BTBS 16: =New FRIEND=

2.8K 64 2
                                    

Bakit wala pang dumadaang taxi? Naman oh, anong oras na ba? Kanina pa kasi ako naghihintay ng taxi dito, nagugutom na rin ako. Nagsimula na rin akong maglakad lakad, baka sakaling makahanap ako ng taxi. Habang naglalakad ako eh may nakabunggo ako syimpre nalaglag lahat ng gamit ko. Tinulungan naman ako nung nakabunggo ko, napansin ko rin na nakasuot siya ng cap then black shirt well nakakapagtaka kasi nakasuot sya ng pang nerd glasses. Artista ba ito? Lakas ng get away eh akala mo eh nagdidisguise. Hay nako! Nagsorry nalang ako sa kanya.

"Ay! Kuya mag-ingat ka naman po sa susunod. Pero sorry rin kasi may kasalanan din ako! "-sabi ko habang inaayos ang gamit ko.

"Ms. I'm really sorry, I didn't mean it! "-sabi niya sakin. Ay ang bait naman ni Kuya nagsorry kung sa iba kasi yun pababayaan ka nalang. Tas nginitian ko nalang sya at nagsimulang maglakad ng may makasalubong akong kumpulan ng kababaihan nagtatakbuhan sila na akala mo eh nakakita ng artista. Sh*t! Ang dami nila tas nagsisigawan din sila.

"OMYGOSH! Saan na nagpunta si Fierce?"

"OMG! Ang gwapo talaga ni Fierce! "

"Kyaaaah! Dun sya nagpunta dali sundan natin sya! "

Yan yung mga sinisigaw nila, sobrang lapit nila ng biglang may humila sakin papunta sa may likod ng puno. Ang lapit ko sa kanya totally nakayakap na ako pero nasa baba yung kamay yung mukha ko eh nasa dibdib na niya. Kung makikita niyo kami eh para kaming nagyayakapan dito. Nang bigla siyang bumulong sakin.

"Wag kang maingay! "bulong niya. Ewan ko kung bakit ako tumango sa kanya, may option naman ako eh yun ay ang dapat kanina ko pa sya tinulak pero bakit ganun ayaw kumilos ng katawan ko? Ng makaalis na yung mga babaeng hindi ko alam kung die hard fan ng isang tao eh, tas yun binitawan na niya ako.

"Ms. I'm sorry kung ginawa ko pa ito sa iyo, but I really need to get rid of that group of girls. They've been following me wherever I go! "-sya. Hays! Kawawa naman pala sya, ganyan talaga kapag artista maraming die hard fans.

"No, it's alright! Pero sa susunod wag kang biglang maghihila ah! Kinakabahan kasi ako pag ganun. Wait, so ibig sabihin ikaw yung hinahabol nung mga babaeng yun?"-sabi ko sa kanya

"Unfortunately, Yes! " sya

"Oh! So siguro ganun ka kasikat eh no? Artista ka ba, model, or what? "-tanong ko sa kanya

"Ah! You don't know me? "-sya..

"Why? Magtatanong ba ako kung kilala kita?"-ako

"Well, yeah! I'm a model, nakakapagtaka naman na hindi mo ako kilala! "-sya

"Ah! Eh! Hindi kasi ako fan ng kung sino mang model diyan, you know I don't have time for that! "-sabi ko

"Oh! I see, well by the way I'm Fierce and you are? "-sya. So Fierce pala ang pangalan niya.

"I'm Shaniah but you can call me Shan, sige na I need to go home! "-paalam ko sa kanya. Pero hinawakan na naman niya yung kamay ko, kaya napaharap uli ako sa kanya.

"Wait, Shan can I treat some food now Or dinner? "-tanong niya. Eh! Naman eh nakarinig na naman ako ng pagkain walanjo naman yun ang weakness ko eh!

"Ah.. Eh! "-ako

"I would not take a No Shan, so now let's go! "-tas hinila na niya ako sa loob nung restaurant na pinuntahan nina Monster boss!

"Ah! Eh! Pwede bang sa iba nalang, kahit saan basta wag lang dyan! "-sabi ko

"Why? Is there any problem? "-tanong niya.

"Wala naman, may allergy lang kasi ako sa mga mamahaling restaurant!"-pagsisinungaling ko.

Babysitting the Billionaires' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon