#HUGOT 9

19 1 0
                                    

MISS.A's POV
I deserve your apology but you don't deserve my forgiveness.
-Miss.A

"Patchie" kagaya ng dati tinawag nya akong muli sa aking palayaw, ang kapal ng muka. Paano niya nasisikmurang tawagin ako ng normal na parang walang nangyari. Ang sarap sampalin ng mga taong ganito.. Pinakalma ko ang sarili ko upang hindi nya mapansin na apektado parin ako kagaya ng dati.


"Anong kailangan mo?" Mahinahon kong tanong at naupo narin sa sofa ng sala.

"Gusto lang sana kitang kamustahin. Matagal din tayong hindi nagkita.. Patchie" ani nya.

"Ganun ba? Ang sweet mo naman para puntahan pa ako dito para lang kamustahin Kuya." Kung mapait ang ampalaya mas mapait ang binitawan kong salita. Hindi siguro sya nakapag handa kaya ganon nalang ang naging reaksyon nya at hindi nakapag salita, Tumayo at ako ngumiti sakanya..

"Gusto mo ba ng Juice? o Tubig?" Alam ko ang paborito nya ngunit pinilit kong wag isali sa mga pag pipilian.

"A-ah. Ano. Aah. Ano nalang, yung ano.." natawa ako sa inakto nya dahil muka na syang nadudumi sa kaka ano nya.

"Ano? kung nadudumi ka nandun ang cr." Tinuro ko sakanya ang hagdan kung saan may nag iisang kwarto sa itaas.

"Kwarto mo naman yan kaya pwede mo parin gamitin." Tumingin sya sakin na napapantastikuhan. Mag sasalita pa sana sya pero mas pinili kong tapusin at tumalikod na, masyado kanang maraming ginawa para iwanan kita ng ganito kadali kaya naman sana maisip nyang hindi nya ako masisisi.


"Patchie, sandali!" Tumigil ako pero hindi ako lumingon.

"Pumunta lang ako dito para kamustahin ka at humingi ng tawad. Pagod ka siguro kaya mauuna na ako, babalik nalang ako sa susunod." Gusto ko sana syang sagutin na, Pagod ako? Tama ka. Napagod nalang ako. Ngunit nanatili akong nakatalikod at naramdaman ko nalang na niyakap nya ako mula sa likuran.

"I miss you patchie" nung wala parin akong kibo ay umalis narin sya.

Hanggat sa maaari ayokong bigyan sya ng dahilan para tanggapin kong muli. Gusto ko naman piliin ang sarili ko ngayon katulad ng pag pili nya sa sarili nya nung mga panahon na hindi ako makabangon. Sapat na sigurong dahilan ang Pagod ko para bitawan at kalimutan na ang lahat ng dahilan kung bakit ako nadapa noon, Mananatili sya ngunit hindi ang ako ngayon.

Ang hirap mag patawad lalo na kung hindi pa natatangap ng sarili ko ang mga nangyari, Sapat lang na humingi sya ng tawad ngunit hindi para sakanya ang kapatawaran na maibibigay ko, kung sakali man na may isang tao na nakalaan para sa kapatawaran... Sa sarili ko ibibigay ang lahat na ito.



Author's Note

SUPER SLOW UPDATE :( 20 Comments for next chapter please.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nasaktan kaya HumugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon