Thank you! Kahit na wala ka pang sentence na nababasa nagpapasalamat na ko kasi inumpisahan mo siya. Thanks ulit!
===
Nakakatress naman, ang hirap hirap hirap hirap at napakahirap pumili ng regalo. Haay. Nagtanong na ko sa mga kaklase ko at kaibigan ko kung anong maganda regalo sa lalaki kaso wala naman silang maibigay na matinong sagot sakin. Lahat sila ganito
"Bigay mo sarili mo."
"Kiss na lang."
"Landiin mo lang."
It's like, alam ko namang boyfriend ko yung bibigyan ko ng regalo pero wag naman ganyan. Bata pa ko no! I was scrolling down my news feed. Nangangalap ng maaring matagpuan. then tada!
Ang pogi naman netong lalaking to. HA! Well, nagbebenta siya ng damit niya. Parang ganto rin yung katawan ni Tao (read as TAW) ha? Eto na lang kaya i-gift ko sa kanya? Hmmm...
After I while nakita ko ang sarili ko na nakikipagtransact na. Sana naman legit to to no, mahal in siya infairness! Aba syempre, estudyante lang ako nag-iipon nganga sa magulang kaya medyo mabigat na sakin yung 1k.
Luhan: Ano miss okay na ba tayo sa price? Since ako na sasagot nung shipping fee. What do you think?
Ako: I'm okay with it. Tell me about your name and address so that I can pay you na.
After that, nagpunta na ko sa Cebuana since maaga pa naman. 2pm palang ng tanghali. Hindi na masyadong mainit so pwede na kong lumabas.
Nung nakauwi na ko minessage ko na kay Luhan, siya yung pinagbilhan or should I say siya yung may-ari nung clothes na bibilhin ko para kay Tao, yung mga needed information para mapadala na niya sakin yung clothes since next week na ang birthday ni Tao.
Feeling ko nga ako na yung pinakainutil na girlfriend sa buong mundo kasi ngayon ko lang naisipang mag-isip kung anong magandang regalo sa kanya. Haaay!
Luhan: Okay na. Maybe tomorrow or the next day makukuha mo na.
Ako: Thanks.
~
Ngayon na yung birthday ni Tao, haay! Nareceive ko naman yung clothes pero sana magustuhan ni Tao to pero knowing him. Gantong-ganto yung style niya. Haay, kinakabahan parin ako.
"Hon!!!" Nakangiti siyang kumakaway habang papalapit sakin. Haay! ang hot hot hot at napakahot talaga ng boyfriend ko. I mean, mata palang pamatay na! Super!
Nung nakalapit na siya sakin inabot ko na sa kanya yung gift niya. "TADAAAAAAAA! Happy birthday Hon. I love you." Kiniss ko siya sa cheeks. Well, hanggang dun lang kaya ko. Wag kayong ano!
"Salamat dito Hon ha? Pero hindi ko naman to hinihiling. Pero naappreciate ko to ng sobra sobra at kahit ano mang laman nito, masayang masaya ako at alam kong maganda to." Ngumiti siya aaahhccckkk! Yung mukha niya nakakainis, napakapogi at cute at argh! Inlove nga ako sa lalaking to.
"Wala yun Hon." Ngumiti na lang ako. Ang init init ng mukha infairness.
"Hon, namumula ka. Ang cute! Hahahahahahaha!" Tinatawanan niya ko habang hawak hawak yung tiyan niya. Napayuko naman ako. Ganun ba ko namumula para pagtawanan niya ng ganun? Tss. Kung hindi ko lang to mahal eh.
Nagulat naman ako nung inakbayan niya ko, "Sorry Hon! ang cute cute cute mo kasi kaya hindi ko kayang pigilan yung sarili ko. Haay, ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko. So, ano tara na? Kakain tayo ngayon sa bahay. Bubusugin kita sa pagmamahal." At dahil dun, namatay na po ako.
~
After ng kainan session sa bahay nila, well! ang dami nga nilang handa eh. Actually, sa Sunday pa talaga siya magcecelebrate ng birthday niya since may pasok ngayon. Pero sabi ni Tita Dorothy na maganda parin yung may handa sa mismong birthday kaya ayan. Hayy! Mayayaman talaga ano?
Ay mga day! Ako nga pala si Grace Tan. Walaakong ibang lahi bukod sa pagkaPilipino ko. Ganyan lang talaga yung surname ko. Laking may-kaya lang ako, I mean not that rich but not that poor. Sakto lang! Friendly ako in times pero most of the time hindi. May katalinuhan naman ako. Ako nga yung Valedictorian nung grumaduate kami. At higit sa lahat, adik na adik ako sa kape lalo na sa Venti Mocha Frappoccino! Oo, coffee yan sa Starbucks pero promise, pinag-iipunan ko yang kape na yan. Kaya nga nakaka-36 times na ko eh. Imagine 160 php tapos 36 times na kong nakakainom. Kamusta yun diba?
Pero sa kabila ng kagandahan ko, aangal ka? So ayun nga, nacurious ako kay Luhan bigla. I mean, ang cool niya. Hehe. Kanina ko pa kasi iniistalk yung profile niya. And minsan nga, yung mga post niya halos pareho kay Tao. Astig naman! Parang close sila. Cool lang talaga.
Ang totoo niyan, kapag nagiistalk ako, naghahanap ako ng mali sa tao. Kaso kakaiba tong lalaking to, walang kamali-mali sa katawan. Siya na grabe! He is so perfect like my Tao. Kaso kasi, uhmmmm... bading siya? o.O
BINABASA MO ANG
Be[lie]ve //inspired by a fanboy//
Teen FictionNone of these are real. Note: May I borrow Luhan's face for my cover? Well, just enjoy the story. XOXO, Geaxy.