Simula

107 3 0
                                    

Isang malalim na buntong hininga ang napansin ko mula sa isang babaeng nag hahanap siguro ng love life, mula sa kaliwa  nakita ko ang isang lalaki na naka tulala lang sa daan, siguro na busted kaya ganyan. Hahaha

Ang sama ko na. Anyway ito namang baklang sa harap ko masyadong masaya, buti pa to magaling mag tago ng nararamdaman kaya sa tawa dinadaan, ito namang dalawang mag katabing ito hmpp! Mag be-break din kayo! Tapos iiyak ka, ngangawa tapos lalapit ka kay Love Guru para humingi ng advice at sasabihin lang sayo ay Girl! Masarap maging Single! pero syempre hindi ka maniniwala sakanya dahil ang alam mong paraan ay ang pag ibig lang ang tanging rason para mabuhay kang muli.

Love Guru, ma higit benteng taon na po akong mag isa sa buhay, gusto ko naman po mag karoon ng pag ibig yung mag aalaga at mag mamahal sakin habang na bubuhay ako.

LGuru : Girl! Hindi minamadali ang mga bagay bagay baka sa sobrang pag mamadali mo mapunta ka saiba ang masaklap pa hindi ka nahulog sa taong mamahalin mo kundi sa taong ikaw lang ang mag mamahal sa relasyon nyo. Love wait's ika nga. Hindi mo mararamdaman ang tunay na pag mamahal dahil ginusto mo lang o hiniling mo lang. Darating din yan sayo, Hindi man ngayon pero sa tamang panahon.

Iba talaga ang words of wisdom ni Love Guru iba yung advice e, kahit maganda pansin mo paring may hugot. Nasaan na nga pala ako? Ah. Nandito lang naman ako sa Book Store ni Love Guru at yung nakita ko kanina may mga hawak na libro nya at  sa tingin ko natamaan talaga sila.

"Bakit kaya hindi nag papakilala si Love Guru Beb?"

"Yun ngarin pinag tataka ko e, ang alam ko kasi laging naka private ang book signing nya kaya walang nakakakilala sa kanya, meron pala nun?"

"Oo nga e sayang naman, ok lang maganda naman mga books nya diba? Kaya nga dito tayo nag ka kilala. Yieee me is so inlove talaga sayo beb! Mwa"

"Sana makilala natin sya, gusto kong mag pasalamat dahil sya naging daan para makilala kita."

Pwede ba! Nag mo-move on ako oh! ang pait naman nun. gustong gusto ko talaga mag masid ng mga tao tapos kakalkulahin ang mga bagay bagay pati narin ang sarili ko. Sino ako? Ako lang naman ang sales lady ng LG Book store, all around din ang trabaho ko. Ako ang nag lilinis,ako nag aayos, ako ang taga tingin at ako rin ang cashier mas kilala ako sa pangalang...

"Miss.A mag kano po lahat?" Yes. Yan ang tawag nila sakin at ang nasa harap ko ang die hard fan ni LG (wag kayong maingay bitter rin kasi yan) Hahaha

"1,200 lahat. Mukang marami ka nanaman matututonan kay LG at baka humilom narin ang sakit na nararamdaman mo." Ngumiti ako sakanya at mukang tama ang inaasahan kong reaction na ibibigay nya saakin.

"Ako'y tigilan mo Miss.A ha! Matututo ako sa mga pangaral ni Love Guru pero yung sakit? Hindi parin nababawasan" at yun na nga, umalis na sya na may munting luha sa mga mata. Hay naku!

Bakit nga ba kailangan nating makilala ang taong hindi naman naka takda para satin? Sa tingin ko, para malaman kung ano dapat ang tamang timpla na pwede mong ibigay kung papasok kaman sa isang relasyon. Merong pait at meron ring tamis in between kailangan paring timbangin ng gatas o krema ang lasa para malaman kung ano ang halaga.

''One should know the importance of being inlove, Dapat alam mo kung ano ang dapat,kung para saan ang ano at kung pano ito. Co'z when you start to fall you'll start to die.''
-Love Guru

Malalim. At tamang tama lang para sa nararamdaman ko.

--

Whaa! Sana may maka discover ng Story ko. Pero itutuloy ko parin to no matter what. Choss! HAHAHAHA Sana talaga may maka basa. Maraming salamat nga pala kay Author alerayve

Nasaktan kaya HumugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon