#HUGOT 7

32 2 0
                                    

MISS. A's POV

Nilangahap ko ang sariwang hangin na dumadampi sa mga balat ko, masyadong malamig katulad ng nararamdaman ko.
Lumapit ako sa puntod nila na halatang kalilinis palang..

Alisha Ferrer & Arniel Ferrer

"Hi mom,Hi dad! How's life in heaven? Ang daya nyo naman ng iwan kayo agad." Tumigil ako sandali para pigilin ang luha na malapit ng bumagsak sa mga pisngi ko.

"Siguradong papagalitan nyo nanaman ako pag umiyak ako." Tumuwa ako ng mahina para naman mawala ang kunting bigat na nararamdaman ko.

"Alam nyo po bang ang tigas ng ulo ni manang? Manang mana sainyo. Haha wag po kayong mag alala ginagawa ko po ang lahat para alagaan ang sarili ko pati nadin sina manang." Inayos ko ang mga bulaklak na binili ko para mas magandang tingnan ang puntod nila.

"After 5years nag paramdam na po ulit sya dad, Yung anak nyong pasaway pero malambing bumalik na ulit. Ayaw ngalang po sakin mag pakita pero mas maganda nayun para maiwasan ko na ngayon ang sakit." Hindi ko na napigilan bumagsak ang mga luha ko. Masakit pa pala...

"Hindi ko na tatakbuhan ang sakit ngayon dad,mom. Mas maganda sigurong iwasan ko nalang." mas lalong lumakas ang ihip ng hangin sa paligid ko.

"Nakikiramay din po ba kayo sakin?" Tumawa ako sa sarili kong kabaliwan.

"Hayaan nyo po, Ililibing ko na rin ang nararamdaman ko para sakanya, kasama ng sakit at saya na dulot ni.." Arthur Ferrer. napangiti ako ng mapait. Ang pait pait talaga.

"I shouldn't been fall to my half brother's trap. Right dad?" Mapag laro ang tadhana, tama ka dad, Tamang tama ang sinabi mo sakin noon.

Dapat hindi ako naniwala, Hindi ako nakinig, Hindi ako sumunod at Hindi dapat ako natuto sa lahat ng iyon. Isang pagka kamali. Lahat ay pagka kamali.

"I ain't got nothing to him but pain." Ramdam na ramdam ko pa yun ngayon, kahit na alam kong hindi dapat yun ang tamang maramdaman ko.

"Masaya po ba dyan? Gusto nyo po bang dalawin ko kayo? Hahaha Paki sabi naman po kay Papa God na alagaan nya kayo ng mabuti at bantayan nyarin po kami lagi." Maaari rin kayang hilingin na hilumin nya ang bagay na nasa kaliwang bahagi ng dibdib ko ngayon?

"May nakalimutan pala akong ikwento sainyo. Nung nakaraang araw po may lalaking nakakuha ng interes ko. Alam ko naman po na kailangan ko ng mag ingat ngayon lalo na at wala na kayo para pangaralan ako." Panandalian kong nalimutan ang lungkot dahil naalala ko nanaman sya.

"Napaka pursigido nyang makita si LG at gumamit pa sya ng mga taong pwedeng maka tulong sakanya. Haha Mukang baliw na baliw kay LG at.." naiwan sa ere ang sasabihin ko. Ano bang pinagsasabi ko?

"Ah. Hahaha ang gulo ko noh mom? Dad? Haha baliw na ata ako." Ang sarap manapak ng sarili ngayon.

"Pero ang pangalan nya po ay Evan Jin Smith." Pangalan palang ulam na ulam na.

"Paki multo nalang po sya para sakin. Makaligtas manlang ako sa tukso." Hahaha, I told you baliw na ako.

Hindi ko na namalayan ang oras. tanghali na pala? Gusto ko pa sanang manatili pero alam kong hindi na pwede.. Tumayo na ako para ayusin ang damit na nalukot dahil sa pag upo ko at para narin mag pa alam.

"Mommy Bunch and Daddy Bunch, Kailangan ko ng umuwi wag kayong mag alala dadalaw ulit ako. Dahil mahal ko kayo, kaya babalik ako.. " Tumingala ako sa langit at pinalipad ang halik na regalo ko sakanila, Sana umabot yun sainyo mom,dad. Tumalikod na ako at nag umpisang mag lakad.

Haharapin ko nanaman ang Realidad ng mag isa. Salamat sa mapag larong Pag Ibig.

Nasaktan kaya HumugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon