#HUGOT5

35 2 0
                                    

MISS.A's POV

tatlong araw akong nag hintay, tatlong araw akong nakatulala, at tatlong araw akong umaasa sa buntong hininga..

Hayy! ang hirap naman ng ganito masyadong nakakaloko.

"Miss meron bang ongoing book si Love Guru?" tiningnan ko ng maigi ang nag tanong, kinurap ko pa ang mga mata ko. Did i just saw him? At sa pag mulat ko nakita ko ang isang matangkad na lalaki na kung sa unang tingin ay kahawig nya nga talaga. Bat ba sya ang hinahanap ng paningin ko?

"Wala pa. Wala akong nababalitaan na may bago syang book" ngumiti ako ng mapait sa kanya. Kahawig nya talaga pero mas gwapo yun. Tsk

"Ganon ba? Nabasa ko na kasi lahat ng libro nya. Sana mag sulat sya ng bago." Kemeduu? Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa, hmm wala sa itsura nya na nag babasa sya ng mga Love book.. Hey don't get me wrong masyado kasi sya neat and handsome kung makikita nyo, parang boy next door,well pag dating talaga sa love walang pinipiling tao. He wear a simple navy blue V line Shirt, a simple short and a pair of vans.. and oh a shades.

"Ganun ba? Nabasa mo na ba yung bagong published nyang book na Nasaktan kaya Humugot?"

"Whoow. Hindi ko pa nabasa yan." Tamo! Kemedora nga itu..

"Ya."

"Ok ill buy one." Ngumiti sya sakin at tinitinitigan ko sya, did i missed something? Sabi nya lahat daw ng libro ni LG nabasa nya na pero hindi pamilyar sakin ang muka nya. Hmm.

"First timer ka ba dito?" Ani ko na sinagot nya naman agad.

"Yes!" Ang sagot nya sakin ay ikinataas ko ng kilay.

"Hey,whats with the look?"

"Sabi mo lahat ng libro ni LG nabasa mo na, e ito lang naman ang branch ng LG Book store e. hindi pamilyar ang muka mo sakin"

"Aaa. Lagi kasi akong nag papabili sa kaibigan ko, do you remember atonio dela vega? His my bestfriend slash personal assistant" nakangiti sya sakin at talagang nang kukumbinsi ang ngiti nya na maniwala ako.

"I remember. Si kuya tonyo ang sinasabi mo at suki nga sya dito" ngumiti rin ako na pinapahiwatig na naniniwala ako sa sinabi nya.

"Exactly. Ahm. Dun ba yung section ng sinasabi mong new story ni LG?" sinundan ko ang tinitingnan nya mula sa hagdanan na tanaw ang mga book shelf ng mga libro at may ibat ibang section. Kahit na sa baba ako ay tanaw parin ang taas na pinaglalagyanan nito.

"Oo dyan nga"

"Oh. Sige ako nalang mag hahanap nung bagong libro" tumango ako bilang sagot at nag lakad na sya papunta ron, kung titingnan sya mula dito muka syang model na nag lalakad at sobrang proud na napaka gwapo nya.

"Girl ang gwapuu ni kuya!"

"Ay.uu girl! Umaygash talaga! Makalaglag vagina!!"

"Hahaha, wilab ka girl! Penny ang meron ka! Hindi vagina"

"Kung makalaglag! Bakit ba. Baka maka lusot pa! Hihihi"

At namatay sila sa angking ka landian! Haha joke lang, mga gossip girls na ito.

"Magandang magandang magandang Pag ibig sa lahat! Naririto kayong muli para makinig sa aking salita! Haha ako si Love Guru ang inyong magandang lingkod! At ang ating hugot for today!

Kapag naguluhan ka sa isang bagay at nag dalawang isip ka pa sa bagay nayun, wag na wag mo ng ituloy dahil hindi ang kutob ang mag didikta sayo kundi ang nararamdaman mo. "

Tama sya, tamang tama ang timpla,tamang tama ang lasa para sa nararamdaman ko ngayon.

"Wala akong babasahin na letter ngayon guys! Kukuha ako ng isang ma swerteng caller na mabibigyan ng chance na makausap ko ngayon. Ok simulan na natin!!" Nagulat ako sa sinabi nya. Ano to? Mukang bago ang segway nya ngayon.hmm. interesting..

"Kring kring kring kring! Telepono yan guys. Hahaha ow.. Heloo! Hi!"

"Hello.. Love Guru?" Ang boses nayun. Sobrang pamilyar

"Ay. Ang seryoso ni koya! Hi kuya. Ako nga ito si Love Guru ano ba ang maipaglilingkod ko sayo?"

"Ahm. I dont know what to say, im one of your fans by the way"
Ang boses nayun.. Arthur lumabas nalang bigla ang pangalan na ninais ko na wag nalang marinig.

"Ow. Thankyou kuya caller! Ano pala ang pangalan mo?" Matagal na katahimikan ang umalingawngaw mula sa linya at ang mga nakikinig sa store ay nag hihintay rin ng isasagot.

"Ahm. Arthur Ferrer... Call me Arthur"
Gustong gusto ko ng patayin ang radyo ngunit hindi sumasang ayon ang nararamdaman ko. Deep inside alam kong hinihintay ko rin ang isasagot ni LG.

"Toot..toot..toot" ngunit isang naputol na linya nalang ang narinig ko sa linyang iyon.

"Ohmygad guys. Sorry may kunting problema lang sa landline, Sa ngayon mag bibigay muna ako ng makabagbag damdamin na kanta." At nag simula na ngang tumogtog ang Jar of Hearts .. Masakit parin pala talaga. Masakit pa.

"Bakit kaya nag kaganun no? Ang ikli naman ng exposure ngayon ni LG"

"Bake EX niya bakla! I smell something fishy."

"Ex is coming back to town ang peg. Hahahaha"

Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ng mga nakikinig itinuon ko nalang ang pansin ko sa pag aayos ng bagong deliver na libro, ganun naba ako ka manhid para wag nalang bigyan pansin ang lahat? Pwede ba nag mo-move on na nga ako dito oh! Nag sisimula na ako ng bagong buhay tapos guguluhin nanaman ako ni kupido! Para ano? Para saan? Para kumapit na nanaman at bitawan? Para umasa nanaman at masaktan? Ganun ba ang gusto nya? Ang hilig nyang mag laro ng pana panaan ang matamaan masasaktan!

"Miss. Bibilhin ko na to" napa lingon ako sa nag salitang yun. Hinayaan kong sumilay ang pekeng ngiti na kumawala sa labi ko.

"175 pesos mister" at katulad ng nakasanayan pag first timer binibig yan ng papel ang lahat para mag karoo ng chance ma meet si LG.

"Pangalan at number ilalagay dito diba?"

"Yes mister" Alam nya naman pala diko na kailangan ipaliwanag. Tumango lang sya at nag sulat pagka abot ko sakanya ng bayad ay binigay ko narin ang binili nyang libro.

"Alam mo maganda yung nabasa ko sa libro ni LG.. Ang magandang ngiti na maibibigay mo sa isang tao ay ang ngiting maibibigay lang sayo ng taong mahal mo.. Yung ngiti mo kakaiba, masakit pa ba?" Hindi ako nag salita, inabot nya ang papel sakin at tumalikod na naka ngiti. Masakit pa ba? Masakit pa. Masakit pa pala. Dahil hanggang ngayon mahal ko pa sya. Tiningnan ko ang papel na nag lalaman ng pangalan nya.

Ang lalaking yun. Masyadong tuso.. Natawa ako sa nakita ko. Atleast hindi ako naging malungkot mag hapon..

Salamat sa Estrangherong iyon at sa taong isinulat nya sa papel na ito. Ngumiti ako.

"Evan Jin Smith" nag balik ka. Sa katauhan ng iba.

Nasaktan kaya HumugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon