BTBS 28: =Unexpected Visitors=

3K 65 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon eh dadating na yung pamangkin ni Ma'am Daniela hindi ko alam kong lalaki ba siya o babae. Susunduin sana namin siya sa airport kaso nga lang ayaw nung pamangkin ni Ma'am. Gusto siguro niya eh grand entrance ang gawin niya.  Aba malay ko ba?  Sobrang linis na nga nitong bahay eh,  yung guest room naayos na rin namin. Nakakapagod nga eh,  ngayon naman eh inutusan ako ni Manang na magrocery.  Kaya naman eh ngayon papunta ako sa grocery.

"Stupid where are you going? "-tanong ni lil monster

"Ah!  Sa grocery store may bibilhin lang.  Gusto mo bang sumama? "-tanong ko naman sa kanya

"No, dito nalang ako sa bahay! "-siya then walk out.

Nagpahatid na ako kay Mang Nicholas sa grocery store.  May pinapabili lang kasi sakin si Manang eh, para yata dun sa request na pagkain ng bisita. Wow!  Anong akala niya sa mansyon Hotel?  Binili ko nalang yung kelangan,  pagkatapos eh lumabas na ako.  Medyo malayo yung pinagparkan ni Mang Nicholas kaya kelangan ko pang maglakad. Naglalakad na ako ng biglang may rumaragasang bumangga sakin.

*Boooggggssssshhh*

Shutaeners! Sa dinami dami ng pwede kong pagbagsakan eh sa basurahan pa talaga. Oo sa B. A. S. U. R. A. H.  A.  N nga as in basurahan. Huhuhu!  Ang sakit na nga ng likod ko tapos ang baho ko pa. Taena!  Sino ba tong nakabangga sakin?  Akala ko naman eh kotse na o anong sasakyan ang nakabangga sakin.
Napahiga kaya ako,  tapos parang ang bigat pa ng pakiramdam ko.  Teka sino ba ito?

"Waaaah!  Sino ka?  Lumayo ka nga sakin!"-sigaw ko.

Tapos bigla namang tumayo yung lalaki na nakabunggo sakin.  Oo lalaki nga ang nakabangga sakin. Shete!  Sino ba ito?

"Miss hide me please,itago mo ako."-sabi nung lalaki.  Then nagtago sya sa may likudan ko.

"Teka ano ba? Ano bang ginagawa mo? Teka nga umalis ka dyan sa may likuran ko! "-ako yan. Eh! Kasi parang may pinagtataguan itong lalaking ito eh. Tapos maya-maya may babae ng dumating na mukhang galit na galit na parang kakain ng buhay.

"You jerk!  Umalis ka nga diyan,  lumapit ka dito. Sinong nagsabi sayo na sumunod ka dito? Arrgh!  Lumapit ka nga dito. "-yan naman yung sinabi nung babaeng dumating. Pilit niyang abutin sa likuran ko yung lalaki.  Magkakilala ba sila? Arrgh!  Wala na akong pakialam sa kanila.

"Miss tulungan mo ko please,  ilayo mo ako sa baliw na yan. "-sabi nung lalaki sa may likuran ko.

"ANO? Sinong baliw? Nako halika ka nga dito, yari ka talaga sakin. Leche ka talaga! "-yung babae.  Tapos yun nagtatakbo na sila ng dalawa dun, para silang mga batang naghahabulan.  Arrgh!  May kasalanan pa sakin yung lalaking yun,  tingnan niyo ang dumi dumi ko na tapos ang baho ko pa. Wala na akong nagawa kundi ang umuwi.

Andito na ako sa bahay, at nakita ko si Blaze na nasa labas mag-isa.

"Oh!  Anong ginagawa mo dito?  Bakit ka nandito sa labas? "-tanong ko.

"Bakit ang tagal mo? "-tanong niya..

" Bakit ka mag-isa? "-tanong ko

"Bakit ang dumi-dumi mo? "-tanong niya

"Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko? "-ako

"Eh!  Bakit ang dami mong tanong? "-sya

Nako walang mangyayari sa usapang ito, ang dumi ko na talaga kelangan ko ng maligo. Kaya pumasok na ako sa loob ng mansyon..

"Manang ito na po yung pinabili niyo, atsaka maliligo lang po muna ako. "-paalam ko.  Then pumunta na ako sa CR para maligo.

Tapos na akong maligo at kasalukuyang nagbibihis dito sa kwarto namin.  Patapos na ako ng makarinig ako ng ingay

Babysitting the Billionaires' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon