.But....I-mm.."
Nabigla ako ng bigla niya akong niyakap.Pero hinayaan ko na lang siya.I hugged him back too.Ramdam ko yung saya niya at masaya na rin ako.
"Thank you talaga Trix.....Thank you!"
After nun back to normal na uli kami.Di na kami nag-aaway.Nagulat nga yung mga friends namin eh kung bakit daw nagkaganun.Nang aasar pa rin si Kai pero in a sweet way na,at di na rin alo naiinis pag inaasar niya ako.As sual,lagi na naman kaming tinuktukso ng nga kaibigan namin lalo na pagmag kasama kami.Kasi naman si Kai kung anu-anong ginagawa.Minsan binibigyan ako ng flowers,minsan naman chocolates at minsan kung anu-ano pa.....di ko nga alam kung bakit niya ako binibigyan ng mga ganun eh.Pagtinatanong ko naman siya,sagot naman niya bumabawi lang daw siya sa four years na pang aasar niya sa akin.
Hay!Ang labo talaga,pero yun ang sabi niya eh.Sabi naman ni Anne at ng iba kong friends nililigawan na daw ako ni Kai,pero tinatawanan ko lang sila.Imposible naman kasi yun eh.
Pero imposible nga talaga kaya?Ewan,.kahit sarili ko di ko maintindihan.Basta ang alam ko pagkasama ko siya masaya ako at laging nakangiti.
InLove na ba ako sa kanya?