CHAPTER 5
Realize
Margaux's Pov
"Margaux! Gising na."
May naririnig akong sumisigaw sa labas ng kwarto ko. Ang aga-aga e.
"Ano ba Margaux?! Aalis na tayo."
Ay oo nga pala, may outing kami. Ugh.
"Hoy ano ba! Iiwan ka na namin." Rinig kong sigaw ni Kuya.
"Magbibihis na ko!" Sigaw ko.
"Bilisan mo!" Sigaw ni kuya.
"OO NA OO NA!" Sigaw ko.
Tumayo na ako at nagbihis. Binitbit ko na rin pababa yung mga gamit ko para sa outing.
--
"Mag-almusal ka na hija." Sabi ni yaya Sidring pagkababa ko.
Nginitian ko lang siya at nag-almusal na ako. Sila mommy, daddy, kuya at mang Edgar nag-aalmusal na din.
Pagkatapos mag-almusal, umalis na kami. Nag-arkela lang sila Daddy ng van na maghahatid sa amin sa airport. Iniwan kasi yung mga kotse. Bali ang pwesto namin sa van, si yaya Sidring at mang Edgar magkatabi tapos si mommy at daddy, tapos kami ni kuya.
--
Ang boring sa van. Hayyy. Makapag soundtrip na nga lang at mag-twitter. Si kuya kasi, natutulog e. Wala tuloy akong kausap.
Margaux Ravena: On our way to Boracay :) Good morning. Have a great and blessed day.
Refresh ko nga news feed ko. Makikibalita muna ako sa mga tao. Hahaha.
Karla Aguas: Photoshoot again :) Ingat @juamitiongson @von19 @kieferravena and babygirl @margauxravena sa family outing :))) #Morning #TYL
Nico Salva: Medyo boring. Where to go? I wanna have some fun.
Karla Aguas: Samahan mo na lang ako babe @nicobesalva :) Hihi.
Nico Salva: Sige. Text mko @KarlaAguas :*
Kiefer Ravena: Life is too short to focus on the things that you don't like. Off to Boracay. -morning.
Jeric Fortuna: Good morning! Gangam pose #cuuute pic.twitpic.com/nkshddy63
Charmaine Marqueta: "QouteUniversity: Girls never get mad for no reason. It may be over something small or stupid, but there's always a reason."
Paulo Pe: Tinitignan ko po mga pic ni @margauxravena . Ang ganda niya po.
Mareplyan nga 'tong mga to. Haha.
Margaux Ravena: Hi Ate @KarlaAguas ! :) Ingat din, hehe. Thanks. Kuya @nicobesalva , have some fun with ate Karla :)
Margaux Ravena: Who is she @jericfortuna ? Ang cute, hehe.
Margaux Ravena: Gumaganun bessy @charmaine . Hehe. I miss you!!!
Margaux Ravena: Hi @paulope13 ! :) Hehe. Thank you. Good morning. God bless you!
Nagulat ako, biglang sumandal si kuya sa balikat ko. Giging na pala siya.
"Nakakamiss magkagirlfriend." Sabi ni kuya.