Prologue

122 7 2
                                    

Irene's pov

Ang gwapo pa din talaga ni Tyler..

"Gusto mo talaga si Tyler?"

Tinignan ko lang si Vinn na tumabi na naman sa akin dahil may pagkain ako.

"Ako din gusto ko siya.."

Mabilis pa sa alas quatro akong napalingon sa kanya kaso nagsalita sya ulit habang naka-ngiti ng nakakaloko.

"Jooooke! Mas gwapo pa ko kay Tyler no!"

"FYI, Vinn! Walang tatalo sa kagwapuhan nya no! Umalis ka nga sa tabi ko baka masipa pa kita palabas."

Hindi siya umalis. Pero lalo akong nainis nung ngumiti sya ng malapad. Yung pinaka nakakairita talaga nyang ngiti! Alam na alam mong may kailangan sya.

"Ano?"

"ANO?!"

"Sige na nga sasabihin ko na.. Tulungan mo ko!"

"Anong tulong ka dyan?!"

"Be my girlfriend for two months!"

"ANO?!"

"Low down your voice, Irene."

"Anong pinagsasabi mo kasi!"

"Sige na tulungan mo na ko! Diba gusto mo naman si Tyler? Matutulungan kita sa kanya basta tulungan mo ko dito!"

"Nababaliw ka na yata?"

"Seryoso ako."

"Well, seryoso din ako, Vinn!"

Gusto pa atang makipag-staring contest nitong si Vinn, ah. Akala nya papatalo ako?

"Ba't ba ang tigas mo?" sabi nya between our contest.

"Duh. Wala akong talong." sagot ko naman. Akala nya siguro matatalo nya ko!

"I give up! Oo na. Oo na."

Nanahimik na lang ako kasi di ko na ma-take yung kagaguhan ni Vinn. Lagi naman siyang ganyan kaya sanay na ko. At saka mula elementary ata kaklasi ko na 'to kaya nakakairita mga pinaggagagawa nya!

"Parang di tayo magkaibigan mula pre-elem!"

"Di naman talaga."

"Sige na. I can help you with Tyler! At saka, kahit ano gagawin ko basta tulungan mo ko!"

"Kahit alipinin kita?"

"Oo. Kahit mga gamit mo pa ipadala mo sakin, or palabhan mo pa panty mo sakin o kahit ano man. Gagawin ko!"

"Kahit magpalibre ako ng kahit ano?"

"Oo kahit bagong panty or bra pa yan mula Victoria Secret bakit hinde?"

"Kahit ano? Kahit si Tyler?!"

"Oo naman! Kahit magnakaw pa ako ng damit nya or brief basta pumayag ka lang."

"Gago ka talaga! hm. Erkey. Yun lang pala eh. Anong klaseng tulong ba yan?"

"Be my girlfriend nga for two months! Kailangan nating magpanggap na magjowa lalo na pag nandyan sina Mamoo!"

"Oh? Grabe lang ah. Kung di ko lang talaga kilala si Mamoo baka nasampal na kita dito ng wala sa oras. May nirereto ulit sayo no?"

"Oo at nakakairita yung babaeng yon! Kaya nga kailangan nating magpanggap! Nasabi ko na may girlfriend ako kaso wala akong maipakita!"

"Well. Kawawa ka. Diba, aacting lang ako dito. Tapos aalipinin kita. At dalawang buwan lang magtatagal yon?!"

"Oo."

"Tapos tutulungan mo ko kay Tyler para magkalapit kami?"

"Tigang na tigang eh, no? Oo nga. Ulit ulit naman kay Tyler eh!"

"Well, na-adapt ko lang yun sayo."

"Tangina talaga nito. Palibhasa hopeless romantic."

"Kaysa sayo na gumagamit pa ng ibang tao para manloko!"

"Oo na. Oo na. Deal na ba?!"

"Deal na!"

"Walang backout-backout dito!"

"Oo. Titiisin ko na lang pagmumukha mo ng dalawang buwan kung makukuha ko din naman si Tyler."

"Sus. Pinagod mo pa ko, si Tyler lang pala magpapa-oo sayo!"

"Wala kang paki so shut up ka na lang."

Can't believe this. Pumayag ako sa walang kwentang offer ni Vinn para lokohin ang Mamoo nya para lang mapalapit ng instant kay Tyler?!

"By the way, jowa na kita ah!"

"Agad agad?"

"Oo. Bakit? Time is gold, Irene. Wag ng patumpik tumpik pa, boom karakaraka! Pirmahan mo na to dali!"

Di na ako nakapag-react dahil hinila nya kamay ko at binigyan ako ng ballpen at isang papel.

"Tangina. Anong pakulo ito, Vinn?!"

"Relationship Contract? Oh, nag-deal ka kaya dapat pirmahan mo yan! Katibayan lang yan na walang titibag!"

Dahil sa kagagahan ko, napilitan akong mag-pirma at binalik na yun sa kanya.

Yeah. My life ends with this. Bless me.

"Irene, no other man beside me ha. Tutulungan kita kay Tyler pero walang relasyong mamagitan sainyo sa loob ng dalawang buwan."

"Seloso ka pala, Vinn!"

"Oo. And I don't share."

"Sus. Dami mong alam. Sabi ko na nga ba nahuhumaling ka sa akin eh. Paalala ko lang sayo,  naka-kontrata lang relasyon natin, hindi totohanan, Vinn! Hahahaha"

"You wish, Irene. You. Wish. Baka ikaw lang ma-inlove sa akin."

"Kung maging si Tyler ka, why not?" nag-make face lang sya bilang sagot.

Well, i guess this is it? Kevinn Calma is now my contract boyfriend.

◇◇◇

started: June 3, 2016
completed: ________

N O P L A G I A R I S M!

My Contract BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon