[2] Vinn's plan

57 3 2
                                    

Irene's pov

"Alam mo, yung panglibre mo di nauubos, pero yung pasensya ko sayo kanina pa ubos!"

"Ano na naman bang ginawa ko sayo baby? Ang init na naman ng dugo mo sakin!"

"Diba sabi ko hotdog with cheese? Eh bakit burger?!"

"Sorry na! Nakipag-chika pa ko kay Lloyd eh!"

"Bakla ka ba ha? Feeling ko talaga bakla ka eh!"

"WHUT? ME? GAY? ARE YOU KIDDING MEH?!"

"Eh bakit wala man sayo 'tong relasyon natin?"

"Eh bakit ikaw napaka-malisyosa mo?!"

"Bakla!"

"Baliw!"

"Look who's talking!"

"Luk wus toking~"

"Bitch."

"You."

Hindi talaga ko titigilan nitong lalaking 'to hanggat hindi siya nagsasawa eh, no? Kita mo, nakikipag-staring contest ma naman ang puta! Akala nya ba matatalo nya ko?!

"Bili mo ulit ako!"

"Ano ka hilo?!"

"Sige pupuntahan ko mamaya si Mamoo sabihin kong ikasal ka na sa--"

"Oo na. Eto na. Excited ka masyado!"

Hindi talaga nya ko matiis. Huh! Mag-sisi siya ngayon.

Niloloko ko lang naman siya eh. Ni-hindi ko nga kilala yung nirereto ni Mamoo sa kanya kasi ayaw nyang sabihin kahit kahapon ko pa siya kinukulit 😧

"Hi Irene!"

"Ay, Mamoo!"

"Ha?"

"Oh! Ikaw pala Tyler."

"Kayo na pala ni Vinn? Nakita ko sa status nya kaninang umaga eh."

"Ah--"

"--Oo! Sinagot nya ako kahapon."

"Vinn!" pinanlakihan ko sya ng mata kaso 'di nya ko pinansin!

ARRGGHH!! Naiinis talaga ko sa wrong timing na 'to!

"Congrats! Masaya ako para sa inyong dalawa! Akala ko talaga forever ng single 'tong si Vinn eh. Hahahahaha"

"He he he"

"Wala yun pare!"

"Salamat p're. Una na ako, pupuntahan ko pa si Sofia sa classroom niya eh. Text nyo na lang ako pag may teacher na."

"O-kay.."

Pagkaalis na pagkaalis ni Tyler, tinadtad ko na ng mga suntok si Vinn! Wala akong pake kung nasasaktan sya tangina nya!

"ANONG PALABAS 'YON VINN HA?!"

"ARAY-- ano-- AWW-- wait lang-- OUCH!!"

"PAANO NA LOVELIFE KO TANGINA MO!!!"

"IRENE!!!"

"KASALANAN MO LAHAT NG TO EH! SINO SI SOFIA?! ANO NYA YON?! PAANO NA AKO?!"

Natigil ako bigla nung hilahin nya kamay ko para matigil ako sa pagpapalo sa kanya.

Great. Ang sakit sa kamay ah. Really.

"Si Sofia, siya yung nirereto sa akin! Kaya nga ikaw yung pinilit ko sa plano para matigil ito eh."

Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi ko ma-catch yung ibig nyang sabihin..

"Baliw ka ba? Kapag natapos 'to, tapos makukuha ko si Tyler, babalik at babalik sayo si Sofia!"

"Iyon na nga. I need more than one month to break her heart. Kase may possibility nun na babalik siyang Thailand!"

"Ha?"

"Paano kami ni Tyler?!"

"Kaya nga pagtapos na lang nitong two months diba? Tutulungan kita kung mapabalik natin si Sofia ng Thailand!"

"Eh bakit nandito ba yang babaeng yan? Para sayo, ganern? At ano siya ni Tyler ko? GIRLFRIEND?!"

"Oo para sakin! Hm. Alam ko kapatid nya si Tyler?"

"WHUT?"

"Oo nga. Kung hindi nya kapatid, baka pinsan nya."

"Really? Pero ang tanong ko, bakit kailangan pa nating magpanggap?"

"Para nga hindi siya ireto sakin. Para na din hindi nya ako lapitan hanggat alam nyang may girlfriend ako! Para lubayan na nya ko!"

"Paano kami ni Tyler.."

"Si Tyler, gentleman yan, kaya maiintindihan nya yan."

"Anong connect??"

"Ewan ko din. Basta, sumunod ka na lang sakin total alam mo na din buong plano ko."

"Oo, plano mong walang kwenta. Ewan ko bakit hindi muna ko nakinig bago ako umoo!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Well... Kapag nandyan si Sofia, umacting tayo ha!? Don't worry pagtapos nito ako naman tutulong sayo. 😉"

I don't really know what did I do to my past life just to be like this?! Di ko talaga kinaya.

My Contract BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon