General says "2"

8 0 0
                                    

Yung ginamit kong characters dito is EXO. Since, EXO is gay. haha! Kyot! so ayun, nag-eenjoy pa ba? Well, kaya ko ginamit si Huang Zitao at Lu Han it's because maganda ako. Okay?

===

Sunday na. Sakto tapos na kong magprepare. Nagdress lang ako at simpleng make-up. Yung bang pulbos lang tapos lipstick. Okay na siguro to no? Baka kasi magkaroon ng kati-kati yung mukha ko. Ayaw kasi ng mukha ko sa make-ups nagkakapimples agad agad.

Maya-maya narinig ko na yung busina ng kotse. Andiyan na siya. Naglakad ako pababa. Haay! Pasaway talaga tong may birthday na to pero ang pogi niya ha! Nakaplain white shirt lang siya then jeans pero ang pogi parin. Haaaay! Boyfriend ko ba talaga to? Papa God, thank you ha? I'm super duper blessed. Nilapitan ko siya then kiniss. Ewan ko, yan na yung ritual namin everytime we see each other. Wala akong pake kung umay na yung iba. Tantanan niyo ko!

Pinagbuksan niya ko ng pinto. "Kasi ang sabi ko, magtataxi na lang ako papunta dun. Ang kulit kulit mo." Sabi ko. Kasi naman, birthday niya tapos uunahin niya ko?

"Hon, alam mo naman diba? Ikaw ang priority ko. Kaya seatback and relax ka na lang diyan. Magpapakasaya tayo mamaya. Gusto mo ngayon na?" Alam ko na yung binabalak niya. Imapaktong to ah!

"Ay na ko Hon, tantanan mo ko! Hindi mo pa nga sinasabi kung maganda ako eh." Nagpout ako. Inaasar ko lang naman siya. At ayan, naasar nga.

"Sorry na Hon, alam mo naman yung sagot ko diyan eh. Ikaw yung pinakamagandang babae sa buong mundo kahit na wala kang make-up. At... di ko alam pero...bakit kaya baliw na baliw ako sayo?" Ay bongga! Sorry ka Rapunzel mas mahaba ang hair ko sayo. Pero sa totoo lang, napayuko na naman ako at damang dama ko ang init sa mukha ko. Ayy jusko, nakakahiya! "hon naman, alam kong kinikilig ka. Wag mo ng itago." Tapos nung iangat ko yung ulo ko nakita ko yung ngiti niyang pang-aso. Boset talaga to!

          ~~~

Nandito na kami sa venue. Sa wakas, nakarating din ng matiwasay. Pasaway kasi eh, inaaya niya kong magkilitian kami. Eh jusko naman, ayokong pagpawisan siya para fresh na fresh siyang haharap sa mga bisita niya. At syempre pati ako, para fresh ako. Para maganda parin ako!

Naupo ako dito sa sulok. Grabe, ang gaganda ng mga dress nila. Siguro yung iba binili pa yun sa ibang bansa samantalang yung akin sa Japan lang...jaPANLENGKE! Ay pak! So ayun, feeling ko OP ako dito. Kaya makikiinom muna ko.

Iniwan ako kanina ni Tao kasi aasikasuhin niya pa yung ibang bisita. Syempre, di lang naman ako ang bisita niya. PaVIP naman ako kung ganun. Kaya ang gusto ko ngayon is enjoyin niya yung party niya. Birthday niya naman eh.

After a while, nilibot libot ko muna yung mata ko. Aba, malay mo may makilala ako dito at makausap ko. Ah wait, si Luhan ba yun? Hmm.... Tumayo ako sa upuan ko at nilapitan siya, malamang! Tapos nung nakalapit ako, siya nga. Oo, siya nga! hindi ako pwedeng magkamali since simula nung Last thursday iniistalk ko siya. Haha. Gusto ko siyang kausapin kaso nakatalikod siya eh tsaka may kausap na siyang iba. Kaya bumalik na lang ako sa upuan ko kanina.

"Hon!" Nakita ko si Tao na tumatakbo papalapit sakin.

"hon naman! Wag kang takbo ng takbo mamaya madulas ka at dumeretso ka sa tubig." Pool party kasi. "Mapahiya ka pa."

"Okay lang basta para sayo." Sabay kinday. Ang huta! Ang pogi naman netong lalaking to. "Eh hon, nagpunta ako dito para sabihin sayo na..." Dumikit yun labi niya sa tenga ko.

"tantanan mo ko sa pagmamanyak mo mister." Sabi ko with angas syempre.

"Eto naman joke lang..." Nilayo na niya yung bibig niya sa tenga ko. "...may ipapakilala lang ako sayo. Ano game?"

T-teka? Si Luhan? Si Luhan yung ipapakilala niya sakin? Wow! Astig, tadhana nga naman ano. "Ahh guys, excuse ko lang si Luhan ha?" Nagnod naman yung nakapalibot kay Luhan at etong si Luhan kinaladkad ni Tao. Aba'y ang brutal netong lalaking to.

Pinapupo niya kami dun sa isang table tapos ayun, sinimulan na niya ang seremonya. "Luhan eto nga pala si Grace my girlfriend and Hon, eto nga pala si Luhan. haha!" Tumawa sila in unison. Anong problema nila?

"B-bakit niyo tinatawanan?" Napayuko ako. Ano bayun di ko sila gets bahala sila diyan.

Naramdaman ko na lang yung yakap ni Tao, "Kasi Hon yung nabili mong gift galing sa kanya..." Pano niya nalaman yun? Ay tanga, friends nga pala sila. Ahhhccckkk! Pak na pak na katangahan. Bengga number one ka Grace. Haayy! "...Ayun ibinalik niya sakin yung bayad na ibabalik ko naman sayo ngayon." Napahiya naman ako dun. Haaaayy! Ibig sabihin rejected yung gift ko sa kanya? Haayy! Lesson number one: Wag tanga.

"Okay lang yun teh! Eto naman, tanggapin mo na. Nahiya pa ang lola mo, bakla!" S-si Luhan ba yung nagsalita? o.O Napaangat ang ulo ko at siya nga yung nagsalita.

"B-bakit ganyan ka magsalita?" Nagulat naman siya.

"Ay sorry teh, na-offend ba kita? Ay teh, I'm sorry like duuuuh! bakla lang." bak...la...si...ya...ba...kit. "Uy teh, natulala ka na? UY!" Eh sino ba naman kasing hindi matutulala. ang isang napakagwapong nilalang ay bakla =_=

Ano bang nangyayari sa Earth? ang gwapo dalawa lang yan, kung hindi taken...BAKLA. Huhuhuhu. Ang sakit naman. Bakit kaya nagkaganyan siya? Hmm...siguro since birth. Kaloka!

"Sayang ka kasi ang pogi mo pa naman!" bulalas ko. Ah shet, nakakahiya. Pero kasi tama naman. Nakakapanghinayang!

"Duuuuhh! I'm not totally gay na no! Nasa critical level palang ako. Pero ewan, siguro oo. Pero critical level nga ateng!" Sabay hampas sa balikat ko. Ohwwww! ako din nasa critical na lagay na. Jusko day! Ang isang napakagwapong lalaki ay bakla. Napakasakit naman. :(

Teka nasan na si Tao? Aba ayos yun ha! Di man lang nagpaalam ng matino! "Let's have some drink?" Tumayo si Luhan at napatayo na rin ako. "anong drinks gusto mo?"

"KAPE!" Masigla kong sabi. Syempre, all time favorite eh!

"srsly, girl? Kape talaga? Kakaiba ka." Nalfatter naman ako dun. Haha, ewan ko ba kung bakit adik na adik ako sa kape.

Be[lie]ve //inspired by a fanboy//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon