Cygnius5- Pet

223 11 0
                                    

Zenoide's POV

Tumatakbo lang ako ng tumatakbo,nakukuha ko ang atensyon ng mga Fairy na nadadaanan ko pero wala akong pakialam, at dahil patuloy silang sumusunod ay doon nabuo ang isang plano.Tumakbo lang ako ng tumakbo dahil kapag tumigil ako ay siguradong sa Resurrection House na ako pag-gising ko dahil sa dami ng fairy na to ay di ko na maiiwasan ang mga atake nila.

Tumakbo lang ako at ng masigurado kong 6 meters away na sila agad akong naghanap ng punong may malaking sanga na natatakpan ng dahon na pwedeng pagtaguan at ng makakita ako ng isa ay agad akong umakyat ako sa punong iyon, at pagkaakyat ko ay umupo sa sanga, hindi naman nila ako napapansin dahil may mga dahon na nakatakip sa pwesto ko.Inabangan ko lang ang horde ng mga fairies na ang bilang ko ay nasa mga 18 sila na sumusunod sa akin at ng dalawang metro na ang layo nila ay binanat ko ang pisi ng pana ko.

"Bomb Arrow!"sigaw ko upang ma-activate ang aking skill,maya maya ay may magic na dumaloy sa arrow at may nabubuong bilog sa itaas ng tulis ng palaso ko at ng sapat na iyon ay pinakawalan ko na ang pana at...

"Boom!"isang malaking area ng Green Forest ang sumabog kasama na roon ang 18 fairies na humabol sa akin,nahulog ako sa puno dahil sa lakas ng pwersa na galing sa pagsabog na kahit na 2 metro ang layo ko sa pagsabog ay naapektuhan parin ako.Agad naman akong nakarinig ng isang notif galing sa babaeng laging nagsasalita kapag may notif ako.

Leveled up to 3...Now your Lv.21!

New Skill
(Death Rain-a rain of arrows will come out and kill your enemies.Area effect Duration:5s Mana:500 Power :200 Cooldown: 40s)
Passive Skill
(Power Boost-Increases your damage by 30% when your life is down at 25%.

Napangiti ako sa narinig ko.Sa ngayon nasa harap ko ang mga loot items na nakuha ko sa mga fairy ,bumaba na ako ng puno at kinuha lahat ng loot na karamihan ay fairywings na maibebenta mo sa mataas na halaga,kaya pagkakuha ko noon ay tinignan ko ang paligid dahil may ilang puno ang nasira dahil sa pagsabog na nangyari.

"Help!"isang sigaw ang nagpatigil sa akin at napagtanto kong kailangan ko palang iligtas ang bata agad na napalitan ang ngiti ko nang pagalala,kaya napatakbo ako at ginamit uli ang enhanced eyesight para makita ang batang lalaki at nakita kong hinahabol na sya ng anim na bear na sigurong nakaagaw ng pansin dahil sa paghabol ng isang bear.

Malapit na lang ang batang lalake sa akin at ito ay 40 meters na lang mula sa akin.Kaya naman lalo ko pang binilisan ang takbo ko,at ng malapit na sila sa akin ay ginamit ko ang bago kong skill na Death Rain at umulan ng mga blue flame arrows na parang fireworks na bumabagsak diretso ito sa anim na bears.May nagnotif na naman sa akin.

Leveled up to 2...Now your Lv. 23!

At ng masigurado kong wala na ang mga bears ay bumaba na ako at nilapitan ang batang lalake na susi para matapos ko na ang quest ko.

Pero pag-iniisa isa mo ay mas mafefeel mo yung pakikipaglaban.

"Who are you?"tanong ng batang nanginginig pa rin sa takot.Nginitian ko sya tsaka sumagot.

"I'm here to save you."tipid kong sagot.At nakumbinsi ko naman agad sya at sumama na sya sa akin.

"Come on follow me,I'll bring you back to your sister. "sabi ko para matapos na ang quest na ito.

Ranking Quest:Cygnius OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon