Irene's pov
Bago kami umuwi kanina ni Vinn, dumaan muna kami ng computer shop para magpa-photo copy. Ang baliw, nagpa-photo copy ng 50 pcs ng kopya nya ng kontrata! Tapos binigyan lang ako ng isa!
Kaya 50 pcs kasi daw baka punitin ko yung akin, saka para daw may maisupalpal sya sa mukha ko in case na mag backout ako. Psh
Buti na lang nga hindi binasa nung bata yung kontrata kung hindi nako! Tanga kasi nitong si Vinn, nagpa-photo copy sa comp. shop, edi bistadong peke lang relasyon namin!
"Nak.. Naka-drugs ka ba?"
"Bakit nay?"
"Hindi ako pumipick-up line. Mukha ka lang talagang sabog!"
"Haller? Diba pwedeng stress lang, ma?!"
"Ba't ba ganyan mukha mo, para kang sinaniban ng demonyo."
"Nako ma! Sinaniban talaga ko! Pangalan nya Kevinn!"
"Talaga ba, nak?!"
"Hay nako mother! Akyat na nga ko."
Ewan ko ba bakit ganyan mga tao sa paligid ko. Yae na lang.
Higa agad akong kama tapos open ng wifi. At talagang bumugad sa notification ko ang kasuklam suklam na request ni Vinn!!
Relationship status!
Kingina bes! Alam kong magpapanggap kami pero di ko knows na pati sa social media no!
Nag-exit ako ng facebook at chinat ko sya sa messenger. Kaso seen lang nya ko kaya tinawagan ko na! Gagong to. May pa-seen seen pang nalalaman!
[Hello baby!! Miss mo na ko agad?]
"HOY LALAKE MAY PAREQUEST REQUEST KA PANG NALALAMAN! ANO BA BALAK MO?"
[HOY BABY! AKALA MO IKAW LANG MAGALING MANIGAW?!]
"ANONG BA BALAK MO SA BUHAY MO BA'T PATI FACEBOOK GINAGAWA MONG LEGAL?!"
[Luhh. Calm down baby--]
"ANONG BABY?!"
[Endearment natin. Oh, diba? Ang cute!]
"WALANG CUTE KUNG GALING SAYO! HINDI KO TALAGA AACCPET YUN!"
[Okay.. Araw-araw kitang sesendan nun.]
"ANO?!"
[Tawagin mo 'kong baby! Ano ba yan! Ganyan ka ba sa boyfriend mo? Di mo na nga tinatawag na baby, sinisigawan mo pa. I'm hurt..]
"Drama mo ulol. Ma-flush ka sana sa toilet bowl!"
[HAHAHAHAHAHAHA BA'T KA BA PIKON?!]
I ended the call. Baka matapon ko lang sya sa rooftop ng isang building!
Pagka-balik ko sa chat namin, eto bumungad sa akin:
Kevinn change your nickname to BABY 👿
Kevinn change his nickname to BABY 👽
BABY 👽 change color to 🔴
BABY 👽 change emoji to ❤Sinusubukan talaga ko nito ha.
Me: Kapag talaga di mo tinigilan to. Yari ka sakin.
BABY 👽: Ano ka ba. Siyempre para kapani-paniwalang tayo dapat pati sns natin tayo!
Me: Ako ba talaga iniinis mo?
BABY 👽: Hindi. Mukha ba kong nang-aasar?
Me: Ewan ko sayo. Tae ka!
BABY 👽: seen
Pakyu talaga lalaking to kahit kailan. Sarap ihampas sa pader!
Nag-out na lang ako kaysa maistress sa kabaliwan ni Vinn.
Im too pretty for that. Besides, nakipag-deal naman ako kaya kasalanan ko din to.
Pero nakakainis lang! Saan nya galing yung baby baby na 'yon?! Kadiri!
"Tiis lang, bes.. Two months lang itatagal nito! Nakatulong ka na nga sa manloloko, mapapasayo pa crush mo. Bongga bes!"
