Cygnius2: Game Start!

330 19 1
                                    

Fire's POV

Lumipas ang mga araw ay naging okey naman ang lahat.Naging busy kaming lahat na kasali sa beta testing at dahil matagal ring mawawala ang kompanya namin ay naging busy rin ang mga katrabaho ko pero di naman sila umaangal dahil makakabawi rin sila ng pahinga sa apat buwan nilang bakasyon.Pero maraming nangamba sa gastusin nila sa apat na buwang walang trabaho pero nasolusyonan na ito ni Sir Acosta.

Nasabi ko na din kay Mr. Acosta na hindi ako makakasama sa kanila dahil sa pagiging Elite Gamer ko pero kinonsider na nya iyon dahil alam nyang kasali ako sa Elite Gamers.

Tumigil na rin ang mga death threat pero hindi ko na yun masasabing ganun dahil nung pinag-aralan kong mabuti ang mga sulat-na kahit sinunog ko na lahat, ay naalala ko pa ito dahil sa talas ng memorya ko,meron kasi akong retentive memory o yung madaling makapagkabisa ng mga bagay-bagay at hindi agad nabubura sa isip mo.

At nalaman ko na parang warning lang sa akin yon sa gagawin sa future o baka gusto nyang iwasan ko ang mga plano nya,siguro nga ay naging OA ako sa mga sulat nayon dahil sa dugo-ng isang tao,oo tunay na dugo yon dahil sa amoy kaya naman natakot ako nung una kong nakita.

Hindi ko na uli ito binigyan ng pansin at kinalimutan lahat ng yoon.

At sa ngayon,3 weeks na lang before the beta testing ay halos umabot na ng alas dose kami sa opisina dahil sa daming paper works,ang iba naming katrabaho ay pwedeng umuwi ng maaga dahil pwede nilang gawin sa bakasyon nila ang trabaho nila.

Kami namang walo except kay Boss ay hindi na malaman kung ano ang uunahin dahil marami na kaming ginagawa ay dinadagdagan pa ni Sir pero ang sabi ni sir ay 2 weeks na lang daw namin ito gagawin dahil ayaw nya na puyat kami pag dating sa laro kaya meron kaming isang linggong pahinga at paghahanda.

Pero hindi dahil marami kaming trabaho ay wala na ang kulitan at tawanan namin,syempre nandyan ang isip batang si Wace at ang malokong si Xiro nawawala ang stress at pagod naming lahat sa tuwing humihirit si Xiro at Wace ng mga corny jokes nila.

At dahil doon ay di na namin namalayan na unti unti na naming nauubos ang mga paper works namin.

Hanggang sa natapos na namin ito sa loob ng isa't kalahating linggo,tsaka kami pinahinga ni Mr.Acosta.

Naghanda na rin kami ng mga dadalahin namin doon dahil limang buwan rin kami doon maglalagi.

★★†★†★★

Ilang araw na ang lumipas at lahat kami ay handa na dumating na ang araw ng beta testing .Kaming lahat ay excited pero yung iba kinakabahan dahil kompirmado ng Diemans Crest Corporation na may prize nga ang mga makakapasok sa Rank 100 sa single ranking at sa couple ranking ay 100 rin pero hindi pa pinepresyuhan ng Diemans Crest Corp. ang prize.

Nasa byahe na kaming lima papuntang OIA yung Ong International Airport,property kasi yon ng Diemans Crest Corporation laging doon ang sinasakyan naming lima pag meron kaming game events na pupuntahan sa ibang bansa dahil ang Diemans Crest Corp. ay ang Top 1 sa International Game Maker at hinfi lang dahil marami silang larong nagawa kundi sa ganda ng graphics na larong ginagawa nila.

Anyway,tahimik na naman sa byahe,all the time dahil lagi silang may sariling mundo makakausap mo lang sila sa mga events namin.

Si Delle ay tulog habang may traveling  pillow at nakasuksok na earphones sa tenga,
Si Warge ay nagbabasa ng libro na lagi nyang ginagawa.Mahilig kasi sya sa Wattpad stories eh,meron syang dalawang shelf sa kwarto nyang puro wattpad books.Si Xylla ay naglalaro ng isang RPG game na laro.At si Phire ay prenteng nakaupo lang sa gilid at nakatingin sa labas ng sasakyan,aakalain nyong isang barkada kami at magpupunta sa malayo dahil sa mga kasama ko.

Ranking Quest:Cygnius OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon