BTBS 18: =Trapped=

2.7K 61 1
                                    

Andito na kami sa bahay syimpre pagod much kami ni Ayrha ngayon. Para ngang ayokong kumilos eh talagang pagod kami,  eh kayo ba namang halos lahat ng rides sa EK ay sakyan niyo. Nag-enjoy ako ngayong araw kasi nakasama ko ang dalawang best friend ko,  tapos nakita ko pa si Fierce.  OMG!  Shocks!  Gwapo pala talaga sya no,  ano bang pinagsasa sabi ko?  Erase.. Erase.. Erase!  Nako naman kung ano-ano nalang lumalabas sa bibig ko eh. Bakit ba kasi simula nung makabangga ko yang Fierce na yan eh lagi ko nalang din syang nakikita? Hindi kaya stalker ko talaga sya,  pero hindi eh masyado na yata akong assuming. Para namang ang ganda ganda ko, eh mabuti sana kung kamukha ko si Kendall Jenner,  Lily Collins,  eh baka pwede pa! Kaso hindi eh malabo talagang magustuhan ako nun.

Atsaka tandaan mo maraming fan girls yang Fierce na yan baka mamaya pag may naka kita sa inyong dalawa nako baka kuyugin ka pa ng sankaterbang mga babae na pinagpapantasyahan yang Fierce na yan.  Sus!  Malayong mangyaring magustuhan ka talaga,  malayong malayo.

"HOY BRUHA! "-sigaw niya sakin.  Kaya ako ito gulat na gulat.

"HINDING-HINDI KA TALAGA MAGUGUSTUHAN NI FIERCE! "-sigaw ko.

"Ano?  Anong sabi mo?  Sinong hindi magugustuhan ni Fierce? "-tanong niya sakin. Ako naman pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

"Huh?  Ano?  Sinong magugustuhan ni Fierce? "-ako. Patay eh kasi naman eh ang daldal niyang bibig mo Shaniah!

"Hoy!  Hoy bruha ka,  ako ang unang nagtanong tas ibabalik mo sakin yung tanong ko sayo? "-sya

"Eh!  Eh wala naman akong sinasabi na ganun ah! "-pagmamaang-maangan ko.

"Anong wala?  Gusto mo ulitin ko pa?  Ok ito oh HINDING-HINDI KA TALAGA MAGUGUSTUHAN NI FIERCE!"-paggaya niya sa boses ko

"Sus yun lang ba? Ah! Wala yun, ano ka ba? Wala lang yun! "-sabi ko

"Anong wala? Hoy!  Bruha wag mo king pinaglolo-loko ha, kilala kita and I know your lying. "-sya

"Ayrha naman wala lang yun,  may story kasi akong ginagawa tapos may part dun na nalilito yung girl kasi parang nagpaparamdam sa kanya yung kaibigan niyang superstar! Oo yun nga! "-paliwanag ko

"Weh?  Totoo ba yan? Nako wag mo kong pinaglolo-loko Shaniah ah!"-

"To.. Totoo nga sabi yung sinasabi ko!  Maniwala  ka,  kelan ba kita niloko? "sabi ko. Nako lord ayan nagsisinungaling na ako.  Naman kasi..

"Nako Shaniah, wag ko lang malalaman na pinaglolo-loko mo ako ha! Nako talaga! "-sya

"Oo na po!  Sige na tulog na tayo napagod ako eh!  At may pasok pa ako bukas kaya  matulog na tayo."-sabi ko

"Aissh!  Tara na nga! "-tas yun tumulog na kami.

                             ~*~

Andito na ako sa office ngayon,  nakakainis nga eh kanina pa kumukulo yung dugo ko.  Lunes na lunes eh stress agad ang sumalubong sakin. Eh!  Pano ba naman kasi bad trip din yang Monster boss ko. Ito nga oh!

"Morgan you're late again! "-

"Morgan what the heck?  Ano bang klaseng kape ito? "-

"Morgan ano ba? Bilisan mo nga ang kilos mo! "-sya

"Morgan buy this!"-

"Morgan do this!"-

"Morgan bilisan mo nga, I need those documents now! "

Oh!  Diba ang bait niya talaga, bwiset kanina pa sya Morgan ng Morgan.  Morgan do this,  do that,  buy this,  get that,  encode that!  Leche,  anong akala niya sakin human machine? Hindi napapagod,  bwiset hindi na nga ako magkanda ugaga sa mga pinagagawa niya tas heto na naman.

Babysitting the Billionaires' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon