Cygnius3- Zealous Hydras

187 11 0
                                    

Zenoide's POV

Leveled up to 3...  Now your Lv. 5

You've learned a new skill (Freezing Arrow-it freezes your enemy and become coated by an ice.Single Target Duration:20sec Power:-- Mana:150 Cooldown:20s

New Ability unlocked (Multiple Arrows- ability to shot three arrow at ones just put your fingers to the string,one finger,one arrow.Mana:50/per arrow.)

Sambit ng isang tinig ng babae na tanging ako lamang ang nakakarinig.
Ayos,level five and a new skill mukhang mas maganda atakihin ang mga matataas ang level na monster na nagkalat, tinignan ko ang paligid at karamihan sa mga monster ay puro mababa ang level kaya ng naghanap pa ako ng iba pa at nang may maispatan akong isang Level 8 Black Lizard,ang katawan nito ay nababalot ng mga itim at ang armor nitong isang Class E dahil tela lamang ito at ang mga pulang mata nila,mataas ang level at Rank  at paniguradong marami akong makukuhang items dito kaya di ko na ito pinalampas at tinira ng pana para kunin ang atensyon nito.

“Eeeeekkkk!”galit na galit na ungol nito nang matamaan ko ito sa braso na dapat na sa ulo dahil sa likot nito pero luminga-linga lamang ito.

Tsk,mukhang di ako nakita,kaya binanat ko uli ang pisi ng aking pana at umilaw ang korteng palaso dito,di ko na kailangan ng isang arrow holder para sa lalagyan ng arrow dahil sa orb na source ng magic namin ay bawat banat ng namin sa pisi ng pana ay lumalabas ang palaso na gawa sa ilaw pero hindi ibig sabihin nito ay unli na ang gamit nito nababawasan rin ang aming Magic Points (MP) at hindi mo pa magagamit ang magic mo,kailangan mo lang hintayin na mapuno ang MP bar mo.

Tinamaan naman uli ito sa likod at lumingon na sa direksyon ko,buti naman akin ka na butiki baka makuha ka pa ng ibang players eh,sabi ko sa isip ko at agad naman itong sumugod sa akin,ang kakaiba lang sa Black Lizard na to ay sila nakatayo,kaya habang papalapit sya sa akin ay  ginamit ko ang Freezing Arrow ko para maging steady sya at makatira ako ng hindi nababawasan ang HP ko.

At nang  maitira ko ang Freezing Arrow ay agad itong na froze kaya ginamit ko ang bago kong ability,pinatong ko ang tatlong daliri ko sa pisi at pinakawalan ito,tumama ang dalawa sa dibdib ang isa sa ulo kaya naman agad naging pula ang HP bar ng Black Lizard,patuloy lang ako sa pag-atake ng bigla akong mag-cooldown at eksaktong nawala ang epekto ng Freezing Arrow dahil 30 seconds lang ang epekto non,gumalaw na ang Black Lizard,45 seconds ang cooldown ko at ngayon ay 40 seconds pa ang kailangan kong oras para matapos ang cooldown ko kaya wala ako nagawa kundi ihataw ang pana sa tumalon na Black Lizard.

Pero may force na nagpatalsik sa akin kaya napaatras ako at nakita kong may force field na nakabalot sa Black Lizard na pumuprotekta sa kanya na  siguro ang skill nya.

Ginamit ko ang ability na meron lahat ang players,ang keen eye,gamit ang ability na to kaya mong makita ang description ng monster at yung skill nila and kapag sa players makikita mo ang Stat and Guild name ng sinalihan nyang guild,kung anong class sya at ang skills nya.

Kapag sa monster ka tumingin ng hindi ginagamit ang keen eye ay ang makikita mo lamang ang kanyang HP bar at sa taas ang name and level and Rank.Ang isang monster ay may tig-iisang skill at isang atake.

Ranking Quest:Cygnius OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon