BTBS 8: =Goodbye Work?? =

3.2K 70 3
                                    

*Shaniah's POV*

Hmm! Nagising ako dahil sa puting liwanag na nakikita ko nasa langit na ba ako? Kaya naman napasigaw ako, shete andito pala si Monster boss. Ano namang ginagawa nito dito? Sinabi niya sakin na nahimatay pala ako kanina sa conference room kaya sinugod ako dito sa hospital. Aalis na sana siya kaso nadulas itong bibig ko dahil nasigaw ko ba naman yung Monster boss. Omy! Ngayon lang nagprocess sakin ang sinigaw ko, nagalit sya nung tinawag ko ng ganun. Ako naman nag thank you nalang, kasi akala ko nag-aalala sya sakin yun pala AKALA ko lang din. Yun pala nag-aalala lang sya dahil walang gagawa ng trabaho ko. O diba bait ng boss ko? Umalis na si Monster boss saka naman dumating si Maggie na may dala-dalang pagkain.

"Oh! Shan you're awake, thank god! "-sabi niya

"Para namang ang big deal ng paggising ko ah! "-ako

"Baliw! Alam mo bang nagpanic kaming lahat nung mag collapsed ka? Akala namin kung ano na nangyari sayo pero infairness naman sayo girl si Sir Drake pa ang nakasalo sayo. Para nga siyang Knight in Shining Armor mo eh! "-kinilig niyang sambit

"Weh? Knight in shining armor talaga? O baka naman sya yung evil monster? Alam mo malabong mangyari yun dahil isa syang monster my Monster boss! "-sabi ko naman sa kanya

"Infairness may tama ka dyan! But you should thank him malay mo nag-aalala rin sya sayo. Girl alam mo bang you're the 1st person na sinamahan niyang pumunta dito sa hospital! "-sabi niya

" I already thanked him! So kelangan ko bang magcelebrate dahil ako ang unang babaeng sinamahan niya sa hospital? And yun mag-aalala? Tss! Oo nag-aalala sya kasi walang gagawa ng mga trabaho ko sa office niya. "-sabi ko sa kanya

"You're silly! O sige na kumain ka muna! Sorry ha pero hindi kita mababantayan ngayon eh! You know naman kelangan kong bumalik sa trabaho kasi baka magtransform na uli yung Monster. "-sabi niya

"Hahaha! Sige na go ka na dun, keri ko na naman eh! "-saad ko

"Sige na, bye girl sorry talaga! Pero kung ako lang ang masusunod kahit buong araw babantayan kita. Sure ka ba talagang kaya mo na? "-tanong niya sakin

Babysitting the Billionaires' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon