#HUGOT6

22 2 0
                                    

MISS.A's POV

Isang panibagong araw para sa panibagong nararamdaman na gusto kong makamtan. Napansin kong masyadong malaki ang tahanan na sinisilungan ko. Tama, masyadong malaki ang tahanan na ito para saakin na nag iisa lang.. Hindi ko mabilang kung ilang sulok ba ang tahanan ko, mula sa isang Villa de lamera na matatagpuan ang malalaking bahay na pag mamayari ng mga taong nakakaangat sa buhay na kinabibilangan ng pamilya ko ay ang tahanan rin kung saan nag mula ang pinaka masayang pangyayari hanggang sa pinaka masakit na katapusan, Ilang taon narin ang lumipas pero ramdam ko parin yung sakit, Ramdam ko parin ang alaala na kahit ang maong kong pantalon ay kumupas na hindi kasama dun ang saya ng pag sasama. Huminga ako ng malalim at mas pinili ko nalang mag almusal muna, naalala kong wala pala akong pasok ngayon. Salamat naman makaka dalaw ako sakanila.

Pala isipan parin sa akin ang nangyari kahapon gusto kong burahin o ibaon nalang ulit sa limot katulad noon ngunit napag tanto kong hindi yun magiging magandang solusyon, tatakasan ko lang ulit ang nakaraan kung gagawin ko yun. Hahayaan ko nalang lumipas ang lahat at pag dumating ang araw na kailangan ko harapin ang lahat dun nalang muli ako mag iisip ng panibagong paraan.

"Magandang umaga Ija mag almusal kana.." nagising ako sa malalim kong pag iisip, ngumiti ako kay manang katulad ng palagi kong ginagawa ang Pag kukunwari..

"Goodmorning Manang! Kamusta po? Ang aga nyo naman ngayon at nag abala pa kayong mag luto ng agahan.." ngumiti ako kay manang at inamoy ang mabangong luto nya.

"Ano ka ba ija ayos lang yoon, ikaw lang naman ang mapilit na hindi na ako masyadong mag lagi rito" naka ngiti si manang ngunit ang mga mata nya ay malungkot, nilapitan ko sya at yumakap.

"Manang naman, alam nyo naman po na malaki na ako at sa tingin ko oras narin po para mga anak at apo nyo na ang alagaan nyo pwede naman po kayo dito dumalaw kahit anong oras." Masyadong madamdamin si manang at iyakin kaya naman palagi ko syang nilalambing pag bumibisita sya sakin..

"Alam ko naman yun ija, Ang kaso lang nangako ako sa mama at papa mo na aalagaan kita kahit na may mga anak kana rin" ngumiti ako ng malungkot kay manang at sumobsob nalang sa kanang braso nya.

"Manang naman! Hahaha hayaan nyo ng ako naman ang bumawi sainyo. Alam ko naman na mom and dad would probably proud of me because i can stand on my own and ofcourse its my turn to pay you.. we owe you alot manang" pinalo nya ako sa kaliwang braso, tama lang para maramdaman kong buhay pa ako.

"Ikaw talagang bata ka, hindi mo naman kailangan gawin yun ginagawa ko lang naman trabaho ko. Pero salamat sayo ija, Sa lahat ng tulong mo." Kaya bago pa umabot sa iyakan inalok ko na si manang kumain ng agahan.

After ng breakfast ramdam ko paring may kulang. Ano kaya yun? Well i guess, i need to indulge myself just for today. Bumalik ako sa kwarto ko para mag ayos, nakakasakal talaga ang lugar kapag nag iisa kalang. Sinimulan ko na ang dapat simulan, At tinapos ko na ang dapat tapusin. bumaba narin ako para mag paalam.

"Manang! Alis muna ako ha. Dadalaw lang ako kay Mommy at Daddy, paki sara nalang po ang bahay pag uuwi na kayo." Hindi na ako lumapit kay manang dahil alam kong abala nanaman sya sa pag aayos ng bulaklak na iniwan ni mommy.

"Oh sige iha. Mag iingat ka, ikamusta mo nalang ako sakanila!"

"Opo manang! Babye" alam kong umiiyak nanaman si manang. Hay.

Nag taxi nalang ako para mas maramdaman ko ang daan na tinatahak ko.

"Manong paki daan naman po sa Flowera de shop" Bibili muna ako ng regalo para sakanila. Malapit lang naman kaya mabilis kaming naka rating..

"Sandali lang manong ha." Tumango lang si manong kaya lumabas na ako para bumili.

"Ate Cindy, Dating order po" Ngumiti si ate cindy at kinuha na ang bulaklak na kailangan ko.

"Haynaku! Ikaw na talaga ang suki ko. Hahaha" Tumawa lang rin ako at nag paalam na. Bumalik na ako sa taxi para makapunta na agad ako sakanila..

"Kuya sa Sun Rise po tayo" Tumango lang si kuya at pinaandar na ang sasakyan. After 20 minutes nakarating narin kami, binigyan ko ng 500 peso si manong bago nya paandarin ulit ang sasakyan nya. Tiningnan ko lang ang paalis na sasakyan ni manong. Hindi pa pala talaga ako sanay maiwan.

Tumingala ako at binasa ang nakasulat sa taas.

"Sun Rise,Home of God"

Nasaktan kaya HumugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon