Chapter 1: ADMU or UST?

725 12 24
                                    

CHAPTER 1

ADMU or UST

Margaux's pov

"Anak, malapit na magpasukan hindi ka pa rin nag e-enroll. Saan mo ba balak mag-aral?" tanong sakin ni Mommy habang nag a-almusal.

Tama ang basa niyo, hindi pa ako nakakapag enroll, 1st week na ng June. Hindi pa kasi ako nakakapag decide kung saan ko gusto mag-aaral e. Ayoko na naman sa ADMU kasi nagsasawa na 'ko sa environment.

 "Mom, what do you think kung sa ADMU na lang din mag-aral si Margaux?" Singit ni Kuya Kiefer.

 Epal yan e, ayoko na nga sa ADMU. Simula pre-school ako, dun na ako nag-aaral. Nakakasawa kaya.

 "Pwede rin anak na dun na lang din siya para sabay na lang ulit kayong papasok at uuwi." Singit ni Daddy.

 Uggghhh. Kung ilang taon na 'kong nag-aaral ganun na din ung taon na laging kasabay pumasok at umuwi si Kuya. Hindi naman sa ayaw ko kay kuya, pero para maiba lang talaga. Hahahaha. College na kaya ako. 'Di ko na kailangan ng maghahatid at magsusundo sakin. 

"Mom, Dad at Kuya. Ayoko po sa ADMU, Sawang-sawa na 'ko sa lugar na yun. Simula pre-school dun na ko. Sa UST po ako." Singit ko.

'Di ko din alam kung bakit UST nasabi ko e, basta bigla na lang pumasok sa utak ko. Hahaha. Ayos na din yun para malayo sa bahay. Kapag ADMU kasi medyo malapit lang e. Sa Quezon City lang kasi kami nakatira.

 "Ang layo naman Margaux. Siaka delikado dun, baka kung ano pa mangyari sayo dun. Sa ADMU ka na lang." singit ni kuya Kiefer.

Epal talaga 'to forevs.

"Kung delikado dun, edi sana wala ng nag-aaral dun. Tss." Sagot ko sa kanya.

May pagka pilosopo talaga ako, haha. Masanay na kayo.

 "Ewan ko sayo! Bakit ba ayaw mo sa ADMU?! Eh sa UST lagi pang binabaha dun!" tanong ni kuya na medyo naiinis na.

Eh ano naman kaya kung bumabaha sa UST?

 "Eh kasi nakakainis." Sagot ko kay Kuya.

"Bakit may umaaway ba sayo? Bakit ka naiinis?" Tanong ni kuya na medyo nag-aalala.

"Walang umaaway sakin. Naiinis ako kasi makikita ko muka mong panget hanggang school!" Sagot ko sa kanya at nginitian ko siya ng nakakaloko.

Hahaha. Natawa na lang din si Mommy at Daddy. Sanay na naman sila sa walang humpay na pag-aasaran namin ni kuya.

"WHAT?!(capslock talaga, para ramdam niyo ung pagkabadtrip ni Kuya sakin, hahaha.) umayos ka nga diyan! Pasalamat ka nga may gwapo kang Kuya na nagbabantay sayo sa school e." Kapal talaga onti ng pagmumuka neto.

 "Maayos ako Kuya, ikaw lang tong GG diyan e. Gwapo ka? Oo dun sa mata ng mga fan girls mo! Asa ka naman na maging gwapo ka sa paningin ko." Sagot ko sa kanya, haha.

 Gwapo naman talaga Kuya ko e kaso ayoko sabihin sa kanya, baka lumaki ulo e. Haha. Jok jok. Magsasalita pa sana si Kuya kaso biglang sumingit si Mommy. Hahaha. Butinga sa kanya.

"Hay nako! Kayong dalawang magkapatid talaga, hindi nakukumpleto ang araw niyo kapag hindi nag-aasaran. Sige na pupunta na kami ng Daddy niyo sa office. Kiefer, si Margaux ha? Margaux, baby text me na lang kung saan mo gusto ha? Dapat this week nakapag enroll ka na. I love you." Bilin ni Mommy.

Be your everything.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon