Cygnius6- Hive Queen

216 7 8
                                    

Zenoide's POV

Sumugod na yung gnome na kanina kong sinipa at lahat ng gnome,tsk kung pwede ko lang gamitin ang death rain ubos na to,kaso madadamay ako kapag gumamit ako nuon dahil sa bilis ng mga forest gnomes ay baka mahabol nila ako kapag tumakbo ako.

Patuloy sila sa pag-atake habang ako ay umiilag at sumusuntok,pang long range lang kasi ako kaya hindi ko magagamit ang pana ko dahil sa lapit nila sa akin.

Sinuntok ko sa tagiliran ang isang gnome habang ang isa ay sinipa ko sa ulo,umaatake lang ako ng umaatake at di ko na alam kung saan iyon tumatama.

Isasaksak sana sa akin ng isang gnome ang piko na hawak nya ngunit kinuha ko ito at inagaw sa kanya tsaka ko pinasak sa ulo ng isang gnome na may hawak na rake na dahilan para mabutas ang ulo nito pero wala lang ito sa kanya dahil bumaba lang ng konti ang buhay nito.

Sinipa ko yung gnome na nasa kaliwa ko papalayo tsaka sya tinira ng pana ko ng medyo malayo na siya,di ko naramdaman na may gnome sa tumalon ng mataas tsaka sinipa ang ulo ko sa likod,tumalsik ako dahil sa atakeng iyon at dahil din doon ay sunod-sunod silang umatake at dahil sa bilis nila ay di ako nkatayo ng ilang segundo.

Ng napagod sila ay duon ako kumuha ng pagkakataon na tumayo at uminom ng healing potion,mabilis lamang silang magcooldown dahil hindi nila binubuhos ang lakas nila sa laban.

Sasaksakin ako ng rake ng isang gnome pero sinipa ko ang ulo nito para mapaatras siya at sipain sya sa tagiliran.Sinuntok ko yung gnome na nasa harap ko habang yung isa na nasa kaliwa ko ay siniko ko.

Kinuha ko yung ulo ng isa na nasa harap ko at hinampas sa gnome na nasa kanan ko,hindi naman nabasag ang gnome pero nahilo lang ito.

Sinipa ako ng gnome na may hawak na itak sa tyan pero nakuha ko ang paa nito at dahil magaan sila ay  umikot ako hawak ang isa nyang paa kaya ang mga gnome na nakapalibot sa akin ay napaatras ko ng konti.

Tumakbo ako palayo ng pero hindi ganoon kalayo,binanat ko ang pisi ng pana ko at isa isa silang tinira ng tigdadalawang palaso,nabasag yung ibang parte ng mga tinamaan ko dahil babasagin lang sila ngunit ibang klaseng glass ito dahil class c ang glass nito na maibebenta sa mataas na halaga.

Patuloy lang ako sa pagpana hanggang sa makatayo na sila,yung iba ay wala nang paa at kamay kaya nagulat ako ng bigla na lang silang nagsama-sama,umilaw ang katawan nila at unti-unti silang lumaki at maging isa.

Isang malakimg gnome ang bumungad sa akin,parang mga nabasag na bagay na pinagsama ang katawan nito.Ginamit ko ang keen eye para masuri ito.

Lv.29 Giant Gnome(an evolve form of Foest gnome)

When a gnome see other gnome broken they help it by forming them into a giant gnome.Their speed become low but their fragile skin become thicker so their defense increased.

Loot items:
7 gnome shard
390 pelf
830 experience

Ngayon ko lang nalaman na nageevolve pala ang mga monsters dito.Ibg sabihin ay pwede ring magevolve ang mga pet!So may iba pang appearance si Pyr.

At dahil mabagal na ito ay tumakbo na ako,sumunod naman sa akin ang giant gnome at lahat ng punong madaanan nito ay nababali.

At dahil medyo mataas ang speed ko ay nagawa kong makalayo ng ilang metro kaya ginamit ko na ang skill ko na Death Rain.

Ranking Quest:Cygnius OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon