Chapter 7:Ending.......

11 1 0
                                    

Days and Weeks passed hanggang dumating yung birthday ko.Excited na excited ako na pumasok ng araw na yun pero pagpasok ko sa room wala yung mga classmates ko.Nagtaka naman ako kung bakit wala sila,nandun naman yung mga bags nila ah.Pumunta ako sa seat ko,at napansin ko na may pulang rosas na nakalagay at may nakalagay pa na Happy Birthday.Kahit nagtataka ay kinuha ko yung rosas at yung card.
Maya maya ay may narinig na lang ako na parang may tumutugtog na gitara sa kung saan at parang may kumakanta.Lumingon ako at nakita ko si Kai na papalapit sa akin.Siya pala yung tumutugtog at kumakanta.

Speechless naman ako.Favorite song ko pa yung kinanta niya,ang "No One Else Come Close".Kahit speechless ako,kinikilig ako ng sobra.Ang ganda pala ng boses niya.Nakatingin lang ako sa kanya.Nang matapos na siyang kumanta ay lumapit siya sa akin at may hawak pa siyang dalawang rosas.

"Kai.....Ano to?"

"Trix....Happy Birthday!"he said while smiling.Inabot niya sa akin yung dalawang rosas at kinuha ko naman yun.

"Trix.....may gusto akong sabihin sayo....at matagal ko na dapat ito sinabi"

"A-no yun?"
Tugs....Tugs....Tugs....Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.
Ano kaya ang sasabihin niya?

"Trix....A....I-----I Love You"

"K-ai?"

"Matagal na.....Since First Year mahal na kita pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin o ipaparamdam sayo yun kaya dinadaan ko na lang sa pang-aasar.Mahal na mahal kita Trix......."

"Kai.....I don't know what to say"Im speechless.Di ko akalain na magtatapat na siya at maririnig mula sa bibig niya ang words na "I LOVE YOU".

"Ssh......Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo rin ako,masaya na ako na nasabi ko na sayo yubg nararamdaman ko na mahal kita.Sana magkaibigan pa rin tayo"sabi niya at ramdam ko yung lungkot sa tinig niya.
Ano kaya ang sasabihin ko?
Aamin na rin ba ako na....na mahal ko rin siya?

Hindi ko alam pero siguro ito na yung tamang panahon....baka magsisi pa ako.....

"Mahal din kita Kai...."i said while smiling.....Nakita ko rin na nagulat siya.

"Ha?An-ong sabi mo?"

"Sabi ko mahal din kita"

"Trix.....I-----"

"Matagal na rin kitang mahal at now ko lang narealize yun,kung di mo sana ako dinaan sa pang-aasar baka matagal ko ng narealize yun"

"Trix...."niyakap niya ako ng mahigpit.Halos di na nga ako makahinga.

"Kai,di na ko makahinga.."
Bigla naman niya akong binitawan at tiningnan ako.

"Oh!I'm sorry Trix....masaya lang talaga ako dahil mahal mo rin ako.Promise hinding-hindi kita sasaktan.I Love You So Much!...."

"I know....dahil pag sinaktan mo ako makakatikim ka sa akin"biro ko.

"Wow ang sweet naman!Effective pala ang plano!"nakapasok na pala sa loob ng classroom yung iba kong classmates.,
Napatingin naman ako kay Kai at pinandilatan siya.

"So,pinagplanuhan pala niyo to ha?"sabi ko.

"Sorry,mahal lang talaga kasi kita...."sabi ni Kai at napakamot sa ulo.

"It's okay di naman ako galit,ang sweet nga eh..."sabi ko sabay pisil sa ilong niya.

"Uiy!Ang sweet naman Bestfriend!Sabi ko na nga ba kayo rin talaga eh...."sabi ni Anne na kinikilig.

Napangiti na lang ako.

Ayun nagsimula na naman ang tuksuhan pero okay lang.Ito na yata ang pinaka The Best Birthday ko ever.... Ang saya ko talaga.Naging masaya yung mga araw na kasama ko si Kai.Pinakilala niya ako sa family niya at masaya naman akong tinanggap ng parents niya.Pinakilala ko rin siya kina Daddy and Mommy and botong boto naman sila kay Kai.Lagi rin niya pinaparamdam na mahal na mahal niya ako,at ganun rin ako sa kanya.
Hanggang sa naka-graduate na kami ng highschool ay sa iisang University pa rin kami nag aral.He took up na Engineering habang ako naman ay Business Management yung kinuha ko.Kahit Collage na kami di pa rin siya nagbabago.Lagi pa rin niya akong hatid-sundo sa school,daig pa nga niya yung daddy ko eh.Ginagawa rin niya lahat para lang mapasaya ako.Mahal na mahal ko si Kai at wala na akong mahihiling pa.Basta kasama ko siya masaya na ako.

Hanggang sa dumating na naman uli yung birthday ko and the same time ay sinelebrate din namin yung First Year Anniversary namin together.Kung anu-anong effort yung ginawa niya sa espesyal na araw na yun,mapasaya lang ako.

Wala pa yung prof namin para sa first subject,magkaiba kami ng class kasi nga magkaiba kami ng course.
Bigla na lang pumasok si Kai sa room ko habang kumakanta at tumutugtog ng guitar.Kinanta niya yung favorite song ko ang "No One Else Come Close".
Kinilig talaga ako at sobrang saya pa.Kahit yung mga girl classmates ko kinilig rin.Naalala ko tuloy yung birthday ko nung 4th Year High School pa ako,ganun din yung ginawa niya.Sobrang saya talaga ng birthday ko na yun.Feeling ko nga eh,ang birthday ko na ang pinakamasayang araw sa buhay ko kasi yun din yung day na naging kami ni Kai.
.
.
.
Until dumating ang isang araw,nagkaroon kani ng outing kasama yung mga friends namin nung highschool,parang reunion.
Masaya kaming nagkukwentuhan ng bigla na lang nahimatay si Kai.Dinala namin agad siya sa hospital at doon nalaman namin na lumalala na naman pala yung leukemia niya.Akala ko nun wala na yun at okay na siya pero hindi pa pala.Hindi niya sinabi sa akin na lumalala na naman pala yung sakit niya.
Para namang dinurog yung puso ko dahil du.Matagal rin siyang na-confine sa hospital,syempre di na siya nakapasok nun sa school.Lagi ko siyang binabantayan at di ko siya iniiwan.Minsan nga di na ako nakakapasok dahil sa pagbabantay ko sa kanya pero okay lang,basta para sa kanya.Minsan nagagalit na siya sa akin kasi napapabayaan ko na daw yung pagaaral ko pero sabi ko okay lang.Wala na rin siyang nagagawa.

Magkasama kaming lumaban sa sakit niya,hindi ko siya iniwan.Kung anu-ano ng ginawa ng family niya para lang maligtas siya.Hindi talaga kami sumuko.Hanggang sa napagdisyunan ng family niya na sa US na siya ipagamot.Ayaw sana niya dahil iiwan niya ako peri pinilit ko siya.Wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag.Gusto ko sanang sumama pero hindi pwede,dahil sa studies ko.

"Hihintayin kita Kai.....mahal na mahal kita"I hug him so tightly,yung tipong di na siya makahinga pa.

Gusto ko sulitin yung moment na kasama ko pa siya.Masakit mang isipin pero baka ito na yung huling pagkakataon na makakasama ko pa amg taong mahal ko.Siguro napaka negative ko pero who knows kung ano bang mangyayari.Pero di pa rin ako nawawalqn ng pag-asa alam kong gagaling siya at maghihintay ako sa pagbabalik niya.

"Mahal na mahal din kita Trix,I promise babalik ako"He said and kissed me.
I felt my world begun to stop for a while.And that was our last kiss.

Kinabukasan,ay lumipad na siya papuntang US.Lagi ko sitang sinusulatan at lagi rin niya akong sinusulatan.

Months passed....I waited for him to come back...pero....pero...
.
.
.
.
.
.
Hindi na siya bumalik.He didn't survive the operation.Nang mga panahon na yun.I felt my world begun to crashed.Yung taong mahal na mahal ko wala na.

Inuwi siya ng family niya dito para ilibing and nung nakita ko yung bangkay niya,parang nadudurog yung puso ko.Gusto ko mang magalit sa kanya dahil hindi niya tinupad yung promise niya na babalik siya pero hindi ko magawa.Mahal na mahal ko siya at di ako makapaniwala na wala na ang mahal ko.

After ng libing niya,may ibinigay na sulat sa akin yung mommy niya at isang maliit na box.I opened the box and i saw a ring on it.Di ko mapigilang umiyak kahit mugto na mugto na yung mga mata ko.Inopen ko yung letter niya saying............

Love EnemyWhere stories live. Discover now