Irene's pov
"Dalaga ka ba talaga anak? Ba't di ka mag-ayos ng sarili mo?!"
"Importante pa ba yun?"
"Siyempre no! Ano ba naman yan! Nung kapanahunan ko, nak, isa ako sa mga hinahangaan sa kagandahan dahil lagi akong maayos."
"Ma, anong panahon yan? 1500? Dont me, ma!"
"Eh 'di wag kang maniwala. Basta mag-ayos ka dyan! Nakakasira ng dignidad ko to anak. Baka tanungin sino nanay mo tapos isasagot mo ako! Ano na lang sasabhinin nila? Baka akala nila minumuchacha kita dito!"
"Hindi ba ma??"
"Heh! Basta anak. Mag-ayos ka na. Nasa baba na sundo mo!"
I secretly rolled my eyes. Hindi para kay mama. Para don sa sinabi nya.. tsaka sa sundo ko.
Oo sundo!
Palibhasa dinaig pa nya si kamatayan!
After 5 years. De joke lang. 10 minutes lang. Bumaba na ko para kitain ang sundo ko.
I secretly rolled my eyes again.
"Pangit mo."
"Oo nahawa kasi ako sayo."
"Ge lang. Tara na. Naghihintay na sina mamoo."
Oo guys. Kina Mamoo. Kina Vinn!
Oo ulit. Kay Vinn ako sumama..
Napahiya ako kay Tyler, men! Ano na lang mukhang ihaharap ko kay Tyler bukas?!
Ganito kasi yan..
Bago mag-uwian hinarangan ko na si Tyler para mag-sorry kasi di ako makakasama sa kanya. To tell you the truth, nakita ko yung pagka-dismaya nya! At ajsnqjzbak mga bes nadismaya sya kasi di ako makakasama! Naiiyak na nga ko mga bes kasi naman wala na talaga lovelife ko! Edi sana kasama ko sya right now habang naglalandian kami diba?! Kaso hindi eh! Panira tong si Vinn! Laging wrong timing! Hays. Nakakahiya talaga. Umoo na lang sya kasi daw alam nyang mas pipiliin kong makasama ang boyfriend ko kaysa sa kaibigan! Like wth! Si Vinn gusto kong kasama?! Kung pwede lang masuka that time nasuka na ko!
"Hoy tara na! Nagmumuni-muni ka pa ba kasi di mo kasama si Tyler, ano?!"
"Shut up! Tara na nga."
"Buti naisipan mo. Baka ayokong pinaghihintay service natin."
"Wow! Nag-rent ka pa ng car ha!"
"Yeah.. Car.."
Yung tono nya matatawa na matatae eh. Iba pakiramdam ko dito. Yung pag-pronounce pa nya ng car is "CARRR↗↘"
Lumabas na kami kaso wala akong makitang kotse! Pero 3-wheeler bike meron.
"Saan ang car mong gago ka?"
"Car ko? Ayan. 3 wheeler car~"
"Aba putan-- EDI SANA DI NAKO NAG-DRESS UP NG GANITO KUNG BIKE LANG PALA TAYO!"
"Arte ah. Maganda ka ba?!"
"Oo! Isn't obvious?!"
Sumakay na kami sa "CAR" nya at dinrive na papunta sa bahay nila. Habang nagpe-pedal sya daldal sya ng daldal. Sarap tadyakan eh.
"Alam mo bang kulang na lang masira na bike na to kaka-pedal kanina para lang malagpasan agad 'tong part ng street nyo na 'to?! Wala man lang mga ilaw tapos nakakatakot pa!"
"Buti di mo nakita si Anna?"
"Sinong Anna?"
"Yung white lady-ng ligid ligid dyan."
Napabilis bigla pag-pedal nya. Natakot ko ata. Duwag pala tong hayop na to eh! Hahahahaha
"Hoy wag ka ngang magbiro, baka multuhin tayo nun tapos mabangga tayo edi patay tayo!"
"OA mo brad. Bike lang to oy. Anong ikakamatay natin dito?!"
"Si Anna."
"Gago!"
"Lipat na lang kayo ulit doon sa street nyo date. Doon sa amin, para di nakakatakot!"
"Ano ka hilo? Iba na nandoon! At para lang sayo lilipat kami? No way nigga!"
"Whatever. Basta ako umaga na lang ako pupunta sa inyo!"
"Eh bakla ka pala eh. Duwag na baklita! Eh nagbibiro lang ako-- Wag mo ngang bilisan para ko mahuhulog eh!"
Gago talaga! Feeling ko maiihi na to sa short sa sobrang takot eh. Dahil sa mabilis nyang pagpedal, nakarating agad kami sa bahay nila ng wala sa oras. Hindi na siya dumaldal tapos nakita ko yung lalaking may-ari ata ng bike, tapos binigay na ni Vinn yung bike. Walang hiya talaga. Sa mangba-balot pala yung bike tapos di man nagthank you!
Pagpasok namin sa loob ng bahay nila, bumungad sa harap ko si Mamoo na halata na talaga ang mga wrinkles sa mukha pero feeling young pa din. Wag ka! Maarte kaya itong si Mamoo! Pero chena na, nakipag-beso-beso na ko saka ngumiti. Sana natatandaan nya pa ko. Ako kaya yung pretty girl next door nila noon!
"Hi hija. Ikaw yung kaibigan ni Ving nung bata bata nyo pa diba? I never knew na magkakatotoo ang hinala naming lahat noon!"
"Ha? Ano po?"
"Nevermind, hija. By the way, nandito din si Sofia. Tara kain na mga ija, ijo. Ready na ang mga pagkain. At marami pa tayong pagke-kwentuhan."
Nginitian ako ni Mamoo. I dont know kung totoo yun o ano eh. May dating kasi si Mamoo na nakaka-intimidate!
Pagtalikod ni Mamoo, tinignan ko agad si Vinn na nakatingin din pala sa akin. But he just shrugged.
Bahala na lang talaga si batman na nasa labas ang brief tonight!