[5] One on one

52 2 0
                                    

Irene's pov

Alam mo naman kung kaplastikan lang pinapakjta sayo eh. Mula ulo hanggang talampakan. Mula tingin, ngiti hanggang galaw.

At ang case ni Sofia. Pure kaplastikan talaga ginagawa nya!

Akala nya siya lang marunong mameke?

Wag ako, uy!

"Hi. Im Sofia Salvador. The future wife of Kevinn."

Nginitian ko lang siya gaya ng pagngiti nya sakin. Magkaka-diabetes ata ako nito eh.

Edi sayo na si Vinn. Duuh. Akala mo naman gusto ka nya!

Biglang napainom ng madaming tubig si Vinn na nasa tabi ko ng marinig nya yun.

1000% sure ako na nandidiri sya right now!

Nagsimula na kaming kumaing apat ng tahimik. Sobrang awkward nito! Wala pa naman kaming script ni Vinn kasi hapon na nung mapagdesisyonan kong sakanya sumama! Hay sabi ko na nga ba dapat kay Tyler na lang talaga ko sumama eh! Edi sana walang ganito! Mukhang mataray pa mga tao dito. Well, except kay Vinn.

"Diba kaibigan mo na si Ving simula bata pa kayo? Buti at naging kayo ngayon, ija?"

Parang bumara bigla yung pagkain sa lalamunan ko dahil di ako makasagot! Pageant ba to?! Grabe makatanong si Mamoo.

"Wala lang po Mamoo, basta lang po namin na-realize na mahal po namin ang isa't isa hindi bilang magkaibigan, kundi mag-ka-ibigan."

Si Vinn naman ngayong ang nabilaukan pero nabawi din agad at tango sya ng tango. Alam ko naman peke.

"Ang lalim non, ija. Mahal na mahal mo nga si Vinn."

I just smiled. Nakakasukang maging plastik. Papadagdagan ko talaga yung TF ko kay Vinn. Eww.

"But Mamoo! Bakit ako? I really love Kevinn from the start! Bakit hindi pwedeng maging kami na lang?!"

Kaasar bibig ng Sofia na to. Ipalaklak ko ata sakanya buto ng crispy pata para di na makasalita eh!

Nagulat ako kay Mamoo nung tumawa sya. Ang hinhin talaga eh. Pati pagtawa mainhin!

"I guess, kahit gaano mo kakilala ang isang tao o kahit saglit na panahon lang, kung hindi mo talaga siya mahal. Hindi talaga. Wala na, Sofia. Tho, I know that you love my apo-- and I loved you too!-- pero hindi pa din yun sapat ang pagmamahal mo na iyan kung hindi ka talaga nya kayang mahalin pabalik. Mapapagod ka lang, ija."

Bagets din si Mamoo. Humuhugot! Wala na kasi syang ka-forever simula nung mamatay si Papoo three years ago.

Pero aray! Tamang tama ako! Ibig bang sabihin ni Mamoo ay kami ni Tyler? Huhuhu Wala na talaga kong ka-forever kung ganon!

Nabalik na lang ako sa katotohanan ng sikuhin ako ng mahina ni Vinn. Tinignan nya lang ako, at alam ko na yung tingin na iyon. Nag-excuse kami saglit at tumungo sa garden nila.

Akala ko bitch mode: on siya kasi tagos tingin nya sakin! Yung tipong wala siyang reaksyon pero para kang lalasawin sa tingin?! Kaso bigla na lang siyang tumawa ng sobrang lakas na akala mo pati lungs nya sasama! Punyeta to. Sure akong tumatawa sya dahil doon sa sinabi ko.. pati sa hugot ni Mamoo!

"Oo na. Dagdag talent fee yun!"

"Anong palabas 'yon?! Nafo-fall ka na ba sa kamandag ko?! Ang benta ng sagot mo kanina, Rene! HAHAHAHAHAH"

I rolled my eyes pero patuloy lang sya sa pagtawa. Konti na lang talaga sisipakin ko na to!

"Siguraduhin mong hindi yun totoo ha?"

"Hindi! Never! Eww! Hindi pa ko baliw para ma-fall sa isang demonyong tulad mo"

Nginitian nya ko. Yung ngiting labas lahat ngipin! Tanginang pa-cute to! Chinto pa naman ang bwisit!

"Wag kang pa-cute."

"Naku-cute-an ka ba??"

"Hindi."

"Aminin mo na kasi na crush mo talaga ko!"

"Mag-kape ka nga, ng nerbyosan ka naman, Vinn!"

"Hahahahahahaha"

Hindi na muna kami bumalik sa loob. Umupo muna kami sa mga bench na nasa garden ni Mamoo habang nakatulala lang sa langit. Wala naman akong dapat sabihin kay Vinn eh, at mukhang siya din. Talagang tahimik lang siya, malayo sa Vinn na kilala ko, pero mas okay yun kaysa sa sobrang daldal nya. Nakakapanibago nga lang.

Madaming stars sa langit. Ber months na kasi. Saka malamig dito kasi ma-puno!

I look at Vinn. Ang seryoso ni Vinn maka-tingin. Ano kaya nasa isip ng lalaking to? Hirap nyang basahin! Yung tipong hindi mo alam kung ano ba talaga iniisip nya, tapos magugulat ka na lang sa actions nya!

"Stars tignan mo. Hindi ako. Tho, alam ko naman Im a star, pero wag talaga ko!" biglang saad nya. Ngumiti sya pero nakatingin pa din sa langit.

"Oo star ka nga. Kaya ang sarap mong itapon sa kalawakan eh."

Lumapit sya sakin at pumalupot sa braso ko na parang linta. Tatanggalin ko sana kaso hunigpit ang hawak nya.

"Nasa likod sila. Nakatingin satin. Sure akong nagiba na isip ni Mamoo about saamin ni Sofia. At alam kong naa-awkwardan ka sa loob kaya nga ko nag-excuse diba?"

"Sana hindi mo na lang ginawa. Malay mo iinterviewhin oa ko ni Mamoo. Isang tanong isang sagot pa lang yun eh!"

Tumingala sya mula sa pagka-lean ng ulo nya sa balikat ko. Tinignan nya ko pero mukha siyang natatawa. Problema nito?

"Hindi pa ba sapat yung sinabi kong 'magka-ibigan' tayo??"

Mabilis pa sa alas-quatro ko siyang kinotongan. Napa-aray sya pero tumawa lang siya. Bitch talaga to minsan! Araw araw na nyan akong aasarin nito!

"Pero seryoso.. Sincere naman pagkasabi mo kanina kaya maniniwala si Mamoo doon. No need na. I'll handle this. Para di ka na humingi ng extrang TF!"

"Baliw. Bayaran mo ko!!"

"Oo na. Tara na nga, iuuwi na kitang gago ka! 9 PM na, baka akala ng mama mo ano na ginawa natin at sipain pa ako!"

"Dumi mo mag-isip! Paalam muna ko kay Mamoo."

"Bastos ng girlfriend ko, wala naman akong binaggit na ano eh. Tara na nga!"

Nagpaalam na kami at hinatid ulit nya ko sa bike. This time, hindi na 3-wheeler bike. Nakasakay nako sa likod nya. Kanta kanta pa nga kami ng OST ng kina Jolo at Jenny ba yun? Yung Korean-nobela sa GMA date. hahahahaha

"Bye, Vinn!" paalam ko bago pumasok sa gate. Pero tinawag nya ulit ako.

"Salamat ha. Good night, baby! Hahahaha"

Ngumiti lang ako sa kabaliwan nya at nag-wave na sya habang nagba-bike na paalis.

"Mame-meet mo na nyan si Anna!!!"

"WATEBERRRR"

Infairness.. Ngayon lang ako nag-enjoy sa company ni Vinn. LOL. Dati kasi madalang lang kami mag-kulitan. May magandang dulot din pala ang kontrata nya. Hahahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Contract BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon